I hack, track, and kill. This is how I survived in this cruel world. Dahil kung hindi? Sa sementeryo ako pupulutin. Hindi pa nga sure kung malilibing ba ang bangkay ko o maaagnas na lang ako sa gilid-gilid.
Pumapatay ako ng tao for living. That is something I am not proud of. Nais kasi ni Pops na sa malinis na paraan ko kikitain ang pera. Pero maagang namulat ang mga mata ko sa karahasan ng mundo. Maagang naging halang ang kaluluwa ko.
Napariwara ang buhay ko sa murang edad. Ang pagiging inosente ko sa mundo ay napalitan ng kadiliman. Para akong pusang gala na nakikipaglaban na mabuhay araw-araw. At the age of twelve, I started doing some illegal jobs. Bata ako ng mga drug addicts sa lansangan na siyang nagiging asset nila sa iba. Pakikipag-basag-ulo ay parang naging routine ko na sa pang araw-araw na buhay ko noon. Hanggang sa nakapasok ako sa underground society kung saan ang salitang awa ay parang wala ng kahulugan.
Drugs
Kidnapping
Sex slaves
At marami pang iba. Ilan lang 'yan sa mga bagay na normal sa madilim na mundong napasukan ko.
Kriminal
Assassins
Killer at mga
drug addicts. Kahit nga mga simpleng mayayaman na halang ang kaluluwa ay makikita mo rin sa underground society. Pera ang kailangan mo sa mundong ito. If you have money, you can build connections, and if you have connections, you can have power and authority.
I remember when I first met Trace. Si Trace na siraulo at parang laging galit sa mundo. Sa unang pagkikita ay alam ko ng magkakaroon kami ng koneksyon. The man is crazy at kalahi ata ni Satanas 'yon. And I am crazy too at inaanak din ako ni Satanas, that's why we clicked.
Hindi ko naman akalain na bigatin talaga si Trace. Noong una ay simpleng trabaho lang ang inaalok niya sa akin. Pinapahanap niya sa akin lagi 'yong kapatid niyang si Paige na kung saan-saan nagpupunta. At pinapa-subaybayan niya 'yong step mom niya. Ewan ko ba sa gago at ang laki ng galit do'n sa step mom. Minsan din nagnanakaw kami kapag may free time kaming dalawa. Pinipili lang naman namin ang mga taong ninanakawan naming dalawa. Those we identified as corrupt politician o mga siraulong negosyante na akala mo pagmamay-ari nila ang mundo. Ako ang nagsisilbing utak at mata ni Trace. Habang si Trace naman ang pumapasok para kunin ang mga pera, alahas, at kung ano pa na makita nitong may value.
Maliksi kung kumilos si Trace at mukhang sanay na sanay. Hindi mo rin siya makikitaan ng katiting na konsensya sa ginagawa nito. He is a human form of evil. Kaya noon ay nag-aalangan akong pagkatiwalaan siya. But even the devil himself knows how to trust a human like me. Kaya sinuklian ko rin ng katapatan ang tiwala nito. That's how we became friends.
"Solve ka na ba talaga sa mga small time na trabaho, Tech?" napatingin ako sa lalaki na nasa gilid ko. Pareho kaming nakaupo habang tahimik na sumisipsip ng alak sa baso.
"Keros na lang, Trace. Masyadong pormal ang Tech at wala naman tayong tinatrabaho ngayon," sagot ko habang ang mga mata ay nasa basong hawak. Nilalaro ang rim ng baso at malalim ang iniisip. Lumilipad ang isip ko sa pagkamatay ng kinikilala kong ama.
Napatitig ako sa kaibigan na nasa gilid na tahimik din at tila malalim ang iniisip. Patricio Dimagiba a.k.a. Trace. Halos isang taon ko na ring kilala si Trace and he also knew my hidden identity rito sa underground society. I go by the name tech dahil na rin sa safety ko bilang hacker.
"The world is f****d up, Keros. Alam mo na siguro 'yon. Tanging mayayaman lang ang mananatili sa tuktok," seryosong saad ni Trace sa akin. "Foedus can help you," dagdag pa nito.
"Foedus?"
"My paradise," maikling sagot ni Trace sa akin. "Kahit impyerno ay puwede mong pasukin kapag miyembro ka ng Foedus, Keros."
Pangalan pa lang nito ay kinakabahan na ako. Lalo pa at seryosong nakikipag-usap ngayon si Trace sa akin. Ang ibig lang sabihin niyon ay delikadong mapabilang sa kanila.
"I don't know man," naiiling kong sagot.
Trace just looked at me with his bored face. Kung tingnan niya ako ay para bang baliw ako sa paningin niya. Alam kong minumura na niya ako sa isip niya. Kilala ko si Trace, maiksi lang ang pasensya niya. Hindi sanay si Trace na hinihindian. He's a spoiled grown ass man.
"Ano bang kinakatakot mo? You want justice, right? Gusto mong malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng Pops mo, 'di ba?" tila naiiritang tanong nito sa akin.
"Ano namang kinalaman no'n sa pag-alok mo sa akin? I told you already, dead end ang kaso, ibig lang sabihin no'n malaking pader ang babanggain ko kapag nagkataon. I don't know how powerful those people are. Ano lang ba ako? Isang pipitsuging hacker lang ako, Trace."
"Trust me, Keros. Kilala mo naman siguro ako? Isa lang ang masasabi ko at maigagarantiya ko. You are untouchable if you are one of us," he said seriously sabay tungga sa baso na hawak nito na puno ng alak at sabay hithit sa sigarilyo.
That's how I end up being a member of Foedus. Trace recruit me to be one of them. Totoo naman lahat ang sinabi ni Trace sa akin noon. Sobrang laki ng naitulong ng Foedus sa akin. And it's crazy to think how powerful the members are, lalo na ang mga founders. Nang minsan nga ay nakaharap ko si Boss Lev ay parang matatae ako sa kaba. Nangatog ang tuhod ko at pinagpawisan ako ng malamig sa batok. 'Yong tipong hindi pa siya nagsasalita pero parang pinapatay ka na niya sa utak nito. I was hesitant to talk when Trace introduced me to him. Kung noon ay akala kong demonyo si Trace, may mas hihigit pa pala sa kan'ya.
"Are you ready, Keros?" tatawa-tawang tanong sa akin ni Trace.
"G@go!" sagot ko sa loko-loko
Nasa loob na ako ng Agrianthropos nang mabanggit ni Trace sa akin ang tungkol sa initiation! Loko-lokong Trace! Nabudol ako ng g@go.
Ikaw ba naman latiguhin ng isang daang beses sa likod tapos may orgy pa. Literal na sakit at sarap ang mararansan mo makapasok lang. Tapos pinapirma pa kami ng waiver. Baka kasi ikamatay namin 'yon. Tuso sila, ano bang aasahan mo sa isang samahan na ganito? Of course, they won't mind if you'll end up dead in their hands.
"Kaya mo 'yon, gago! Ta@ngina nito, babakla-bakla ka na naman. Alam kong sinanay ka nang mabuti ng Pops mo!" si Trace.
"Anong bakla? Sungalngalin ko 'yang ngala-ngala mo eh. G@go ka talaga, Trace! May galit ka ba sa akin?" naiinis kong tanong habang patungo kami sa paglalatiguhan ko.
"T@ngina nito! Isang daan lang naman 'yong latigo parang kagat lang ng langgam 'yon," hambog pa nitong sabi sa akin.
"Oo, parang langgam lang. Tapos 'yong langgam kasing laki ng dinosaur! Ganoong level ng pain 'yon! Hayop na 'to," singhal ko sa kaibigan na napatawa na lamang.
"Oa mo! Masasarapan ka naman pagkatapos. Ano pa bang inaarte mo riyan? 'Yong palay na nga lumalapit sa'yo, tutukain mo na lang, Keros tapos aarte ka pa? Gusto mo bang i-spoon feed pa kita, g@go?!"
Hindi na lang ako nakipagtalo pa dahil hindi rin naman ako mananalo kay Trace. Hinanda ko na lang ang sarili ko sa isang daang latigo na lalatay sa katawan ko.
One hundred lashes is nothing to me. Sa pinagdaanan ko noon ay masasabi kong parang isang laro lang ang parusang gan'yan. What Trace said earlier is true. Sinanay at hinubog ako ni Pops sa paraang alam nito. Pops is an ex-scout ranger. Imagine the training he went through and the training I have done with him. Literal na impyerno ang naging training period ko for almost two years.
Nang makapasok kami sa loob ay nakita kong tumungo si Trace sa ikalawang palapag. Animo ay nasa isang battle arena ako. Sinuyod ko ng tingin ang paligid. Madilim at maaamoy mo sa hangin ang sariwang dugo. Naalala ko ang sinabi ni Trace sa akin kanina. May dalawa pa raw na nandito at mukha ngang natapos na sila sa unang initiation. Tila ay sinadya nilang i-display ang malaking latigo na puno ng dugo sa gitna para makita ko. Iniisip ba nila na panghihinaan ako ng loob dahil sa latigong nakita ko?
Nakita ko pang nakipag-high five si Trace sa mga kasama nito na nasa taas. Alam kong mga founders ang mga 'yon. Trace already informed me about them. Nasabi sa akin ni Trace ang mga background no'ng ibang founders atsaka binalaan na rin ako sa panganib na puwede kong pagdaanan sa mga kamay nila.
Nakita kong bumulong ang g@go at nakita kong napatango ang isang misteryosong lalaki na may nakakatakot na awra. I know for sure that he is the infamous Lev Petrov.
Sumenyas si Boss Lev sa isang kasama nito at bumaba ang isang lalaki na hindi ko kilala. Patawa-tawa lang si Trace sa taas habang nakaupo at humihithit na naman ng ipinagbabawal na d@mo. Nanggigigil ako sa loko at parang gusto kong ipa-rebond 'yong buhok niya. Sabi niya sa akin noon na in-born raw 'yong kulot niya sa ulo atsaka dagdag pogi points daw 'yon sa mga chicks. He also advised me to get a perm para matchy-matchy raw kami. Ang weird niya talaga, kung hindi ko lang talaga siya kaibigan.
"Let's begin," walang emosyon na sabi no'ng lalaki. Alam kong isa siya sa mga founder dahil magka-awra silang lahat na nasa itaas. I can smell and feel their raging bloodlust in the air. Except kay Trace na loko-loko, pero kapag nag-seryoso rin ang gago ay magdasal ka na. He will never stop until he hunts you down.
"I just want you to know na kapag namatay ka ay hindi ka namin ililibing dito sa Agrianthropos. We don't do burials here lalo na hindi ka pa isa sa amin. The ocean will be your grave," he said coldly with no hint of emotion.
I just answered him with a smile on my lips. I also want him to know that I'm not afraid of lashes. Pain makes me alive. Sanay na ako sa ganito mula pagkabata. Kaya hinahanap ko na rin ang pakiramdam na nasasaktan. Feeling pain is my peace and I'm excited to see my blood coming out from my own body. The rusty smell of it and the tingling sensation of pain that spreads throughout my body na para bang kinukuryente ako. I'm ecstatic to feel it again.
Lagi na lang kasi akong pumapatay. No one can hurt me like I wanted. Tipong isang suntok lang at isang tama ng baril sa katawan. That kind of pain is not enough for me.
"Creepy mo, Keros! T@ngina ka talaga!" sigaw ni Trace sa akin.
Pinaluhod ako at pinusasan ang mga kamay ko. Wala na rin akong damit pang-itaas kaya kitang-kita ang nasa tamang hubog na katawan ko na siyang nakabalandra sa mga founders. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Finally, I'm at p–!
"Ahhhh!" sigaw ko. Isang sigaw na puno ng buhay at saya. "Harder!" tila nababaliw na utos ko sa lalaki na nanglalatigo sa katawan ko. Mukhang nairita ata ang naglalatigo sa sigaw ko dahil binilisan nito ang galaw at mas dumoble ang lakas nito.
Ninamnam ko ang sakit at ang pagdantay ng latigo nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdikit niyon sa akin na tila ay binabalatan ako sa sakit.
"I told you guys, he's a gem," narinig ko pang sabi ni Trace sa mga kasamahan nito.
"Tapos na?" tila dismayado kong tanong sa lumalatigo sa akin. Nakukulangan pa ako pero ayaw ko namang maging pabibo at baka hindi nila ako magustuhan.
"We can kill each other if you want to. Kung nakukulangan ka pa, I'm free and bored right now. We can play," sagot nito sa akin. Nagningning kaagad ang mga mata ko pero natigil ang pag-uusap naming dalawa nang magsalita si Lev Petrov.
"It's enough, Jake," sabi nito sa baritonong boses. Dumadagundong ang boses nito sa buong paligid. Na kahit ang ingay sa paligid ay biglang tumahimik nang magsalita siya. "You passed the first initiation," dagdag nitong sabi. Tumango lang ako at kinuha ang tshirt ko at sinuot iyon.
I feel numb. Ni hindi ko maramdaman ang sakit.
"Ngayon ka ba makikipag-orgy?" tanong ni Trace sa akin nang makababa siya galing sa itaas.
"Oo," sagot ko naman.
"Are you sure? With this blood all over your body?" tila nandidiring tanong nito sa akin.
"Bloody s*x sounds fun. Atsaka hindi ko pa na-ta-try 'yon," tila wala sa sariling sagot ko.
"Ikaw bahala, Keros. You have thirty minutes to proceed. Gather all up your energy cause you'll get laid really bad today." Tinapik ni Trace ang balikat ko at napatango na lang ako.