PASIMPLENG sumulyap si Paige kay Gregory ng mapansin niya ang paulit-ulit na pagbuntong-hininga nito habang nasa daan silang dalawa pauwi sa condo nito. Napansin din niyang kanina pa ito hindi mapakali sa kinauupuan nitong driver seat na para bang nahihirapan ito. Napansin nga niyang parang gusto na nitong makarating sa condo nito dahil halos mabilis ang pagpapatakbo ng kotse nito. Hindi naman siya nag-aalala na madi-disgrasya sila dahil kahit na mabilis ang pagpapatakbo nito ay nando'n pa din ang pag-iingat. At nang hindi makatiis si Paige ay tinanong na niya ito. "Are you okay, babe?" tanong niya dito habang ang tingin ay nanatili dito. She heard him sighed. "I'm okay, babe," sagot naman nito sa kanya ng sulyapan siya nito sa tabi nito. Nginitian din siya nito ng magtama ang mga mat

