FIVE day had passed. Okay na ang pakiramdam ni Paige, sa katunayan nga sa susunod na araw ay babalik na siya sa trabaho. Ire-resume na ang naudlot na taping nila. At sa loob ng limang araw na iyon ay hindi umalis ang asawa niya sa tabi niya. He fulfill his promise to her father that he will take good care of her. Alagang-alaga nga siya nito, halos hindi siya nito pakilusin sa loob ng bahay, ito din ang personal na nagluluto ng pagkain nila kahit na pwede naman nito iyong i-utos sa iba. Sa totoo lang sa loob ng limang araw na magkasama sila, simula noong magkaaminan silang dalawa ng feelings ay ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Of course, hindi lang naman pwedeng ito lang ang magparamdam sa kanya. Pati siya, hindi lang sa gawa kundi sa salita din. She keep saying, I love you to

