Chapter 59

1123 Words

HINDI napigilan ni Paige ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang nakatitig siya sa natutulog na asawa. Ang himbing ng tulog nito sa sandaling iyon, at mukhang nananaginip ito ng maganda dahil maaliwalas ang hitsura nito at may ngiti din na nakapaskil sa labi nito habang natutulog ito. Saglit naman siyang napatitig sa mukha nito hanggang sa napagpasyahan niyang bumangon na mula sa pagkakahiga niya sa kama. Gusto sana niya itong hintayin na magising dahil gusto ng asawa na ang mukha niya ang unang makikita nito pagmulat ng mata nito. Pero kung hihintayin niya itong magising ay baka abutin siya ng tanghali. At baka wala na siyang ibang magawa ngayong araw, gusto din naman niyang maging productive ang araw niya. At bago naman siya tuluyang bumangon ay dinampian naman niya ito ng halik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD