Kung Pwede Lang Kitang Iuwi

1277 Words
Tahimik muna siya. Then naramdaman kong mas humigpit kapit niya sa balikat ko. “Ah… oo.” Mahina siyang tumawa pero pilit. “Hindi pa rin sila nagkakasundo.” Napabuntong-hininga siya. “Kanina lang,” bulong niya, “todo sigawan na naman sila.” Parang may kumurot agad sa dibdib ko. Hindi ko alam bakit sobrang sakit marinig no’n galing sakanya. Siguro dahil sanay akong maingay siya. Pero everytime na nagiging tahimik siya…doon ako natatakot. “Kahit anong gawin ko,” tuloy niya habang nakatingin sa kalsada, “parang walang nagbabago. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na baka isang araw maging okay rin lahat pero…” napatawa siya nang mahina. “Habang tumatagal, parang lalo lang lumalala.” Hindi agad ako nakasagot.Kasi putangina, anong sasabihin mo sa taong unti-unti nang napapagod mabuhay sa sarili niyang bahay? “Hindi dapat ganiyan buhay mo,” mahina kong sabi. Narinig ko maliit niyang tawa. “Wow. Deep.” “Seryoso ako.” Tahimik ulit siya. At doon ko narealize…ayoko siyang marinig na umiiyak ulit. Kahit kailan. “Alam mo,” sabi ko habang pilit nagpapakagaan ng tono, “pwede mo naman akong kausapin.” “James…” “Huwag ka na magkunwari sakin.” Huminga ako nang malalim. “I know you, Bella.” Napatahimik siya. “Tuturuan kitang lumaban.” Napakunot noo siya. “Ha?” “Tigilan mo pagiging martyr.” “Excuse me?” “Lagi mo nalang sinasarili lahat.” Napailing ako. “Nakakapagod kaya maging strong girl palagi.” “Strong independent woman ako, hello.” “Strong independent mukha mo. Umiyak ka lang kahapon.” “Hoy!” Napatawa ako nang mahina. Finally. Kahit konti, bumalik yung dating Bella. Pero ilang segundo lang, natahimik ulit siya. “Hindi mo kailangang pasanin problema ko,” mahina niyang sabi. At doon ako napailing. Hindi niya talaga gets. “Hindi ko pinapasan,” sagot ko agad. “Sinasamahan lang kita.” Tahimik. “Kahit dati,” dagdag ko habang nakangiti nang konti, “nung iyakin ka pa sa playground—” “Excuse me? Hindi ako iyakin.” “Bella, grade three tayo no’n. Umiyak ka dahil nawala lollipop mo.” “Kasalanan mo kasi!” Napatawa ako nang malakas. “See? Kasalanan ko na naman.” “Kasi totoo!” “Pero diba?” ngumisi ako. “Hindi kita iniwan.” Natahimik siya. “Kahit naiinis ako sayo noon…” tumingin ako sakanya sa likod ko. “Hindi ko naisip iwan ka.” Tahimik na naman. Pero this time…iba. Mas mabigat. Mas totoo. “Salamat, James.” Mahina lang. “Even before,” bulong niya, “kahit dugyot ka… ikaw pa rin pinaka-comfortable kasama.” “Wow ah.” Napangiti ako. “Compliment ba ‘yon o insulto?” “Both.” Tumawa ako. At first time buong araw…gumaan pakiramdam ko. Tanaw na namin gate nila. At ayoko man aminin…parang ayoko pa siyang ibaba. “Kaya mo na maglakad?” pang-aasar ko. “Hindi.” “Wow. Honest.” “Kasi masarap sakyan service mo.” “Libre lang first ride. Next time may bayad na.” “Arte mo.” “Syempre. Gwapo driver mo.” “Feeling.” “Fact.” Napailing siya habang tumatawa. Ang ganda niya pala talaga kapag masaya. Hindi yung pilit. Hindi yung fake smile niya sa school. Kundi yung totoong tawa. Yung tawang parang walang problema sa mundo. At nakakainis isipin na sa bahay nila…unti-unti ‘yong nawawala. “James…” “Hm?” “Thank you.” Napatingin ako sakanya. This time seryoso na siya. “Sa pakikinig,” mahina niyang sabi. “At sa pananatili.” Bakit parang gusto kong yakapin buong mundo para sakanya? “Corny mo naman,” biro ko agad para takpan kaba ko. “Edi wow.” “Pero…” huminga ako nang malalim. “Always remember this, Bella.” Tumingin siya sakin. “Nandito lang ako. At kahit gaano ka