"Salot ka talagang bata ka!" Isang masakit na pingot sa tainga at sampal ang natanggap ko galing sa kinikilala kong ina.
Nahapo ko ang pisngi kong sinaktan nito. Nakayuko at paimpit na umiiyak. Sa munti kong edad na lima ay hindi ko mawari kung bakit pinagkakaitan ako ng sarili kong ina. Isang kakarampot na tinapay na siyang kinain ko ay kapalit ng halos isang araw ng pambubugbog nito sa akin. Kanina niya pa ako sinasaktan dahil sa kadahilanang kinain ko ang nakatago nitong pagkain sa aparador nito.
"Mama… patawad po, h-hindi na p-po ako uulit," pagmamakaawa ko rito habang nakaluhod sa inilatag nitong monggo.
Pero tila bingi ang babae sa pagmamakaawa ko. Isang sipa sa tagiliran ang natamo ko at napahiyaw ako sa sakit. Napahiga ako sa malamig na sahig habang patuloy pa rin sa pagtadyak sa katawan ko si mama.
"T*angina mo! Gago! Mamatay ka na! Hindi mo ako ina!" Sampal, sabunot, sipa, at mura. Lahat ay tiniis ko.
"M-mama… h-hindi p-po ako makahinga," hinang-hina kong sabi. Taimtim na nagdarasal na sana ay matigil na ang pagmamalupit niya sa akin.
Nang hindi na makayanin ng katawan ko ang sakit ay napaubo na lamang ako ng dugo. Bumulwak ang sariwang dugo galing sa bibig ko. Gulat at takot ang siyang naramdaman ko. Gusto kong umiyak nang malakas pero natatakot ako na baka ay saktan pa ako lalo nito. Ang akala ko ay maaawa siya sa akin pero minura niya pa ako at hiniling na sana ito na ang ikamatay ko.
"Sana naman sa pagbalik ko ay hindi ka na humihinga. Mas mapapadali ang lahat sa akin kung iyon nga ang mangyari sa 'yo!"
Iniwan ako nito na tulala at puno ng pasa ang katawan. Inabot ko ang isang ngipin na natanggal galing sa bibig ko. Natanggal kasi iyon kanina dahil sa lakas ng pagsampal nito sa akin kaya bungi na ang nasa harap ng ngipin ko.
Naalala ko na naman 'yong nakita kong isang pamilya noong isang araw sa may parke. Kumpleto sila. May mama, may papa, atsaka mukha silang masaya. Malinis din ang damit nila at binibilhan sila ng pagkain habang ako kumakalam ang sikmura habang pinagmamasdan sila. Tatlong araw na kasi akong walang maayos na kain.
Hindi pa kasi umuuwi ang mama galing sa trabaho atsaka mahigpit na bilin nito na huwag kong pakikialaman ang aparador nito. Wala siyang ibinigay na pera o kaya pagkain man lang. Lagi-lagi namang ganito. Pero kasi tatlong araw na, noon kasi isang araw lang akong hindi nakakakain kasi umuuwi naman si mama kapag madaling araw.
Kaya noong umuwi ako galing sa parke ay hindi ko na natiis na hindi tingnan ang laman ng aparador nito. Umaasa na sana ay may pagkaing mahahanap. Hindi naman ako nabigo kasi mayroon nga! Nagdadalawang-isip pa akong kumuha kasi baka magalit nga si mama at saktan na naman niya ako pero hindi ko mahindian ang kumakalam kong sikmura.
Kaya ayon na nga, naabutan niya akong kinakain ang tinapay nito. Kaya nauwi rin sa ganitong sitwasyon ko ngayon kung saan nakahiga ako habang iniinda ang sakit ng katawan.
HINDI ko na alam kung ilang oras na akong nakatulala lamang sa puntod ng kinikilala kong ama. It's his death anniversary. Ang petsa kung kailan gumuho ang mundo ko.
I am adopted. Isang retired scout ranger ang siyang nag-aruga sa akin simula no'ng labing-dalawang taong gulang pa lang ako. May kinikilala akong ina noon pero hindi ko mawari kung tama bang tawaging ina ang tulad niya. Ni hindi ko naranasang maramdaman ang init at aruga ng isang ina. Bagkus ay namulat ako sa karahasan.
"Pops, pasensya ka na. Kulilat pa rin ako. Limang taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kita nabibigyan ng hustisya," tila ay may galit na bulong ko habang nakatingin sa lapida ng ama.
Hindi ako naniniwalang biktima lang ng isang simpleng mistaken identity ang pagkamatay nito. Masyadong maraming butas sa kaso. 'Yon nga lang sa tuwing nanaisin kong imbestigahan ang nangyari ay may tila humaharang. Lahat ng dapat ay kailangan kong ebidensya para maresolba ang kaso ay naglaho na parang bula.
Nakaka-frustrate isipin na kahit ang isang gaya kong malawak ang karanasan at kaalaman sa teknolohiya ay wala pa ring magagawa sa kaso nito. Pumasok pa nga ako sa NBI para makakuha ng ebidensya pero wala talaga. Tatlong taon na ako sa ahensya pero ni kahit isa ay wala akong nakuhang mahalagang ebidensya na magagamit ko.
Binalikan ko ang mga cctv sa lugar kung saan nangyari ang krimen pero nakakapagtaka na lahat ng iyon ay patay no'ng gabing 'yon o kaya'y hindi gumagana.
"Pero Pops, hindi pa rin ako titigil. Kilala mo naman ako. Kilala mo akong matigas ang ulo noon pa man," natatawang sabi ko. "Mananagot ang dapat managot. Kahit buhay ko pa ang maging kabayaran sa hustisya na inaasam ko," huling sinabi ko.
Pagkatapos kong magpunta sa sementeryo ay dumiretso na ako sa Elixir. Ang bar na ipinatayo ko for a one reason–Tanya Marquez. Tanya Marquez is the daughter of a high rank official, Mr. Regardo Marquez. Si Marquez na siyang kasama ni Pops noon sa Scout.
Paano ko nalaman? I saw him and Pops in one picture. Nakita ko rin siya noong libing ni Pops. Hindi siya lumapit at nakatanaw lang sa malayo.
"S-sir!" natatarantang bati sa akin ng isa kong empleyado. Kasalukuyan kasi itong nag-mo-mop ng sahig nang makita niya akong pumasok. Madalang akong magpunta rito dahil sa hindi pa naman pumapasok ang target ko rito sa Elixir.
Pihikang babae si Tanya. Pinipili lang nito ang mga bar na papasukan. Usually, may tatlong bodyguard ang nakabuntot sa kan'ya. Bago pa ang Elixir kaya siguro hindi pa nakaabot sa babae ang balita.
Tumango lang ako at dumiretso sa opisina ko. Hindi lamang basta-bastang opisina ang naririto sa loob ng bar ko. Nagsisilbi ko ring opisina ito sa isa ko pang trabaho. I'm a hacker, at nandito sa loob ang ibang mahahalagang bagay na ako lang ang nakakaalam. Sa loob ng opisina ay may isa pang nakatagong sekretong kuwarto.
I softly pushed the wine bottle in the shelf, atsaka bumukas ang isa pang pinto patungo sa sekreto kong kuwarto.
Tinatawag kong red room ang kuwartong ito. Mula sa mga high profile na kaso at sa mga pipitsuging kaso na nahawakan ko ay nandito. Napaupo ako sa swivel chair habang hawak sa kamay ang family picture ni Marquez.
Napako ang tingin ko kay Tanya Marquez. The woman possessed an innocent beauty. Maganda si Tanya at nalaman ko ring matalino siya. She likes to unwind in some high end bar, ang dahilan kung bakit napatayo ko kaagad ang Elixir. Kailangan kong mapalapit sa Pamilya ni Marquez dahil siya lang ang nag-iisang susi sa ebidensya na hinahanap ko. Malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Pops.
SUMAPIT ang gabi at nanatili ako sa red room. Sa harap ko ay isang malaking monitor. Lahat ay kuha iyon ng cctv na nasa labas. Isa-isa kong tiningnan ang bawat taong pumapasok sa loob.
Napako ang paningin ko sa isang babaeng nakasuot ng red party dress na above the knee ang haba. Kung kanina lang ay sinabi kong may inosente itong mukha, ngayon ay parang taliwas sa nakikita ko ang imahe nito.
Nag-stretching muna ako bago lumabas. I also fixed my disheveled hair in front of the mirror. Chineck ko rin ang hininga ko at baka bad breath na pala ako. Kanina pa kasi ako nakatutok lang sa monitor at binabantayan ang bawat taong pumapasok. Panay lunok pa naman ako ng laway kanina. Baka dahil sa bad breath pa mapurnada ang mga plano ko.
Nang makalabas ay hindi ako kaagad lumapit. Sinusundan ko ng bawat tingin ang kapapasok pa lang na si Tanya. Nagpunta agad ang babae sa may bartender area at nag-order ng drinks. Hindi ko nakikita ang tatlong bodyguard na laging nakabuntot sa babae. Mukhang siya lang mag-isa. Kita naman sa mukha nito na mukhang badtrip siya at problemado.
Nang tatayo na sana si Tanya ay pasimple kong binundol ang katawan nito. Mahinang pagsagi lang sa balikat nito at nawalan na agad ng balanse ang babae dahilan para saluhin ko ang katawan nito at magpang-abot ang aming mga mata sa isa't isa.
"Careful," I softly whispered in her ear. Malapit na malapit ang mga katawan naming dalawa. Hinigit ko pa papalapit si Tanya sa akin upang mahawakan nitong mabuti ang matigas kong katawan.
I want this woman to fall in love with me. Iyon lang ang paraan para mapalapit ako kay Regardo Marquez.
Tanya was just staring at me intently. I stared back at her too. Isang titig na nagpapahayag ng pagka-interesado ko sa kan'ya. But not in a creepy way, 'yong titig na tila nang-aakit. I want him to remember my face nang hindi niya ako makalimutan at magpabalik-balik siya sa Elixir.
"U-uhm, e-excuse me," tila nahihiyang sabi ni Tanya sa akin at inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa beywang nito.
"I'm sorry for grabbing your waist, Miss. I didn't mean to touch you," apologetic kong sabi. "Sayang naman kasi ang ganda mo kung sahig lang naman ang sasalo sa'yo," I said.
I saw her blushed at what I said. It's a good sign for me. Alam kong nakuha ko ang atensyon niya.
"Thanks, g-gotta go, bye!" paalam nito sa akin. Nakatalikod na ang babae nang hawakan ko muli ang kamay nito.
Hindi pa siya puwedeng umalis. Kailangan na magkausap pa kami. I need to get her attention para masiguro kong babalik siya sa bar.
"I know it may sound weird, but can I see you again?"
"Look, Mr… I don't see any reason for us to meet again," pagtataray nito sa akin pero kita pa rin ang pamumula ng pisngi nito na tila ay hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
Gotcha babe! Kahit anong pagtataray mo sa akin ay alam ko pa ring hindi mo mahihindian ang jumbo hot–body ko! Oo, hot body! At hindi hotdog! Akala niyo ha. Pero kung hotdog lang din naman ang pag-uusapan ay hindi rin naman ako magpapahuli. This Tanya babe will surely never forget my taste. This big brown buddy hiding between my thighs will bring her to heaven and hell.
"We'll see 'bout that," huling sabi ni Tanya na parang nang-aakit din. Naihatid ko na lamang ng tingin ang babae papalabas ng Elixir.
Nakita ko pa ang pagtalbog ng puwet nito habang naglalakad. Napailing na lang ako. Inosente nga ang mukha ni Tanya pero mukhang mapapa-amen ka sa katawan nito. Kung hindi ko lang siya kailangan ay baka dinaan ko na siya sa santong paspasan. My patience always runs out when it comes to women like her. Tipo ko talaga ang mga inosenteng mukha pero kalahi ni Lilith sa kama.
Napukaw lamang ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko. Yael is calling. Parang bigla akong nanlamig nang makita ko ang pangalan nito sa screen ng cellphone ko. There's always trouble every time she calls.
"Yow!" bati ko sa kaibigan.
"Don't yow me!" singhal nito. Napangiwi ako at agad kong inilayo sa teynga ko ang cellphone. Parang naging motto na niya ang sagot niyang 'yan sa tuwing kausap niya ako.
"Yael, Yael, Yaelah Keller… nag-me-menopause ka na ba? Why are you always grumpy whenever you're talking to me?"
"Sinong hindi ma-bu-buwesit? Ano? Negosyo ko ba 'to? Negosyo?!" singhal na naman nito sa akin. "Saang lupalop ka naman ba ng impyerno nagpupunta?!"
"Nasa Elixir ako, Yael. May inaasikaso ako rito," bulong ko nang mahinahon. Nagbabakasali na kumalma ang kaibigan.
"May VIP client ka. Mrs. Bornales wants to see you," seryosong saad ni Yael.
Mrs. Bornales is my regular customer. Pinapasundan kasi nito ang asawa na pinaghihinalaan nito na may babae. Bata pa kasi ang naging asawa ni Mrs. Bornales. May higit dalawamput taong agwat ang edad nila. Kaya hindi na nakapagtataka kung magloko ang asawa nito.
But Mrs. Bornales is not kind enough to turn a blind eye to his infidelity. Nasabi pa nga nito noon sa akin na papatay siya kung totoo mang niloloko siya ng asawa. Nagkatotoo ang hinala nito dahil ayon sa mga bata ko ay totoong may ibang binabahay si Mr. Bornales. A young woman in his 20's and she's pregnant.
Wala na akong nagawa kung hindi ang magpunta sa opisina. Nang makapasok ay nadatnan ko si Mrs. Bornales na prenteng nakaupo lang sa may sofa. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito at mukhang kagagaling niya rin sa iyak dahil sa pamumugto ng mata nito.
"Mrs. Bornales, what can I do for you?" tanong ko sa babae. May ilang segundo pa bago sumagot si Mrs. Bornales at nang magsalita ito ay mababakas sa tinig nito ang galit.
"I want him dead," malamig nitong tugon kasabay niyon ay ang pagbigay nito ng tseke sa akin. Tumataginting na limang milyon para sa buhay ng asawa nito.
"Consider it done, Mrs. Bornales. Oops, my bad! Ms. Bornales na lang pala," ani ko sa babae.