"HI." Napakurap-kurap ng mata si Paige ng pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanyang mata ang gwapong mukha ni Gregory. Mabilis naman niya itong hinila papasok sa loob ng condo niya at saka niya isinara ang pinto. Mahirap na baka ma-issue pa silang dalawa kapag may makakita dito. At baka bukas ay laman na siya ng balita o blind item. Hindi naman sa nahihiya siya makita siya na kasama niya si Gregory. Hindi din ibig sabihin na ikinahihiya niya ang asawa. Gusto lang naman niyang protektahan ang privacy nito. Alam kasi niyang private itong tao. Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Pasensiya na baka may makakita sa 'yo sa labas," wika naman niya dito. Hindi naman ito sumagot sa halip ay tumitig lang ito sa kanya. Hanggang ngayon ay hind

