Umaatungal na sa gutom ang mga pinakamamahal na alaga ni Trace habang hindi naman maipinta ang pagmumukha ko.
Nakakunot ang noo at nakasimangot ko lang tinitingnan ang mga pangit niyang alaga. I shouldn't be here right now. Dapat nasa opisina ako ngayon at nangangalap ng mga impormasyon para kay Mr. Black, Mr. Wang at Senator Montelo.
Hindi ako papayag na mapikot sa mga anak nila. Heck! Ubos ang stock ng condom ko sa condo, amoy bayag ang buong room, tapos sasabihin nilang buntis sila?
Maingat ako sa lahat ng babaeng natitikman ko. Hindi pa naman ako nababaliw para anakan sila. Kung ang safeguard nga may naiiwan pang 0.1% na germs sa katawan ng tao. Puwes! Ibahin nila ako, kahit negative percent pa 'yan, walang maiiwan na sperm cells ko sa mga matres nila. Walang katas ni Keros ang mababakas.
"O siya… magsikain na kayo," walang gana kong sabi sa mga alaga ni Trace. Biglang napataas ang kilay ko nang hindi man lang nila inamoy ang dala kong mga karne ng baboy!
Ang arte ng mga puta! Anong gusto nila wagyu beef na grade a4!?
"Ming… ming… kain na kayo. Bawal kayo mag-skip ng meal. Mangangayayat kayo tapos papatayin pa ako ng amo ninyo na sira ulo," pakikipag-usap ko sa mga alaga ni Trace.
Naamoy ba nilang double dead ang karne na binigay ko? Nabili ko lang kasi 'yan kay Aling Lagring na suki ko sa palengke. Ang mahal kaya ng kilo ng baboy ngayon. Ako nga minsan na lang nakakakain ng karne kasi namamahalan ako. Tapos itong mga alaga ni Trace ang aarte! Sipain ko sila eh.
Hinintay ko pa talaga na kainin nila ang mga dinala ko bago ko nilinisan ang mga ngipin nila. Mabuti na lang talaga at kasama ko na noon pa ang mga alaga ni Trace. Nilalaro ko sila no'ng mga baby pa sila kaya pamilyar na sila sa amoy ko.
Para akong mahihimatay sa pagod. Sabayan pa ng bad breath nila. Isang araw ko pa lang ginagawa 'to mukhang mapapasuko na ako. Hindi ko alam kung paano natatagalan ni Simoun at Ibarra ang mga pets ni Trace.
"Good morning, boss." Isa-isang nagtayuan ang mga tauhan ko sa loob ng building ko sa isla. Mukhang busy sila sa pag-monitor ng security sa buong isla.
Dapat lang. Hindi naman kasi basta-bastang tao ang mga miyembro rito. May mga high profile criminals, drug lords, assassins, mafias, mga royalties, mga mayayamang tao sa alta sociedad at iba pa. Many to mention dahil sa dami ng iba't ibang taong nandito. Lahat sila ay kailangan kong protektahan sa lugar na 'to. To maintained Agrianthropos's reputation at para na rin sa samahan.
Kahit hindi halata sa mukha ko ay masasabi kong perfectionist akong tao pagdating sa trabaho. No one should ever breach the tight security I built on this island. Not on my watch. Kahit sinong magaling na hacker pa ang magtangka ay hindi nila magagawang gibain ang malaking pader na itinatag ko.
"Cal," tawag ko sa sekretarya ko. Si Cal ang sekretarya ko pagdating sa isla. Kapag wala ako ay siya ang pumapalit sa puwesto ko.
Tahimik na tao si Callum o Cal. I discovered his talent when he tried to rob a bank that is supposedly my target that night. We battled for minutes using codes that only a hacker knew. When he tried to access all the doors and the locks, I blocked all of his codes and hacked his laptop instead. I easily defeated him. Madaling ma-crack lahat ng codes na ginagamit niya. Halatang baguhan. I even got his info. Pero may potential akong nakikita kaya mas sinanay ko pa siya at kinuhang tauhan sa kumpanya ko.
"Boss," bati nito.
"Update," sagot ko. Kinuha ni Cal ang laptop nito sa labas at gamit ang projector na mayroon ang opisina ko ang pinakita nito ang mga attempts ng mga kalaban namin. Attempts na pasukin ang isla.
Most of the attempts are from NBI. At may nakikita rin akong nanghihimasok na mga FBI. May mga kriminal din kasing nagtatago rito galing sa ibang bansa. They want to access the information the island has.
They can't do that. Bukod sa secluded ang isla na 'to ay hindi basta-bastang mga tao ang pumoprotekta sa samahan.
"I have a job for you. I'll give you twenty minutes to finish," I said while handing the portfolios. Kahit hindi ako magsalita ay alam na nito ang nais kong sabihin.
"Twenty? Make it ten, boss," sagot pa nito na ikinataas ng kilay ko.
Nang makalabas naman ang lalaki ay napatayo ako sa pagkakaupo ko at malayong pinagmasdan ang buong tanawin sa labas.
Malaya mo kasing makikita ang tanawin sa labas mula sa kinaroroonan ko dahil na rin sa gawa sa salamin ang bintana nitong opisina ko. The glass itself can change into a see-through glass and tinted glass if you want to. Siyempre, gamit ang remote control na gawa ng team ko.
"Yael, set me a meeting with those three," bungad kong sabi kay Yael. Nasa kabilang linya ang kaibigan habang nakikinig sa mga sinasabi ko.
Nang ibaba ko ang tawag ay bumalik ako sa upuan ko at tiningnan ang mensahe na pinadala ni Callum sa akin.
Cal has already completed the task I gave him. He completed it in just five minutes, as if it were nothing. Halimaw na talaga ang skills ng isang 'to. Pero of course, no one can beat me.
Now, with this information I have in my hands. Those three can't scare me anymore. Hindi naman sa natatakot ako sa kanila. I just don't want inconvenience to come in my way. Lalo pa at may ginagawa akong misyon na mas importante sa mga anak nila.
SA isang magarbong hotel ko dinala ang tatlo. Kahit hindi na sana kailangan ito at puwede naman naming pag-usapan ito sa opisina ko. Pero dahil good mood ako today ay gumastos ako ng mahal para sa kanila.
"Good evening to all of you," bati ko sa tatlong lalaki na nasa harap ko. Sa reaksyon palang ng mga mukha nila ay masasabi kong hindi na sila natutuwa na makita ang pagmumukha ko.
"Pananagutan mo na ba ang anak ko?" prangkang tanong ni Mr. Black. Hindi pa nga nakakaupo ang lalaki at 'yon na ang sinabi nito.
"Anong anak mo? Buntis din si Angela ko. Si Angela ang pananagutan niya," giit naman ni Mr. Wang.
"Hep! Anong anak ninyo? This man will marry my daughter, Bernadette. Hindi anak mo… at lalong-lalong hindi mo rin anak Mr. Black." Inisa-isang turo ni Senator Montelo ang dalawa.
"Chill, ni hindi pa nga kayo nakakaupo," awat ko sa tatlo. Okay lang na mag-usap kami rito. Secure ang paligid atsaka tuso ako.
I already prepared for the worst. May tatlong sniper na akong naka-stand by. Na-hacked ko na rin ang CCTV ng buong hotel. Lahat ng dinaanan kong cctv papunta sa hotel ay kasama rin sa hinacked ng mga tauhan ko.
Hindi nila dapat malaman ang pagkakakilanlan ko kung may mangyari mang hindi maganda sa pag-uusap na 'to.
"Okay, gentlemen. Nais ko lang sabihing… " Nakikita ko ang mga mukha nilang napaka-seryoso ngayon. I know what they're thinking right now. Alam ko ang inaasahan nila. "I won't marry anyone. Hindi ko sila nabuntis. I swear! I'm one hundred percent sure that they don't have my cute sperm cells in their tummies."
"Bullshit!" mura ni Senator Montelo.
Napahampas naman sa lamesa si Mr. Wang at halos patayin naman ako ng tingin ni Mr. Black.
"I need to defend myself here. Para namang hindi kayo mga lalaki. Atsaka naubos ang condom ko sa kanilang tatl–"
"W-wait… " A realization just hits me really hard when Mr. Black cut me off from talking. Napalunok ako. Kung minsan talaga, sariling bibig ko lang ang magpapahamak sa akin.
