The Slap That Broke Me

1427 Words
Madilim na nang makauwi ako sa bahay. Halos tahimik na ang buong kalsada pero sa mismong gate pa lang namin, ramdam ko na agad ang bigat. Rinig ko na ang malalakas na boses ni Mommy at Daddy. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang eksena na ilang beses ko nang nasaksihan. Mommy. Daddy. Nag-aaway na naman. Napapikit ako habang mahigpit na hinahawakan strap ng bag ko. Not again. “Lord naman,” bulong ko sa sarili ko. “Kahit ngayong araw lang sana, tigilan na nila.” “Hindi ko na talaga kaya ‘to!” sigaw ni Mommy habang padabog na ibinabagsak ang baso sa mesa. “Lagi na lang ganito! You keep acting like everything’s fine habang ako nalulunod na dito!” Napahigpit hawak ko sa bag ko pagkapasok ko. Here we go again. Basag ang isang vase sa sahig. Nakatapon ang tubig. At sa gitna ng sala, nakatayo sila Mommy at Daddy habang parehong galit na galit. Para silang dalawang taong hindi na magkakilala. “Ako pa talaga may kasalanan?” galit na balik ni Daddy. “Ikaw tong konting mali lang ginagawang malaking issue!” sigaw ni Daddy. “Parang gusto mong miserable ako araw-araw!” “Because you never listen!” sigaw ni Mommy. “Kahit kailan hindi mo ‘ko pinakinggan!” “Paano kita pakikinggan eh kahit anong gawin ko mali para sayo?!” Napapikit ako habang naririnig bawat sigaw nila. Nakakapagod. Sobrang nakakapagod. At mas masakit dahil sa sulok ng sala, nakita ko si Yesha. Nanginginig, umiiyak, nakaupo sa floor habang yakap yakap teddy bear niya. “Yesha…” agad akong lumapit sa kapatid ko habang pinupunasan luha niya. “Shhh… okay lang, andito si Ate.” Humagulgol siya lalo habang mahigpit akong niyayakap. “Ate…” nanginginig boses niya. Hinimas ko ang likod niya, kahit ako mismo gusto ko na ring umiyak. Pero mas lalo lang siyang umiyak habang kumakapit sakin. “Ate… natatakot ako…” Tangina. Hindi ko maintindihan bakit hindi naririnig nina Mommy at Daddy ‘yon. Bakit mas importante galit nila kaysa sa mga anak nila. “Sana hindi nalang kita pinakasalan!” sigaw ni Mommy habang umiiyak. At doon ako tuluyang napatingin sa kanila. Tahimik saglit. Then Daddy laughed sarcastically. “Good. Kasi kung alam ko lang na ganito ka ka-drama, hindi na rin sana kita pinatulan noon.” “Wow,” nanginginig na sabi ni Mommy. “So kasalanan ko na ngayon lahat?” “Hindi ba?! Simula’t sapul ikaw na problema dito sa bahay!” “Excuse me? Ako talaga?!” napatawa siya nang walang saya. “Who’s never home? Who keeps choosing work over this family?!” “Ginagawa ko ‘yon para sainyo!” “No,” sigaw ni Mommy habang tuloy-tuloy luha niya, “ginagawa mo ‘yon para sa babae mo!” Naramdaman kong mas humigpit ang hawak ni Yesha sa akin. “Ate, galit ba sila? Kanina pa sila nagsisigawan…” bulong niya. “Wag kang mag-alala,” sagot ko, pilit pinapakalma ang kapatid ko. “Andito si Ate.” “Mommy, Daddy… tama na.” pagpapakiusap ko. “F*ck this family,” singhal ni Daddy. At doon ako napuno. “Tama na!” Biglang natahimik ang buong sala. Pareho silang napalingon sakin. Mabilis paghinga ko habang yakap si Yesha. Hindi ko na kaya. “Sige na! Tama na!” tumulo na rin ang luha ko. “Hindi niyo ba nakikita? Hindi lang kayo ang nasasaktan sa sigawan niyo. Kami rin! Si Yesha!” Tinuro ko ang kapatid ko. “Bulag ba kayo?!” sigaw ko habang umiiyak na rin. “Si Yesha umiiyak na oh!” Tahimik sila. Pero alam kong hindi pa rin sapat ‘yon. Kasi sanay silang magbulag-bulagan. “Isa, don’t interfere,” malamig na sabi ni Daddy. Natawa ako. As in literal na natawa. “Don’t interfere?” ulit ko habang nanginginig boses ko. “Daddy, anak niyo ko. Paano ako hindi makikialam kung gabi-gabi na lang ganito?!” “Watch your tone, Isabella.” “No! You listen to me this time!” sigaw ko pabalik. Nanlaki mata nila pareho. Siguro dahil first time ko silang sagutin nang ganito. Pero wala na ‘kong pake. Pagod na pagod na ‘ko. “Alam niyo bang si Yesha hindi na makatulog gabi-gabi dahil sainyo?!” tuloy-tuloy kong sabi. “Alam niyo bang tuwing nagsisigawan kayo, nanginginig siya sa takot?!” “Isa…” mahina nang sabi ni Mommy. Pero hindi na ko tumigil. “At ako?!” napahawak ako sa dibdib ko. “Sino sa tingin niyo sumasalo sa lahat?!” Tahimik. Ramdam ko tumutulo na luha ko pero wala na kong pakialam. “Alin bang hindi ko niyo ma gets Mommy?” nanginginig na ang boses ko. “Panganay ako, oo,” nanginginig kong sabi. “Pero bakit pakiramdam ko ako na magulang dito? Alam niyo ba kung sino ang unang tinawag ni Yesha ng ‘Mama’? Si Manang Dores, hindi ikaw!” “Enough.” Boses ni Daddy malamig na. “NO!” sigaw ko. “Kasi pagod na pagod na ‘ko!” Tahimik buong bahay. Pati si Yesha tumigil sa pag-iyak habang nakakapit sakin. “Pinalaki ka namin ng maayos, binigay lahat ng luho mo—” “Hindi namin kailangan ng malaking bahay!” sigaw ko habang diretso nakatingin sakanila. “Hindi namin kailangan ng pera kung ganito rin lang!” “Isabella!” sigaw ni Daddy. “Ang kailangan namin pamilya!” basag kong sigaw. “Yung totoong pamilya, not this!” At doon...bigla akong nakaramdam ng matinding hapdi sa pisngi ko. PAK. Nanigas buong katawan ko. Hindi agad nag-register sa utak ko ang nangyari. Hanggang sa maramdaman ko init ng pisngi ko. Slowly, napalingon ako kay Daddy. Humihinga siya nang malalim habang nakatingin sakin. Parang pati siya nagulat sa ginawa niya. Pero alam mo yung mas masakit? Hindi yung sampal. Kundi yung realization na kaya niya pala akong saktan. “A-Ate…” umiiyak na sabi ni Yesha habang kapit na kapit sakin. Napalunok ako habang pilit pinipigilan hikbi ko. “Pinalaki ka namin nang maayos,” madiing sabi ni Daddy. “Hindi kita pinalaking bastos.” Napatawa ako habang tuloy-tuloy luha ko. “Maayos?” mahina kong ulit, nanginginig ang kamay habang hawak ang pisngi kong namumula. Then tumingin ako diretso sakanya. “Ganito ba yung maayos, Daddy?” Tahimik. Walang sumagot. Kasi deep inside…alam naming lahat na hindi na talaga maayos pamilya namin. Hinila ko si Yesha at tinungo ang hagdan papuntang kwarto. At habang paakyat kami ng hagdan, wala man lang pumigil samin. Wala man lang humabol. Sanay na sanay na silang umiwas kapag kami na nasasaktan. SA KWARTO----- Mahigpit pa ring yakap ni Yesha teddy bear niya habang nakahiga sa kama. Namumugto mata niya kakaiyak. At ako? Hindi ko na alam paano maging matatag. “Ate…” mahina niyang tawag. Hinaplos ko ang buhok niya, pilit pinapakalma. “Hm?” “Okay ka lang ba?” Napapikit ako. Kasi ang hirap sagutin. Hindi ko alam kung may maaayos pa ba. Pero ngumiti pa rin ako. Para sakanya. “Of course,” mahina kong sabi habang hinahaplos buhok niya. “Okay lang si Ate.” Tumingin siya sa bintana. Pinipigilan ko ang sariling lumuha ulit. “Tignan mo sa taas, gising na yung favorite mong star.” Tinuro ko ang bintana, kung saan kumikislap ang mga bituin. “Kahit madilim ang gabi, may araw pa ring darating bukas. Ibig sabihin, kahit galit sina Mommy at Daddy ngayon… bukas baka maging okay na sila.” Huminga siya nang malalim. “Pero… bakit sila laging nag-aaway, Ate? Kahit magbati sila ngayon… bukas ulit?” Hinaplos ko ang pisngi niya, pinilit ngumiti. “Huwag mo na silang intindihin, bata ka pa Yesha. Matulog kana, bukas bilhan kita ng bagong laruan, gusto mo yon?” Tumango lang ito at tsaka unti-unting pumikit, hawak pa rin ang kamay ko. “Ate…” “Hm?” “Wish ko sana bukas hindi na sila mag-away.” bulong niya bago tuluyang nakatulog. At doon…halos madurog puso ko. Kasi simpleng bagay lang hinihiling ng kapatid ko. Tahimik na bahay. Kompletong pamilya. Mga bagay na dapat normal…pero parang imposible na para samin. “Matulog ka na,” bulong ko habang pinupunasan luha niya. “Bukas… magiging okay din lahat.” Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba ako para sakanya…o para sa sarili ko. Humiga rin ako sa tabi niya. Mabigat pa rin ang dibdib ko, nanginginig pa rin ang pisngi ko mula sa sampal ni Daddy, pero pinilit kong ipikit ang mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD