CHAPTER 4: Chasing His Attention

1000 Words
"Arghhh!!! It became more and more impossible. Kahit anong gawin kong pagpapa pansin sa kaniya ay tila iniiwasan ako ng bwesit na yun!" inis na wika ni Chloe habang nagka-kape sila ni Vivian sa kusina ng bahay nito. "I told you, sinabihan na kasi kitang mahihirapan kang lapitan siya. Ngayon pa na halos ranas niya na ang iba't ibang klase ng pambu-bully at pagpapa-asa. Baka iniisip na nun na may gusto kang bagay na mula sa kaniya." ani naman ni Vivian rito. "Siguro ay kailangan ko nang maghanap ng paaralan na pwedeng pasukan." nawawalang pag-asawang wika ni Chloe. Mukhang ito na ata ang katapusan ng kaniyang pangarap na maka-pagtapos sa Sky University bilang c*m Laude. "Siguro nga, meron namang ibang school na tumatanggap ng transfere students na malapit lang rin sa school natin. Try to canvas, baka kaya pang tustusan ng pagiging workings student mo kay mommy ang tuition fee doon." ani naman nito sa kaniya. "Siguro nga, hays...." ani niya at humigop na lang muli sa kaniyang kape. Mabuti na lamang ay narian ang si Vivian at ang mababait na pamilya nito. Hindi niya ba kailangan pang huminto kung sakali. Ngunit uminit bigla ang dugo niya nang bigla niyang maalala ang naging tagpo nila ni Dylan noong nakaraang araw. *flashback* Araw ng merkules ngayon, kaya excited si Chloe na pumasok dahil ngayon araw ang kaisa isahang subject na magka-klase sila ni Dylan. Mabilis siyang nagtungo sa tabi nitong upuan nang makita roon ang binata. "Hi!" bungad niya rito. Ngunit tila hindi siya nito narinig at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng makapal nitong libro. "Dylan, right? I'm Chloe... Magka-klase tayo calculus." ani niya sa lalaki. Pinukulan naman siya ng saglit na pansin at muling itinuon muli ang paningin sa kaniyang binabasa. "What do you want?" supladong ani nito sa kaniya kaya naman ay napa-arko na lamang ang kaniyang kilay sa itinugon nito. "I just wanna ask kung meron ka bang assignment ngayon. Hindi kasi ako naka-gawa eh. You know, medyo naging busy sa pagiging cheer dancer." naka-busangot na wika niya na tila napapa-cute pa rito. Kahit na napipilitan ay kailangan niyang umakto sa harap nito. Mabilis namang ini-abot ni Dylan sa kaniya ang yellow pad nito na nasa ilalim ng mesa at ibinigay sa kaniya. Tila nagliwanag naman ang mukha ni Chloe nang i-abot nito sa kaniya. "Thank you..." naka-ngiti niyang wika at mabilis na kinuha ito at pinicturan. "Here, thank you ulit." ani nito sabay abot ng papel rito. "Siya nga pala Dylan, I've noticed na magaling ka sa calculus. Pwede mo ba akong i-tutor hanggang finals lang. Medyo nahihirapan kasi akong intindihin ang lesson natin ngayon e." naka ngiti niyang wika rito. "Miss Madrigal, if you want something sabihin mo lang. But please, can I have my peace of mind." ani nito at tinapunan siya ng tila naiiritang tingin at muling bumaling sa binabasang libro. "I'm just asking. If you don't want then I---" hindi niya na napatapos ang kaniyang sasabihin nang bigla na lang bumuhos ang harina sa ulo nito. "What the f**k?" nauubong wika ni Chloe, mabuti na lang ay hindi siya gaanong nalagyan nito. Saka niya lamang napagtanto na naroon pa pala sa taas ng kisame ang maliit na timba at hindi pa nila ito inaalis simula nang nakaraang linggo. "Wooohhh!!! Yan ang napapala ng sobrang kayabangan!" wika ng isang ka-klase niyang lalaki na siyang pasimuno nang pambu-bully rito. "Hey, Clarence!" tawag nito rito, ngunit mabilis na naagaw ang kaniyang pansin ni Dylan na bigla na lang tumayo sa kaniyang bangko. "Kasalanan mo to." ano nito at nagmamadali nang umalis. Halos naka-nganga naman si Chloe sa sinabi ng lalaki na tila ba siya ang sinisisi nito kung bakit siya nito binully ng kanilang ka-klase. *end of flashback* "So how's the challenge?" bungad sa kaniya ni Danica nang makita siya nitong nagbibihis para sa kanilang cheer dance training sa kanilang dressing room sa gym. "Hindi ko pa nasisimulan." ani niya nang maisuot ang kaniyang boots. "Hindi mo naman sinasabing hindi niya pala type ang maganda." inis niya pang wika rito at inirapan ang kaibigan. Napatawa naman si Danica sa kaniyang narinig. "Oh dear friend, susuko ka na ba agad sa isang nerd lang?" natatawang wika nito sa kaniya. Habang inaayos nito ang pagkakatali ng buhok. "Come on, sinong makakalapit sa kaniya kung naka harang na agad ang mga nambu-bully?" inis niyang wika rito. "It's up to you kung ipagpapatuloy mo pa. But I gave you an extension. Until this semester ends." ani sa kaniya ni Danica. "Good, then deal." mabilis namang wika ni Chloe sa kaniya at sabay na silang lumabas ng dressing room para mag practice. Naroon na rin kasi sa labas sina Vivian at ang iba pa na nagte-training ng mga yells nila. *** Dahil maaga namang natapos ang kanilang huling subject ng hapon ay dumaan na muna si Chloe sa library pa humanap ng gagamitin niyang reference sa kaniyang research. Sa sobrang pagod niya sa maghapon ay hindi niya namalayang naka-idlip pala siya. Mabilis siyang napabangon sa pagkakasubsob sa lamesa ng library nang magising. "f**k s**t! Anong oras na ba." mura niya nang magising at mapansing wala nang katao tao sa paligid at kakaunti na lang ang mga naka sinding ilaw sa loob. Nang silipin niya ang kaniyang cellphone ay ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makitang 7:13 PM na. Nagmamadali niyang dinampot ang kaniyang mga gamit at inilagay sa kaniyang bag. Sinubukan niyang tawagan si Vivian ngunit sa ka-malas malasan ay expired na pala ang kaniyang load. "Hello, is any body here?!" ani niya habang kinakalampag ang pinto at pilit na pinipihit ang seradura ngunit naka lock ito mula sa labas. "Hayst... Ba't naman kasi ako naka idlip." yamot na wika ni Chloe. "Hmmpp... Hmmpp..." halos magtayuan ang kaniyang mga balahibo nang makarinig siya ng mga kaluskos at mahinang ingay mula sa loob. "Hello?! May tao ba dito!?" kinakabahan niyang tanong at sinundan ang mga kaluslos at langitngit ng bangko. "What on earth?" bulalas niya nang makita ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD