The Way She Looked at Me

1307 Words
JAMES’ POV Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ako. Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil masipag ako. Kundi dahil hindi ako pinatulog ng utak ko buong gabi. Nakatingin lang ako sa kisame habang paulit-ulit bumabalik sa isip ko yung narinig ko kagabi mula sa bahay nila Bella. Yung sigawan. Yung iyak. At yung boses niyang pilit matatag kahit basag na basag na. Tangina. Hindi ko alam bakit ang bigat no’n para sakin. Siguro dahil first time kong marinig si Bella na gano’n kahina. Sanay kasi ako sa kanya na palaban. Maingay. Masungit. Yung tipong kahit limang tao kalaban, kaya niyang bardagulin lahat nang hindi natitinag. Pero kagabi…iba. At ayoko yung pakiramdam na wala akong nagawa para sakanya. Napabuntong-hininga ako bago bumangon. Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko agad si Mama sa kusina. “Ang aga mo yata ngayon,” natatawa niyang sabi habang nagluluto. “Kailangan ko pumasok ng maaga.” Nagtaas siya ng kilay. “May milagro?” “Kailangan ko suntukin classmate ko.” “James Oliver.” Tumawa ako nang mahina bago kumuha ng tinapay. Pero kahit sinusubukan kong maging normal…wala pa rin si Bella sa isip ko. “May problema ba?” tanong bigla ni Mama. Napahinto ako. “Ha?” “Kanina ka pa lutang.” Napatingin ako sa tasa ng kape ko. Then slowly, napabuntong-hininga ako. “Ma…” mahina kong sabi. “Paano mo malalaman kapag hindi okay yung isang tao kahit nakikita mo siyang ngumingiti?” Tahimik si Mama sandali. Tapos ngumiti siya nang kunti. “Kapag kilala mo talaga yung tao,” sagot niya, “mapapansin mo kahit hindi siya magsalita.” At doon lalo kong naisip si Bella. — Pagdating ko sa school, automatic agad hinanap ng mata ko si Bella. At syempre, nasa hallway siya. Nakaayos buhok niya. Plantsado uniform. May hawak na libro. At nakikipag-usap sa friends niya habang nakangiti. Mukha siyang okay. Pero alam kong hindi. Kasi kilala ko siya. At yung ngiti niya ngayon? Peke. “Bro, kanina ka pa nakatitig,” puna ni Kiel habang nakasabit sakin braso niya. “Tumahimik ka.” Ngumisi siya. “Ay grabe. Concerned.” “Concerned mo mukha mo.” Pero bago pa siya makapang-asar ulit, naglakad na ko papunta kay Bella. “Good morning, Bella.” Napatingin siya sakin. At doon ko napansin. May konting pamumula pisngi niya. Hindi dahil nahihiya. Parang… namaga. Parang— Tangina. Nanikip dibdib ko. “Good morning,” mabilis niyang sagot bago umiwas ng tingin. At doon ako lalong kinutuban. “Okay ka lang?” Tumango agad siya. “Oo.” Sinungaling. “Sure?” “James,” napabuntong-hininga siya. “Ang aga-aga.” “Concerned lang ako.” “Hindi ko kailangan concern mo.” “Masungit, Makulit, Cute.” Napairap siya pero naglakad na ulit. At syempre—sumabay ako. “Hindi ka ba nag-breakfast?” “Busog pa ko.” “Liar.” “Excuse me?” “Tinatamad ka lang kumain.” “Wow. Psychiatrist?” “Future asawa mo.” Halos masamid siya sa hangin. “James!” Napatawa ako. Finally. Kahit papano, mukhang nabawasan bigat sa mukha niya. “At least nagsalita ka nang mahaba,” sabi ko habang nakapamulsa. “Hindi ibig sabihin no’n natutuwa ako sayo.” “Pero masaya ka.” “Delusional.” “Obsessed.” “Ulol.” Napangiti ako. There she is. Yung Bella na kilala ko. Pero kahit gano’n…ramdam ko pa rin na may tinatago siya. Buong araw, tahimik lang siya. Hindi siya usual na pala-away. Hindi siya masyadong sumasagot sakin. At ilang beses ko siyang nahuling tulala. Parang may dinadala siyang sobrang bigat. At tangina, gusto kong akuin kahit konti. — “Huy.” Napalingon