PARANG may kamay na sumakal sa puso ni Paige pagkatapos siyang sermonan ng Mama niya tungkol sa sagot niya sa reporter tungkol sa kumakalat na litrato nila ni Gregory sa internet. Senermon-an siya ng Mama niya dahil sa pagkakaila daw niya kay Gregory kung ano ito sa buhay niya. Bakit daw niya sinabi na kababata lang niya si Gregory sa reporter. Dapat daw espesyal ang sagot niya kung ayaw niyang malaman ng buong bansa na asawa niya ito. Dapat isinaalang-alang daw din niya ang magiging reaksiyon ni Gregory sa pagkakaila niya. Ipinaliwanag naman ni Paige ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Sinabi niya sa Mama niya na pino-protektahan lang niya ang privacy ni Gregory kaya niya ikinaila ang estado ng relasyon nila. Alam kasi niyang pribadong tao ang asawa kaya gusto niya iyong protektaha

