bc

Lost In His Eyes(Sugar Daddy Series #6)

book_age18+
968
FOLLOW
6.4K
READ
drama
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Warning: Strictly R-18+(SSPG). So read at your own risk.

TEASER

Nag-iisa si Summer Solstice Buenavidez sa isang marangyang condominium sa loob ng dalawang taon matapos siyang umalis sa bahay ampunan.

She's living lavishly and can buy what she needed, and that is because of her unknown generous benefactor, na nagpapadala sa kaniya ng pera buwan-buwan. Bansag nga ng mga kaibigan niya rito ay sugar daddy, papa de asukal at kung anu-ano pa.

But one day, her benefactor stopped sending her money, so she needed to find work to sustain her daily needs and for her school tuition fees and projects. But a group of a gang kidnapped her and sold her to an old yet strikingly handsome, brilliant, and intimidating Colton Ferrero.

Surprisingly, Summer doesn't fear him. Instead, she lost the moment she stared at his beautiful soulful hazel eyes. And she realizes she wants this man, and despite his enigmatic reserve, finds she is desperate to get close to him.

Unable to resist Summer's quiet beauty, wit, and independent spirit, Colton admits he wants her, too. For all the trappings of success—his multinational businesses, his vast wealth—Colton is a man full of secrets.

And when Summer discovers Colton's dark secrets will she stay?

chap-preview
Free preview
Prologue
HILAM ang mga mata sa luha ang sampung taong gulang na si Summer Solstice na nakasilip sa pinto ng kuwarto ng kaniyang mga magulang habang pinapakinggan niya ang usapan ng mga ito. Kahit hindi niya lubos na naunawaan kung ano ang pinag-aawayan ng mga ito pero alam ng batang isip niya na may ibang babae ang Papa William niya. “William, hanggang kailan ka ba makikipag-relasyon d’yan sa amo mong si Lucille, ha?” Umiiyak na tanong ng kaniyang Mama Lora sa kaniyang ama. Kauuwi lang ng kaniyang ama kahapon galing sa Maynila. Sabi ni Mama, nagtatrabaho si Papa bilang isang family driver ng isang napakayamang pamilya roon. Tuwing Sabado sa hapon ito uuwi rito sa Batangas kung saan sila nakatira at babalik ito ng Maynila, Linggo naman ng gabi. “Nangako ka sa akin na itigil mo na ang kahibangan mong iyan, malalaki na ang mga anak natin at ayaw kong malaman nila ang pakikiapid mo sa---” “Tumigil ka na, Lora!” Madiing saway ni Papa sa kaniyang ina. Bahagya pang tumaas ang boses nito kaya mahinang napasinghap si Summer. Ngayon lang niya narinig na nagtaas ng boses ang kaniyang ama sa kaniyang ina. Madalas kasi ay ang sweet-sweet ng mga ito sa isa’t isa at lagi lang silang nagtatawanan kapag narito si Papa sa bahay nila. “Alam mo kung bakit ko ito ginagawa, hindi ba?” sabi ulit ng kaniyang ama. “Oo, alam ko kaya kahit napakasakit n’yon sa akin ay pumayag ako dahil kailangan natin ng pera para sa pagpapagamot natin kay Liam.” sagot naman ni Mama habang patuloy pa rin itong umiiyak. “Pero ligtas na ang anak natin, William, kaya puwede mo ng itigil ang kahibangang iyon.” Pre-mature ang bunsong kapatid niyang si baby Liam, nang ipinanganak ito noon ni Mama kaya kailangan itong manatili ng dalawang buwan sa hospital. Nabuhay naman ang kapatid niya pero lagi itong pabalik-balik sa loob ng hospital dahil madalas itong dapuan ng sakit at ngayong nasa ikalawang taon na ito ay hindi na ito ganoon ka sakitin. Narinig niya ang marahas at malalim na buntonghininga ng kaniyang ama habang isinasara nito ang bag kung saan naroon ang mga damit nitong dadalhin pabalik ng Maynila. “Susubukan ko, Lora.” “Huwag mong subukan, William. Gawin mo kung ayaw mong pagbalik mo rito ay hindi mo na kami makikita ng mga bata.” Matapang na sabi ng kaniyang ina, pagkuwan ay mabilis itong nagmartsa papasok sa loob ng banyo. Nanghihinang napaupo naman si Papa sa gilid ng malaking kama habang sapu-sapo nito ang noo. Hindi na siya nakatiis kaya nilakihan na niya ang pagkakabukas ng pinto at pumasok siya sa loob. “P-Papa…” umiiyak na sambit niya. Agad naman itong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Summer? Ano’ng ginagawa---hey, bakit ka umiiyak?” ani ng Papa niya at mabilis siyang nilapitan. Kita niya sa mukha nito ang pagkagulat lalo pa at hilam ang mukha niya sa mga luha na kanina pa naglalandasan doon mula sa mga mata niya. “Mahal mo ba kami, P-Papa?” humihikbing tanong niya sa kaniyang ama. “Oo naman, baby. Mahal na mahal ko kayo, ikaw, si Liam at ang Mama mo,” anito at mabilis na nag-eskwat sa harap niya para mapantayan ang taas niya, pagkuwan ay niyakap siya. Ramdam niya ang pag-alon ng dibdib nito dahil sa mararahas nitong paghinga. Tila ito nahihirapan. “Pero bakit ayaw mong sundin ang gusto ni Mama?” tanong niya. Kung mahal naman pala sila nito, bakit nahihirapan itong sundin ang mga gusto ni Mama? Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya at puno ng pagmamahal ang mga mata nitong tinititigan siya. “Baby, may mga bagay kasi na kailangang gawin ang Papa para sa ikabubuti nating lahat.” “A-Ano naman po, iyon? Puwede po ba akong tumulong para hindi na iiyak si Mama at hindi na rin kami aalis dito nang hindi ka kasama?” “S-Summer, anak hayaan mo si Papa na ayusin---” “Umalis ka na, William. Ako na ang bahalang magpaliwag kay Summer.” sabat ni Mama na kalalabas lang mula sa banyo, kaya natigil ang Papa niya sa pagsasalita. Nakita naman niya na namumugto ang mga mata ng Mama niya pero hindi na ito umiiyak. “Lora---” “Umalis ka na.” ulit na sabi ni Mama at hinawakan siya sa kamay kaya napayakap siya sa baywang nito. “Hihintayin ka namin sa susunod na Linggo at kung hindi ka darating, ibig sabihin lang n’yon ay hindi kami ng mga anak mo ang iyong pinili.” Iyak lang nang iyak si Summer habang nakayakap sa kaniyang Mama Lora. Nang makalabas ng kuwarto ang Papa niya ay mas lalo siyang napaiyak. Pero niyakap lang siya ng mahigpit ng kaniyang ina. Lumipas pa ang mga araw at lagi niyang nakikita ang kaniyang Mama na malungkot pero hindi naman sila nito pinapabayaan, lalo na ang bunsong kapatid niya. Lagi ring tumatawag ang Papa William sa kaniya pero siya lang ang nakikipag-usap dito dahil ayaw itong kausapin ni Mama. “Ma, anong ginagawa mo? Bakit mo nililigpit ang gamit namin ni Liam?” nagtatakang