"I LOOK forward to doing business with you," wika ni Gregory sabay lahad ng kamay kay Apollo nang matapos silang mag-usap na dalawa tungkol sa negosyo. Apollo Guevas is the owner of Guevas Bank--one of the biggest banks not only here in the country, but even on abroad. "Same here, Mr. RIvas," sagot naman ni Apollo pagkatapos nitong abutin ang kamay niya. Pagkatapos niyon ay sabay naman na silang dalawa na lumabas ng conference room. Nang magpaalam ito na aalis na ay nagmadali siyang bumalik sa loob ng opisina niya. Halos lakad-takbo nga ang ginawa niya para lang makarating siya opisina. Naghihintay kasi do'n ang asawa niya na si Paige. Noong malaman nito na may meeting siya ay nagpaalam na din ito sa kanya na aalis na. Dumaan lang din naman daw ito sa opisina niya para bisitahin at m

