The Boy Who Talks Too Much

1238 Words
Sa Maynila, maraming klase ng ingay. May ingay ng busina sa gitna ng traffic. Ingay ng ulan na tumatama sa yero ng mga bahay sa eskinita. Ingay ng mga taong nagmamadaling habulin ang pangarap nilang hindi naman sigurado kung maaabot pa nila. Pero sa lahat ng ingay na alam ko… si James Oliver Pascual ang pinaka-maingay. At pinaka-delikado. “Kapag tumingin ka pa sakin nang ganyan, maniningil na ako,” yabang niyang sabi habang nakasandal sa gate ng school, suot ang paborito niyang smug smile na akala mo pag-aari niya buong campus. Yung nakakairitang smile na akala mo sobrang gwapo niya.…kahit medyo totoo naman. Umirap ako. “Bakit? Mukha ka bang worth bayaran?” Napahawak siya sa dibdib niya. “Aray! Ang sakit mo magsalita, nakakabasag ng ego Bella. Wala ka bang awa?” “Wala para sa mga feelingero.” “Feelingero agad? Hindi bang pwede confident lang?” “Manipis lang pagitan ng confident at mayabang. At matagal mo nang nilagpasan ‘yon.” James laughed softly. Yung klase ng tawang parang kayang mang-asar kahit wala naman sinasabi. Yung parang gusto mong batuhin ng tsinelas pero somehow… gusto mo pa ring marinig ulit. Nakakainis!! Si James yung tipo ng lalaking kahit anong gawin mong iwas, somehow, lagi pa ring napupunta sa buhay mo, permanenteng istorbo sa buhay ko. Yung tipong kahit tahimik ang araw mo, bigla na lang siyang susulpot para guluhin lahat. At nakakainis dahil hinahayaan ko. Childhood friend? Unfortunately. Seatmate? Malas. Classmate? Triple kill. Nakakabwisit!! “Alam mo,” sabi niya habang naglalakad kasabay ko papunta sa hallway, “feeling ko crush mo talaga ako.” Napahinto ako para lingunin siya. “Excuse me? Sa kapal ng mukha mo, baka ikaw lang may gusto sa sarili mo.” “Pwede namang ikaw din. Ang defensive mo kasi lagi, usually ganyan kapag may tinatagong feelings.” Napairap ako. “Delusional.” “Obsessed ka lang.” “Ulol.” Ngumisi lang siya na parang nanalo sa argumentong wala naman talagang sense. At ewan ko ba… pero sa tuwing ngumingiti siya nang gano’n, parang may mali. Parang may paparating na gulo. Nakakabwisit!! At ang mas nakakabwisit? Alam niyang hindi ko siya kayang patulan nang matagal. Pagpasok namin sa classroom, agad na kaming sinalubong ng ingay ng mga kaklase namin. May nagkukulitan, may nagrereview, may nagtsi-tsismisan sa likod. Typical Monday morning. Pero syempre, hindi magiging complete ang araw ko kung hindi ako iistorbohin ni James. “Bella!” sigaw niya habang naupo sa upuan sa harap ko. “May importante akong tanong.” Hindi ko siya pinansin habang inaayos ang notebook ko. “Bella naman eh.” “What?” “Kung magiging artista ako someday…” ngumisi siya. “Papapicture ka ba sakin?” Napatingin ako sa kanya, “Feeling sikat.” “Hindi feeling. Future celebrity.” “Celebrity ng kahambugan.” “Mas okay na ‘yon kaysa celebrity ng kasungitan.” Binato ko siya ng ballpen. “Aray!” Tumawa pa ang loko. “Violence agad? Paano tayo magkakaroon ng healthy relationship niyan?” “Relationship?!” halos mapasigaw ako. Nagtinginan tuloy samin mga kaklase namin. “James!” inis kong bulong. “Tumahimik ka nga!” Ngumisi lang siya lalo. “Cute mo kapag galit.” “Cute mo kapag tahimik.” “Ay wow. So inaamin mong cute ako?” “Ang bilis mong umasa.” “Mas okay nang umaasa kaysa walang pag-asa.” Napailing na lang ako habang pilit siyang iniignore. Pero impossible talagang manalo kay James sa bardagulan. Kasi kahit nonsense pinagsasabi niya, may talent talaga siyang manggulo ng utak. At nakakainis dahil… sanay na sanay na ako roon. Noong bata pa kami, lagi na kaming nagbabangayan. Una kaming nagkita sa isang maliit na acting workshop malapit sa palengke. Grade six pa lang kami noon. Naalala ko pa kung gaano siya kayabang nung una kaming nag-usap. ----THROWBACK------ “Kanina ka pa nakatitig diyan,” sabi niya habang nakatingin sakin na parang matagal na niya akong kilala. “Gusto mo bang mag-artista?” Tiningnan ko siya noon nang diretso. “Oo.” “Bakit?” “Gusto kong maging sikat na maaalala ng mga tao.” Tahimik siya sandali bago tumawa nang mahina. “Ako kasi,” sabi niya habang inayos buhok niya sa reflection ng bintana, “kahit hindi maging artista, memorable na.” “Wow,” sabi ko noon. “Ang kapal.” “Kasing kapal ng pangarap mo?” “Mas okay nang mangarap kaysa puro yabang lang.” At doon nagsimula lahat. Simula noon, parang hindi na kami mapaghiwalay ng tadhana. Kung nasaan ako, somehow, nandoon din siya. At honestly? Hindi ko alam kung malas ba ‘yon… o hindi. “Bella.” Napakurap ako nang iwave ni James ang kamay niya sa harap ng mukha ko. “Kanina pa kita kinakausap. Nasa ibang dimension ka na naman.” “Kasalanan mo.” “Wow. Kahit wala akong ginagawa, ako pa rin?” “Oo.” “Obsessed ka nga talaga sakin.” “James,” ngumiti ako nang pilit, “gusto mo bang mawalan ng ngipin?” Tumawa lang siya. Tapos bigla siyang yumuko palapit sakin. Sobrang lapit. Biglang bumilis t***k ng puso ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya. “Alam mo,” mahina niyang sabi habang diretso nakatingin sa mata ko, “ang cute mo kapag naiinis.” “Lumayo ka nga.” “Bakit? Kinakabahan ka?” “Hind—” Biglang may sumigaw sa likod namin kaya napaatras ako agad. Nagtawanan tuloy mga kaklase namin. “AYIEEE! Bagay kayo!” “Tumigil nga kayo!” sigaw ko habang umiinit mukha ko. Samantalang si James? Tawang-tawa ang loko. “Masaya ka?” irita kong tanong. “Super.” “Bwisit ka.” “Pero kinilig ka.” “Sa panaginip mo.” “Sure ka?” Bago pa ako makasagot, tumunog na ang bell. Pero kahit nagsimula na klase…hindi pa rin bumabagal t***k ng puso ko. Lunch break. Finally, peace and silence. O ‘yon sana ang akala ko. “Kumakain ka mag-isa?” Napapikit ako. “James…” “Wow. Miss mo agad ako?” “Mas gusto ko pa kausap electric fan.” “Grabe siya.” Umupo siya sa harap ko dala pagkain niya. Tinitigan niya lunch ko. “Tocino?” “Problema mo?” “Wala. Gusto ko lang tikman.” “Bili ka sarili mo.” “Kuripot.” “Ayaw ko lang sayo.” “Ang sakit mo magsalita. Pero okay lang. Love language mo ata pagiging mean.” “Hindi lahat tungkol sayo.” “Pero mostly.” Napailing ako habang pilit pinipigilan matawa. At napansin niya ‘yon. Ngumisi siya. “AYAN!” turo niya sakin. “Ngumiti ka!” “Huh?” “Nakita ko! Ngumiti ka!” “Hindi no.” “Bella…” yumuko siya palapit ulit. “Flirting stage na ba tayo?” “Tumigil ka nga.” “Bakit namumula ka?” “Mainit.” “Nasa aircon tayo.” “Edi… kasalanan mo.” Bigla siyang natahimik. At first time yata ‘yon na wala siyang maisagot agad. Tinitigan niya lang ako. Diretso. Parang may gustong sabihin. At doon ako unang kinabahan nang totoo. Kasi sa unang pagkakataon…parang hindi na simpleng asaran lang lahat. Parang may nagbabago. Hindi ko pa alam noon…na si James Oliver Pascual, ang lalaking pinakaayaw kong aminin na importante sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD