WALA na si Gregory sa tabi ni Paige ng magising siya kinaumagahan. Hindi naman niya napigilan ang mapasimangot, gusto pa naman niya na kapag gigising siya ay ito ang una niyang makikita. Nagpakawala naman si Paige ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay napagpasyahan na niyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Na-discharge na si Paige sa ospital. Gaya ng sinabi niya ay ayaw na niyang magpalipas ulit ng isang gabi do'n. Sinabi niya iyon sa asawa, noong una ay ayaw pa nitong pumayag. Gusto kasi nito kapag lumabas siya ng ospital ay magaling na magaling na siya. Mas paranoid nga ito sa Mama niya dahil gusto pa nitong ipaulit lahat ng test na ginawa sa kanya noong unang araw niya sa ospital. Gusto daw kasi nitong makasiguro kung wala na ba siyang ibang sakit. Hindi na s

