"UUWI na ba tayo, Miss Paige?" tanong ni Asunta sa kanya pagsakay niya ng kotse matapos ang taping nila ngayong araw. Gaya ng sinabi niya ay na-resume na ulit ang nabinbin na taping nila dahil sa pagkakasakit niya. Sa halip naman sa sagutin niya ito ay tiningnan niya ang suot na wristwatch. Medyo maaga pa at gusto niyang bisitahin ang asawa niya sa opisina nito. Gusto din naman niya kasi itong makita kahit saglit lang. "Hmm...sa Rivas Airline mo na tayo, Asunta," utos naman niya. "Sige po, Miss Paige," sagot naman nito sa kanya bago nito pinaandar ang kotse paalis. At habang nasa daan sila ay kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Pagkatapos ay tinext niya si Gregory. Hi, babe. Lihim siyang napangiti habang nakatitig siya sa text niya. Nasasanay na din siyang tawagin n

