"EARTH to Paige?" Napakurap-kurap ng mga mata si Paige nang marinig niya ang boses na iyon ni Aria. Nag-angat naman siya ng tingin patungo sa mukha nito at napansin niya na bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "May sinasabi ka?" tanong niya dito. Aria rolled her eyes. "Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang ang lalim ng iniisip mo," wika nito sa kanya. "Mukhang lumilipad na naman ang isip mo patungo sa asawa mo," pagpapatuloy pa na wika nito. Bisita ni Paige ang kaibigang si Aria ngayon araw. Bago naman ito pumunta sa condo niya ay tinawagan pa siya nito kung hindi siya busy. Sakto namang wala siyang taping kasi linggo. It was her restday. "Hanggang ngayon ba ay hindi pa din nagpaparamdam ang asawa mo?" tanong nito sa kanya ng hindi pa siya nagsasalita.