ka-drama…” ngumiti ako nang konti, “hindi kita iiwan.” Bigla siyang natahimik. Then slowly…bumaba siya sa likod ko. Akala ko papasok na siya. Pero bago pa ko makapag-react, bigla niya kong niyakap. Mahigpit. Nanlaki mata ko. As in literal. “B-Bella?” “Shut up ka lang.” Ramdam ko t***k ng puso ko hanggang tenga. At mas lalo akong nabaliw nang marinig ko mahina niyang bulong. “Mas gumaan pakiramdam ko ngayon.” Hindi ko alam ano isasagot. Kasi putangina, ako yata yung hindi makahinga. Kaya tumawa nalang ako nang mahina. “At ako,” bulong ko habang pilit normal boses ko, “masaya na kong ngumiti ka ulit.” Dahan-dahan siyang bumitaw.Namumula pisngi niya. Kung hindi lang siguro ako nagpipigil, baka may nagawa akong katangahan. “Goodnight, James.” “Goodnight, drama queen.” “Bwisit.” Tumawa ako habang pinapanood siyang pumasok sa gate nila. Pero bago pa man tuluyang magsara pinto, biglang may sumigaw mula sa loob. “Wala ka talagang kwentang asawa!” Nanigas ako. Then another crash. Basag. Sigawan. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa bahay nila. Pagod na pagod na nga siya…tapos babalik siya sa ganung klaseng bahay. “Sana okay ka lang…” bulong ko. At sa unang pagkakataon, pakiramdam ko wala akong kwenta. Kasi kahit gusto ko siyang protektahan…hindi ko magawa. — Pagdating ko sa bahay, bumungad agad sakin amoy ng adobo. At automatic, napangiti ako. Ang ingay nila Mama sa kusina. Naririnig ko tawanan nila Papa at Ate. Normal. Tahimik. Mainit. Pamilya. At hindi ko maiwasang maisip…ganito kaya gusto ni Bella? “Magandang gabi po sa paborito niyong anak!” sigaw ko pagpasok. “Ulol,” sagot agad ni Ate Iunie. “Only child ako.” “Delusional.” Tumawa si Mama habang nilalapag pagkain. “James, maghugas ka muna kamay bago ka mambwisit.” “Yes, Ma’am.” Pag-upo ko sa hapag, agad akong sinalinan ni Mama ng sabaw. Ang gaan sa pakiramdam. Siguro dahil kompleto kami. Siguro dahil walang sigawan. At lalo lang sumikip dibdib ko para kay Bella. “Parang lutang ka,” puna ni Papa habang kumakain. “Ano? Hindi ah.” “Si Bella na naman iniisip mo noh?” singit agad ni Ate. Muntik akong mabulunan. “ATE NAMAN!” Tumawa sila. Samantalang ako…parang nahuli sa krimen. “Kaibigan ko lang ‘yon,” depensa ko agad. “Classic,” sabi ni Ate. “Hindi nga!” “James,” natatawang sabi ni Mama, “hindi ka namin jinajudge.” Napailing ako bago napabuntong-hininga. “Magulo lang talaga pamilya nila.” Tahimik saglit mesa. Then nagsalita si Mama. “Anak,” mahina niyang sabi, “hindi mo man kayang ayusin problema nila… malaking bagay na yung hindi mo siya pinaparamdam na mag-isa siya.” Napatingin ako kay Mama. At ewan ko ba, parang gusto kong umiyak bigla. Kasi baka yun lang talaga kailangan ni Bella. May manatili. “James,” seryosong sabi ni Papa, “kung magiging sandalan ka niya… siguraduhin mong totoo ka.” Tumango ako. “Totoo naman po.” At doon ko narealize. Oo nga noh. Kailan ba naging biro si Bella para sakin? Kasi sa bawat iyak niya…parang ako rin nasasaktan. At sa bawat ngiti niya…putangina. Parang kompleto araw ko. — Gabing-gabi na pero gising pa rin ako. Nakatayo ako sa balcony habang tanaw bahay nila Bella mula dito. Patay ilaw sa kwarto niya. Tahimik buong subdivision. Pero hindi mapakali utak ko. “Sana okay ka lang…” Napabuntong-hininga ako habang nakasandal sa railings. At first time kong aminin sa sarili ko, hindi na yata simpleng concern lang nararamdaman ko para sakanya. Kasi kung friendship lang ‘to…bakit parang gusto kong akuin lahat ng sakit niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD