I Hate Him… So Why Am I Blushing?

1519 Words
BELLA'S POV Gaya ng ibang araw sa school, walang bago. Same old hallway. Same old noisy classmates. Same old teachers na akala mo ikamamatay kapag hindi nagpasa ng assignment. At syempre…same old James. Nakasandal siya ngayon sa corridor habang kausap mga tropa niya, halatang siya na naman sentro ng ingay sa buong floor. Tawang-tawa yung mga kasama niya habang siya naman sobrang kampante, parang walang problema sa mundo. Ang mas nakakairita, kahit simpleng puting polo lang suot niya, mukha pa rin siyang maayos tingnan. “Isa.” Napalingon ako kay Thea na ngayon ay nakatingin rin kay James. “Kanina ka pa tahimik. Don’t tell me, inasar ka na naman ng dugyot mong kaibigan?” ani Thea habang pinapahid ang lip gloss niya. Thea Rivera, ang pinakamaarte kong kaibigan, pero malambing naman kapag hindi siya nakaharap sa mga crush niya. Obvious kasi, weakness niya ang pogi. “Tinititigan mo na naman,” Agad akong napairap. “Excuse me? Hindi no.” “Sa tingin mo may ibang mang-aasar pa diyan?” sabat ni Celine. “Eh sa laki ng contribution ng pamilya niya sa school, ewan ko na lang kung may maglakas-loob pa na mag-bully sa kanya.” Celine Dwight, ambisyosa, palaban, at future leader material. Kaya lang, takot sa aso. As in legit. “Hello?” singit ni Anika, “Sa ganda ni Isa, sa tingin niyo may magbubully d’yan? Kahit wala pang yaman ‘yang pamilya niya, pupuriin pa rin siya.” Anika Santos, iyakin pero masayahin. Nakakahawa ang energy niya kahit minsan ang kulit sobra. “Tumahimik nga kayong tatlo!” singhal ko. “Sure ka?” singit ni Anika habang nakangisi. “Kanina ka pa nakasilip diyan.” “Kadiri kayo.” Tumawa lang si Celine habang nagsasara ng notebook. “Honestly, bagay naman kayo.” “Tumigil nga kayo,” sabi ko agad. “Hindi ko type ‘yon.” “Classic line ng mga naiinlove,” dagdag ni Thea. “Hindi ako nai-in love.” “Defensive.” “Hindi defensive. Reality.” “Sure?” pang-aasar ni Anika. Bago pa ako makasagot, biglang lumingon si James sa direksyon namin. At syempre...sakto talagang nakatingin ako. Bwisit!! Agad siyang ngumisi. Yung nakakabwisit na smug smile niya. Tapos kumaway pa. Napairap ako habang mabilis na umiwas ng tingin. Narinig ko agad hagikgikan ng tatlo. “AYIEEE—” “Shut up!” “Isa,” pang-aasar ni Thea. “Namumula ka.” “Mainit.” “Nasa aircon tayo.” Tumawa sila lalo. Nakakahiya. At mas nakakahiya dahil ramdam kong nakatingin pa rin si James sakin kahit hindi ko siya nililingon. “Tumahimik nga kayong tatlo!” singhal ko. “Pagod lang ako. Narinig ko na namang nag-aaway sina Mommy at Daddy bago ako umalis kanina.” “May thrill daw kasi ang relasyon pag ganyan,” ani Anika na parang walang pake. “Thrill? Ano bang thrill ‘don? I never wanted this wealthy family thing kung ganito rin lang yung kapalit,” sagot ko, sabay buntong-hininga. “Isa, relax ka lang,” si Celine, the rational one. “Hindi pa naman nagdi-divorce parents mo, and I don’t think aabot doon. Chill lang.” Tumango si Thea at Anika. Tahimik akong tumango, pero bago pa tumagal ang topic, singit agad si Thea, “Pero balik tayo kay James. Bakit ba ayaw mong umiwas sa dugyot na ‘yon?” “Ilang beses ko ba uulitin? Kaibigan ko si James. Kahit dugyot siya, mabait naman siya sa’kin,” sagot ko. Nagkatinginan silang tatlo, tapos si Anika ang bumomba: “Isa, don’t tell me may feelings ka kay James?” “Ano!?” halos matawa ako. “Alam mo,” sabi ni Celine habang inaayos buhok niya, “kung ako sayo, aaminin ko na.” “Anong aaminin?” “Na may something.” “Wala nga!” “Bella,” natatawang sabi ni Anika, “you literally look at him like you want to punch him and kiss him at the same time.” Muntik na akong mabulunan sa tubig ko. “Ano?!” “Totoo naman!” tawang-tawa nilang tatlo. “Kasi obvious na obvious na affected ka sakanya.” dagdag pa ni Celine. “Affected? Kay James?” napatawa ako nang pilit. “Please. Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa magkagusto diyan. “Aray naman.” Bigla kaming napalingon. And there he was. Nakatayo si James sa likod ko habang nakapamulsa. Ngumisi siya. “Ganun pala kalala tingin mo sakin.” “James!” gulat kong sigaw. “Kanina ka pa diyan?!” “Enough para marinig na mas gugustuhin mo pang makulong kaysa magkagusto sakin.” Napahawak siya sa dibdib niya. Tumawa agad sila Thea. Samantalang ako? Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. “Epal ka kasi,” inis kong sagot. “Pero miss mo.” “Hindi.” “Liar.” “Delusional.” “Obsessed.” “Ulol.” Tumawa na naman siya. Nakakainis. Parang hobby niya talagang asarin ako araw-araw. “Anyway,” sabi niya habang tumatabi sakin, “may practice tayo mamaya sa music room.” Napakunot noo ako. “Anong practice?” “Hello? School festival?” Bigla kong naalala. Right. Yung duet performance. At unfortunately… partner ko siya. “Wait— kayo tandem?” excited na tanong ni Anika. Ngumisi agad si James. “Oo. Destiny.” “Destiny mo mukha mo.” “Sweet mo talaga sakin, Bella.” “Tumigil ka nga.” Napailing ako habang naglalakad palayo. At syempre— sumunod siya. “Bakit ka sumusunod?” “Partner nga tayo.” “Hindi ibig sabihin nun kailangan mo ko kulitin every second.” “Required ‘yon.” “Sino may sabi?” “Ako.” “Feeling important.” “Importante naman talaga ako sa buhay mo.” Huminto ako sa paglalakad para lingunin siya. “At saan mo naman nakuha confidence mo?” Lumapit siya nang konti. Masyadong konti. I rolled my eyes. “Anyway, una na ‘ko. Magbabalik lang ako ng libro sa library, baka ma-special mention pa ako ng librarian.” pagmamadali ko. SA LIBRARY------ Tahimik akong namimili ng bagong hihiramin na libro nang biglang dumating ang istorbo ng buhay ko. Hindi paman siya nakakapagsalita ay alam na alam ko nang magugulo na naman 'to sakin. “Just shut up, okay?” bulong ko, hindi man lang siya tiningnan. “Bakit ba palagi kang galit sa’kin? Let me guess… type mo ‘ko?” Agad akong nagtaas ng kilay. “I’m trying to relax here. Will you please get out? Nakakaistorbo ka na.” “Library is for everyone, Bella. ” “Ayoko makipag-argue sa taong sobrang taas nga ng IQ pero sobrang baba ng humor.” “Copy that, ma’am. Mag-aaral na si Jo para sa bright future natin!” salute pa siya. “Bright future, paa mo!” I started packing my things, pero mabilis din siyang sumabay. “Kakain ka, ‘di ba? Sabay na tayo. Gutom na rin ako.” Ayun na nga. Wala pang limang minuto, nasa harap ko na naman siya. Kahit sa pagkain 'di na natahimik. “Bella, sabi ng scientists, chocolate daw makes you happy,” sabi niya habang inaayos ang tray sa table. “Eh ano ngayon?” irap ko. “So parang ikaw. You make me happy.” “Bob*, anong connect nun sa chocolate?” napatawa ako kahit pilit, kasi ang corny talaga. Ngumiti siya. “Kasi ikaw yung chocolate, sweet and irresistible.” “Baduy.” “Eh di wag, kakain na lang ako dito mag-isa,” drama pa niya. “Pero hindi ako mabubusog kung wala ka.” “Pick-up lines mo, walang kwenta.” “Hindi ‘to pick-up line. Lines of truth ‘to.” “Truth na may galawang bulok,” sagot ko. “Speaking of truth, Bella, totoo ba na—” bigla siyang tumigil. “Stop right there! Ayoko na ng cheesy line mo. Pwede ba, kumain ka na lang?” He smirked. “Kinakabahan ka ba, Miss Bella? Bakit kaya?” “Ako? Asa ka!” “Fine, fine. Balik tayo sa chocolate analogy. Gusto mo ng dessert? Nandito sa tabi mo.” Tinuro niya sarili niya. “Dessert ka? Ang kapal ng mukha mo.” “Basta ako, willing to be devoured.” Napahawak ako sa noo. “Nakakahiya ka, kupal! May mga tao dito.” “Dreams do come true, diba?” Muntik na akong mabulunan. “Namumuro ka na! Baka isang araw, magising ka na lang, wala ka nang hininga!” “Looking forward to that day. Sigurado, labi mo ang magpapatigil sa’kin.” At doon ako napatulala. Hindi ko alam kung namumula ba ako, pero bakit nga ba hindi ko maiwasang tumitig sa labi niya? Fix yourself, Bella. Wag kang papadala sa kabaduyan ng dugyot na ‘to! “Ba’t ka nakatitig?” tanong niya bigla. Halos mabulunan ako. “Seriously, mabulunan ka sana. Ang hirap mo kausap!” Natawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain, habang ako naman, hindi ko maintindihan kung ba’t ako natataranta. Hindi ko siya type. Hindi dapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD