MAG-ISA lang si Paige sa private room na kinaroroonan sa ospital. And she felt lonely right at the moment. Desisyon naman ni Paige na mapag-isa, ginusto naman niya iyon. Nag-presenta naman kasi ang mga magulang niya na samahan siya do'n pero umayaw siya. Ayaw naman kasi niyang manatili do'n ang mga ito. Idagdag pa na baka magtaka ang mga magulang niya kung bakit hindi do'n dumalaw ang asawa, eh, sinabi pa naman niya na kapag tapos na ang ginagawa nito ay pupunta ito do'n. Baka sa pagkakataong iyon, hindi na siya makapag-sinungaling pa. Kanina nga, tinawagan din niya si Asunta. Sinabi niya dito na pumunta ito do'n ng maaga para asikasuhin ang release paper niya. She wanted to go home. Doon na lang siya sa condo niya magpapahinga. Ayaw na niya na manatili pa siya ng isang gabi sa ospital