These three ain't just a normal citizen in this country. They're f*****g billionaires and powerful. Si Mr. Black na isang Mafia boss, si Mr. Wang na isang business tycoon dito sa Pinas at China, and lastly, si Mr. Montelo na isang senator dito sa Pinas.
"Y-you m-mean?" si Mr. Wang.
"Huwag mong sabihing pinagsabay mo ang tatlo? Y-you!" Halos himatayin na si Senator Montelo sa nalaman nito. Napahawak sa dibdib at pinapaypayan ang sarili.
Nakita ko ang pag-alerto ng mga bodyguard nilang tatlo na nasa paligid lang. I knew this was gonna happen, that's why I prepared something.
"Here." Seryoso kong inilapag ang mga portfolio sa kanilang harap. Tila ay nalilito silang nakatingin sa portfolio na nasa lamesa.
Isa-isa nilang pinulot iyon at sa ilang sandaling pagbabasa nila sa nilalaman ng portfolio ay unti-unting nanlalaki ang mga mata nila sa gulat, takot, at pangamba.
Written in those papers was their little dirty secret that was waiting to be revealed.
"Sino ka?" si Mr. Black. I can't blame him kahit na magkapareho ang mundong ginagalawan namin ay hindi niya ako kilala.
I go by the name Tech. Tech the cunning hacker/tracker. I am popular in the underground society. Takbuhan ng mga kriminal at mga mayayamang tao. If they want someone to track or simply hack something. Name it, kahit anong bagay na ginagamitan ng teknolohiya ay kaya kong pasukin ang program nito.
But no one ever saw my face. May lagi akong suot na pulang maskara. At kapag nagtatrabaho ako ay solo ko iyong ginagawa.
"I'm someone you don't want to mess with," seryoso kong tugon kay Mr. Black.
Si Mr. Black na kilalang tuso at halimaw sa pakiki-pagsugal. May mga illegal na negosyo sa loob at labas ng bansa. Hawak ko ang mga dokumento na ikasisira niya, lalong-lalo na ang iniingat-ingatan nitong sekreto. Isang video tape ng panghahalay niya sa isang anak ng kan'yang business partner. Oo, ang matalik nitong kaibigan na si Mr. Halter.
Si Mr. Halter na isang Mafia rin. Ang anak nitong si Haliyah ay namatay at ginahasa sampung taon na ang nakalipas. Ang may sala? Mismong si Mr. Black. Ang ahas na matagal ng hinahanap ni Mr. Halter ay nasa tabi lang nito.
Si Mr. Wang naman ay tila tinakasan ng kulay ang mukha. Simple lang naman ang kasalanan nito. He has 10 mistresses behind his wife's back. Saktong takot ang lalaking 'to sa asawa niya at sa pamilya ng asawa nito. Afterall, he got all his wealth right now because of his wife kaya takot niya lang.
While si Mr. Montelo naman na kilalang mabait na public servant ay isang kurap pala. Balita ko ay tatakbo siya bilang presidente sa susunod na eleksyon kaya malaking kasiraan kung kakalat ang korapsyon na ginagawa nito sa pondo ng bayan.
"Alam niyo… kailangan ninyong disiplinahing mabuti ang mga anak ninyo. Masama ang mambintang. Hindi ko sila nabuntis at hinding-hindi niyo ako mapipikot. Maybe they enjoy my performance so much that they want to own me now," mahabang paliwanag ko habang sumisipsip ng wine sa kopita ko. "But no one can own me except myself," I said in a serious tone.
Nakita kong sumenyas si Mr. Black sa mga tauhan nitong nasa gilid. Alam kong gagawa silang ng masama kaya uunahan ko na sila. Isang pulang laser ang biglang lumabas at tumutok sa mga noo nila.
"S-stop!" Mr. Black said. Nauutal pa ang rapist na 'to. Takot sigurong sumabog ang bungo. Tarantado rin eh.
"Are we clear right now? And may I remind you gentleman for one last time. Kapag nalaman kong may ginagawa kayong masama laban sa akin ay magdasal na kayo. Kahit saang sulok ng impyerno, hahanapin ko kayo," mala-demonyong wika ko sabay ngisi. Hawak-hawak ang isang patalim sa kamay at brutal na hiniwa ang steak na nasa harap.