tanong niya sa kaniyang ina, nang madatnan niya ito sa kanilang kuwarto ni Liam na iniimpake ang kanilang mga gamit. Kauuwi lang niya galing sa eskuwela. Nang mapatingin siya sa kanilang kama ay naroon ang kapatid niya habang naglalaro ng mga toy cars nito. Lumapit siya sa kapatid at hinalikan niya ito sa noo, pagkuwan ay hinarap niya ang kaniyang Mama. “Ma.” tawag niya. Tila hindi man lang siya nito narinig at patuloy lang sa pag-iimpake ng kanilang mga gamit. “Aalis na tayo rito.” “Po? Pero Mama, paano si Papa? Kasama po ba natin siya?” Sunud-sunod na tanong niya sa kaniyang Mama Lora. Pero bago pa man ito nakasagot nang bumukas ang pinto ng kanilang kuwarto at pumasok doon si Papa William na humihingal pa. Tila ito galing sa pagtakbo. “Papa!” masayang sambit niya at agad na nilapitan ang ama at yumakap dito. “Papa sasama ka sa amin? Aalis na raw po tayo rito sabi ni Mama.” “Oo, anak. Sasama ako sa inyo. Aalis na tayo rito.” sabi ni ni Papa. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya at hinaplos nito ang matambok niyang pisngi. "Kahit na anong mangyari, baby, hinding-hindi ko kayo pababayaan ng Mama mo.” “Tapos ko ng naimpake lahat ng gamit natin gaya ng sabi mo,” sabi ni Mama kay Papa. “Ngayon na ba tayo aalis?” tanong pa ni Mama. “Oo. Kunin mo si Liam at ako nang bahala sa mga gamit natin.” May pagmamadali sa boses na sabi ni Papa kay Mama. Mabilis din nitong nilapitanat ang mga malalaking bag kung saan nakalagay ang mga gamit nila ni Liam at kaagad dinampot nito ang mga iyon. Tila rin ito natataranta. Nakatanga lang siya habang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa Papa at Mama niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kung kumilos ang mga magulang niya, tila ba may humahabol sa mga ito. May problema ba sila? “Summer?” Narinig niyang tawag sa kaniya ng kaniyang Mama Lora kaya agad na napatingin siya rito. Karga na nito ang dalawang taon niyang kapatid na si Liam. “Tayo na, Anak.” Napakurap-kurap siya at mabilis na tumango. Lumapit siya sa Papa niya at kinuha ang isang maliit na bag mula rito at mabilis na silang kumilos palabas ng kanilang bahay. Pero bago pa man sila makasakay sa sasakyang dala ng Papa niya nang may dalawang lalaki na nakasakay sa isang itim na motorsiklo ang bigla na lang huminto sa harap nila. “Bumalik kayo Lora ng mga bata sa loob ng bahay!” Takot na takot na utos ng kaniyang ama sa kaniyang ina. Kita rin niya sa kilos nito ang pagpa-panic. Mabilis naman siyang hinawakan ng kaniyang Mama at hinatak siya pabalik sa loob ng bahay pero bago pa man sila nakapasok sa loob nang sunud-sunod na putok ng baril ang narinig nila. Nanigas siya at hindi na nakagalaw. Natauhan lang siya nang marinig niya ang sigaw ng kaniyang Mama kasabay n’yon ang pag-iyak ng kapatid niyang si Liam. “William!” ulit na sigaw ng kaniyang Mama sa pangalan ni Papa. Napatingin siya kung saan ang Papa niya at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang Papa niya na nakahiga na sa lupa malapit sa sasakyan at naliligo sa sarili nitong dugo. Papa… Napatili siya nang isa pang sunud-sunod na putok ng baril ang narinig niya. Pagkuwan ay naramdaman niya ang pagluwag ng kapit ng kaniyang ina sa kaliwang kamay niya. Kaya agad nabaling ang tingin niya rito. “M-Mama…” iyak niya, nang makita niya ang Mama niya na unti-unting bumabagsak ang katawan sa lupa kasama ang kapatid niya. Hindi siya nakagalaw at nanatili lang ang mga mata niya sa katawan ng kaniyang Mama na tuluyan ng bumagsak sa lupa. Nasa ibabaw nito ang kapatid niyang si Liam. Narinig pa niya ang pagharurot palayo ng motorsiklo. “Hindi…” nanginginig na sabi niya habang nakatitig pa rin sa kaniyang ina na gaya ng Papa niya ay naliligo na rin sa sarili nitong dugo. “M-Mama!” “Goddamn it!” Narinig niyang mura ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa harap niya. Napatingala siya rito at napatitig siya sa kulay abu nitong mga mata. Nanlalabo man ang kaniyang paningin dahil sa mga luha pero malinaw niyang nakikita ang isang emosyon na nasa mga mata ng lalaking kaharap. Pagsisisi. Iyon ang nakikita niyang emosyon sa mga mata nito. Pero bakit naman ito magsisisi? Hindi pa rin siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan, para siyang naging tuod at nakatitig na lang sa mga mata ng lalaki. Pakiramdam din niya ay siya at itong lalaki na lang ang tao sa paligid nila habang tinititigan niya ang mga mata nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.5K
bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
212.3K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
50.7K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
59.6K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
25.5K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
94.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook