"IS EVERYTHING ready?" Lumingon si Paige sa kanyang likod nang marinig niya ang baritonong boses na iyon ni Gregory. Agad naman niya itong nakita sa may hamba ng pinto ng kusina. Nakasuot ito ng V-neck shirt na kulay grey na pinaresan nito ng tattered na pantalon. Simple lang ang suot nito pero lumutang pa din ang angkin ka-gwapuhan at kakisigan nito. Well, kahit na ano pa ang isuot nito ay bagay pa din dito. Pero mas bagay sa kanya kung wala siyang suot. Fully naked and his c**k is waving at you, wika naman ng pilya niyang isipin. Lihim lang naman siyang napangiti sa sinabi ng pilyang isipan. "Malapit na," wika naman niya. Pagkatapos niyon ay inalis niya ang tingin dito at pinagpatuloy niya ang ginagawa. Nagyaya kasi ito na mag-picnic sila sa bukid na pag-aari nito. Siyempre, pumay