si Bella sakin habang palabas siya classroom. “Tapos na class,” sabi ko habang nakasandal sa pader. “Uwian na.” “Alam ko.” “Wow. Galit.” “Hindi ako galit.” “Mas nakakatakot kapag kalmado ka.” Umirap siya bago nagpaalam sa friends niya. “Una na ko.” “Hatid kita.” “Hindi na.” “Hindi ako nagtatanong.” “James—” “Bella.” Napatingin siya sakin. At first time yata buong araw…wala akong halong biro. “Sasamahan kita.” Tahimik siya saglit bago umiwas ng tingin. “Sige.” At ewan ko ba…pero pakiramdam ko nanalo ako sa isang bagay na hindi ko naman dapat ipinagmamalaki. Tahimik kaming naglalakad palabas ng campus. Mahangin. Palubog na araw. At strangely enough…ang sarap lang sa pakiramdam na katabi siya. “Akala ko sinundo ka?” tanong ko. “Sinabi ko kay Manong Randy umuwi na sila.” “Bakit?” “Kaya ko naman mag-isa.” “Hindi bagay sayo independent.” Napatingin siya sakin. “Excuse me?” “Sanay kasi akong inaaway mo ko.” “Bwisit ka.” Ngumiti ako. At buti nalang—ngumiti rin siya kahit konti. “Alam mo,” sabi ko habang naglalakad, “mas gusto kita kapag totoo yung ngiti mo.” Bigla siyang natahimik. Oops. Too much? “Lalim mo naman today,” pilit niyang biro. “Mana sayo.” “Hindi ako malalim.” “Talaga?” tumingin ako sakanya. “Eh bakit parang dami mong iniisip lagi?” Napaiwas siya ng tingin. At doon ko nakumpirma. May mali talaga. “James…” mahina niyang sabi. “Hm?” “Ayaw ko maging pabigat.” Napahinto ako sa paglalakad. “Ano?” “Alam kong busy ka rin sa buhay mo.” Mahina siyang ngumiti. “Ayoko yung pakiramdam na parang kailangan mo kong alagaan lagi.” Tangina. Hindi niya ba alam? Kung pwede lang—gagawin ko talaga. “Bella,” seryoso kong sabi habang nakatingin diretso sakanya, “ilang taon na tayong magkaibigan.” Tahimik siya. “At never, kahit isang beses, hindi ko naramdaman na pabigat ka.” Napatitig lang siya sakin. Parang may gusto siyang sabihin. “James…” mahina niyang tawag. At putangina. Bakit parang bumibilis t***k ng puso ko? “Hindi mo ba alam,” bulong niya habang diretso nakatingin sakin, “na masaya ako kapag kasama kita?” Nanlaki mata ko. WAIT— “Pero…” mabilis niyang dagdag habang umiiwas ng tingin. At doon ako muntik mamatay sa kaba. “Pero ano?” mabilis kong tanong. Ngumisi siya nang konti. “Tanga ka talaga minsan.” “Bella.” Tumawa siya nang mahina. Then bigla siyang napahawak sa paa niya. “Ara—” Napakunot noo ako. “Anong nangyari?” “Wala.” “Masakit paa mo.” “Hindi.” “Liar na naman.” “Arte mo.” Hindi na ko nagsalita. Lumuhod lang ako sa harap niya. “James…” “Sakay.” “Huh?” “Sabi ko sakay.” Nanlaki mata niya. “Baliw ka ba?!” “Konti.” “James, nakakahiya!” “Wala kong pake.” “May makakakita!” “Good. Para mainggit sila.” “JAMES!” Tumawa ako bago hinila braso niya. At ilang segundo lang, nasa likod ko na siya. Tahimik. Mahigpit hawak niya sa balikat ko. At hindi ko alam bakit…pero parang ayoko matapos moment na ‘yon. “Ang bigat mo,” pang-aasar ko. “IBABA MO KO!” Tumawa ako nang malakas. “There she is.” “Bwisit ka talaga.” Pero kahit naiinis siya…ramdam kong napatawa ko siya. And honestly? Yun lang gusto ko. Kasi ayoko na ulit marinig iyak niya. Tahimik kami saglit habang naglalakad ako. Hanggang sa napabuntong-hininga ako. “Bella…” “Hm?” Huminga ako nang malalim. Then mahina akong nagsalita. “Tungkol kagabi…” Naramdaman kong nanigas siya sa likod ko. “May problema pa rin ba parents mo?” At doon, bigla kong naramdaman na mas mabigat pa pala yung dala niya…kaysa sa bigat niya sa likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD