CHAPTER 3: The Aloof Nerd

1141 Words
Natapos na lang ang buong klase ng kanilang 1st subject ngunit hindi pumasok si Dylan sa klase. Maswerte na lang ito dahil hindi ito naka tikim ng pambu-bully sa kaniyang mga kaklase sa unang subject. Nang matapos ay agad na nagtungo si Chloe sa cafeteria upang hintayin roon si Vivian. Magka-klase kasi sila sa tatlong magkakasunod na subject ngayong araw at mamaya pang 11 AM ang susunod pa nilang klase kaya naisipan niya na munang tumambay. "Hays..." inis na ani niya at nagbuntong hininga. Ngayon pa lang ay tila nawawalan na siya nang pag-asa na makalapit sa nerd na iyon. "Oh, ang aga mo atang nakarating ah. Maaga ba natapos ang subject mo ngayon?" ani ni Vivian sa kaniya at naupo sa harapang bangko ng inuupuan nilang lamesa. "Yeah. Mukhang may pupuntahan ata si Maam." tipid niyang wika sa kaibigan. "So, did you rejected her offer?" pag-uusisa nito sa kaniya. Agad niya namang inilabas ang folder na bigay ni Danica at ipinakita ito sa kaibigan. "What? You still accepted the deal?" hindi makapaniwalang wika nito. "Yeah. Tulad ng sinabi ko ay kailangan kong i-grab ang opportunity na yun." sagot niya naman at muling napabuntong hininga nang may maalala. "Yun nga lang, I don't know where I start. Baka madamay ako sa pambu-bully kay Dylan." na fro-frustrate niya nang wika rito. "Sinabi ko na sa 'yo 'di ba. Hindi imposibleng madamay ka. Pero ang magiging advantage mo sa sitwasyon mo ngayon ay isa ka sa muse ng school at cheer dancer. Kaya medyo ligtas ka sa pambu-bully na yan." mahabang litanya naman ni Vivian sa kaniya. "But, mahihirapan ka kung diretso kang magbibigay sa kaniya ng motibo. Try mo munang makipagkaibigan o makipagkilala sa kaniya bago ka magsimula sa first move mo." dagdag pa nito. Kaya naman naka-isip siya ng idea kung paano siya nito mapapansin. Pero ang tanong. Active din kaya ito sa social media. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa bag at ine-research ang pangalan ang pangalan ni Dylan sa sss, Insta, at kung ano ano pang social media accounts. 'What the f**k, tao pa ba ang isang ito?' ani niya sa kaniyang isipan habang hinahanap ang account nito. FB account lang ang meron ito at ang malala pa ay hindi picture nito ang nakalagay, kindi picture ng anime. Kung titingnan ay para itong poser at hindi man lang nag-a-upload ng kahit anong picture. Tamang complete name lang ang nakalagay at school na pinapasukan. "Nahanap mo na ba ang sss niya?" muling usisa sa kaniya ni Vivian habang kumakain na ng kaniyang meryendang carbonara at softdrink. "Nope, maybe this is an old account. Iba siguro ang pangalang gamit niya sa FB." sagot niya naman sa kaibigan at ini-add friend na lang ang sss account nitong mukhang poser. Nagpatuloy na lamang siya sa pagkain hanggang sa mapadako ang tingin niya sa lalaking naka upo sa pinaka dulong mesa sa canteen malapit sa basurahan. Ang pwestong walang gustong tumambay dahil langhap mula roon ang amoy ng basurahan. It's him... It's Dylan Del Rio Tumingin tingin siya sa kaniyang paligid. Nang mapansin niyang kakaunti lang ang mga taong naroroon sa cafeteria nang mga oras na iyon ay nagpaalam siya kay Vivian na may pupuntahan lang saglit. At inginusa si Dylan mula sa di kalayuan. Mabilis siyang nagtungo sa lamesa nito at umupo sa upuang kaharap nito. "Hi," naka-ngiting bati niya sa lalaking tahimik na kumakain ng binili nitong burger at drinks. Saglit lang siya nitong pinukulan ng tingin habang naka-yuko. Nang makita siya nito ay tila naiilang at nagmamadaling dinampot ang kaniyang bag at mga gamit. Nagkanda buhos pa ang drinks nito sa lamesa at nahulog ang ibang mga notes nito sa kaniyang bag. Tila natataranta ito sa kaniyang gagawin nang makita siya nitong umupo. "Uhm... Ok ka lang?" tanong niya at tumayo na rin upang tulungan itong pulutin ang mga nagkalat na mga gamit. Ngunit mabilis nitong inagaw sa kaniya at nagmamadaling isinuksok na lang sa loob ng back-pack. "I'm sorry... I'm sorry..." naka-yukong wika nito at nagmamadali nang naglakad paaalis. "Wait, I just want to asked something." ani niya rito pero hindi na siya nito nilingon pa. "What's wrong with him?" naiiling na wika niya at agad nang bumalik sa pwesto nila ni Vivian. "So, nakausap mo siya?" ani ni Vivian at sinundan siya nang tingin. "Arghhh... He's too aloof. Hindi tumalab ang ganda at karisma ko sa kaniya." inis na wika ni Chloe rito. "Hah?" hindi makapaniwalang wika nito. "Baka naman kasi bakla siya at mas gusto niya ng nerdy type din. Try to think some other way." natatawang wika nito na tila inaasar pa siya. "I don't want to act like a nerd para lang mapansin ng feeling gwapo na yun." naka busangot na wika niya sa kaibigan. 'Humanda ka Dylan Del Rio. I'll get you by hook or by crock. Just wait.' ani niya sa kaniyang isipan. Kailangan niyang mag-isip ng paraan na mapalapit siya rito dahil nagsisimula nang pumatak ang oras niya. At bawat sigundo ay ayaw niyang masayang. "By the way, ano bang course ng nerd na yun?" tanong niya rito. "Hmm... Business Management. Why, hindi mo ba siya nagiging classmate sa iba mong major subjects? You are Accounting Management and if I'm not mistaken may mga same subjects din kayo. Try to get near to him and ask about assignments or gusto mong magpaturo dahil may hindi ka na intindihan." mahabang litanya nito. "Paano naman ako magpapaturo kung I was known to be smart. And how can I be sure na mas matalino siya sa akin." Ani niya. Hindi naman kasi siya sanay na nagpapatulong sa ibang tao lalo na kapag pagdating sa academics na talagang galamay na galamay na niya. Kung hindi lang naman kasi siya na broken hearted sa hinayupak n'yang ex ay hindi sana siya nagdurusa nang ganito sa kakahuli ng pansin sa isa ring hinayupak na nerd na yun. "Kung matalino ka na, mas matalino siya. He was always on top honors at this school with an average of perfect plat 1 in all of his subject kahit minsan absent siya dahil sa nga bullies niya." Ani nito sa kaniya kaya naman ay napanganga na lang siya sa kaniyang narinig. Hindi siya makapaniwala na ganito ito ka talino. Dahil mashado naman siyang busy sa school at sa academics niya ay hindi niya na napagtutuonan ng pansin ang ibang mga bagay at wala rin siyang update pagdating sa mga competitors niya sa academics. Ang mahala lang kasi sa kaniya ay maka abot ang final average niya for c*m laude. "Kung matalino at mayaman siya. Bakit hinahayaan niya lang na i-bully siya ng hindi hamak na mas bobo at hampas lupa kesa sa kaniya." hindi makapaniwalang wika ni Vivian. "Have you forgotten? Nasa pilipinas tayo. Ayaw nilang malamangan lang ng isang mataba at pangit na nerd." Ani naman ni Vivian sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD