INALIS ni Paige ang tingin sa hawak na cellphone at inilipat niya iyon sa gawi ng pinto ng marinig niya ang mahinang katok sa pinto sa labas ng kwarto niya. Mayamaya ay naramdaman niya ang pagbukas niyon. Napayos naman siya mula sa pagkakasandal niya sa headboard ng kama nang makita niya si Inigo na pumasok do'n. Nakita niyang may bitbit itong isang basket na may lamang mga prutas. At nang magtama ang mga mata nila ay nginitian siya nito. She smiled back at him, too. "Hi, Paige," bati nito ng makalapit ito sa kanya. "Hello, Inigo," ganting bati din niya dito. "Dinalhan pala kita ng prutas," mayamaya ay wika nito sabay taas sa hawak nitong basket na may lamang iba't ibang klase ng prutas. "Ilagay ko na lang dito." Inilagay naman nitobang hawak sa table na naroon sa loob ng private

