HININTO ni Greg ang motorbike na minamaneho nito nang makarating silang dalawa sa pupuntahan. Nasa Pampanga ulit sila dalawa. Nang malaman nitong wala siyang taping ay niyaya siya nito na pumunta do'n. Hindi naman nila problema ang transportation nilang dalawa. Dahil kahit na anong oras ay pwede silang pumunta do'n. And thanks to his husband. Iba talaga kapag bilyornaryo, iba talaga kapag may-ari ng airlines at may pag-aaring helicopter. Dahil nakakapunta sila kung saan nila gusto pumunta na hindi iniisip ang traffic. "Careful," wika ni Gregory nang mapansin nitong pababa siya sa sinasakyang motorbike. "I will," sagot naman niya dito. Nang makababa siya ay ito naman ang bumaba. Pagkatapos ay kinuha nito ang dala nilang picnic basket na naglalaman ng snack na prinipare niya sa pamamas

