Chapter 12
"Cance?" Nabaling ang atensyon ko kay Jorie nang bigla siyang magsalita. She's smiling gently at me pagkatapos ay umupo siya sa harapan ko. "Thank you." Nangunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa ngiti niya.
"You're welcome?" sagot ko pero hindi pa rin natanggal ang ngiti niya. "Anyway, how's the date?" Pagiiba ko sa usapan dahil nab-bother talaga ako sa paraan ng pagngiti niya.
"Ayos lang, he told me that he likes someone," she said at sa pagkakataong ito ay mas lalo pang lumawak ang ngiti niya sa akin.
"Okay?" tanging saad ko lang saka muling ibinaling ang tingin ko sa reviewer ko dahil may quiz kami mamaya pero hindi ako makapag-concentrate dahil nakangiti pa rin siya sa akin. "Can you please stop smiling like that?"
"Like what?"
"Like you know something na hindi ko alam." She chuckled saka tumayo na.
"You're so lucky, Cance. I mean it," wika niya pa bago tuluyang umalis. Nagtatanong ang mga mata kong bumaling kila Rouge at Jackie na nagkibit balikat lang.
Lahat na lang ba ng dumidikit kay Keene nagiging weird? I shook my head saka nagpatuloy na lang sa pagr-review.
-----
I sighed saka naglapag ng milk tea sa harapan ni Zacharias na nakasubsob ang ulo sa lamesa. Tinignan ko sila Keene na nagkibit balikat lang bago tuluyang umupo.
"Ayos lang yan Zacharias, marami pa diyang iba," wika ko para pagaanin ang loob niya.
"You said that it'll work," he said habang naka-subsob pa rin ang mukha sa desk.
Lunch time, and I ditched Jack and Rouge para sa ugok na 'to na binasted ni Erralyn at hindi lang yun, binigyan pa siya ng detention slip dahil sa kalokohang ginawa niya na ako ang mastermind.
"I said, there's a 40 percent chance na magw-work ang plano. I mean hello! Everyone knows her, pinaghalong bakal at bato ang puso ng babaitang yon," I said then rolled my eyes. Ilang minuto siyang hindi umimik hanggang sa marinig namin ang pagsinghot niya.
"Are you crying?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Cance."
"Why?" Bumaling ako kay Keene na inilingan lang ako meaning, I should shut the f**k up.
I pouted my lips saka humalukipkip. I know that Zacharias is a softy but I'm not aware na he's a crybaby din pala. Tumayo ako nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mukha.
"CR lang ako." Paalam ko sa kanila.
I saw her as soon as I entered the comfort room. She's standing in front of the mirror while washing her hands. P-um-westo ako sa tabi niya and pretended to wash my hands.
"That was harsh," I finally said nang mapansin kong aalis na siya.
"He violated the rule, I just did my job as your president," she answered coldly. What's with this girl? Parang robot.
"You could've been a little nicer and turn him down in private instead of embarrassing him," hindi nagpapatalo kong saad. She looked at me using the mirror. Bahagyang nakataas ang kilay niya pero wala akong nakikitang emosyon sa mga mata niya.
"Gumawa siya ng kalokohan in public yet he's not ready to face the consequences of what he did? And you're actually siding him," humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. "Good thing I won the election. Having a favoritism isn't good Miss Canales especially if you are a leader." Dagdag niya pa saka ako tinalikuran.
"Peace of advice, Miss President," I said bago siya tuluyang lumabas. "Do not push people away from you. You'll be lonely kung patuloy mong itutulak palayo ang mga taong gustong pumasok sa buhay mo."
Muli niya akong binalingan and for the first time since I saw her, she smiled. I can't tell if it's genuine though.
"A piece of advice, Miss Canales. Do not stuck your nose up to someone's business because clearly, you don't know a thing about me." Napangisi ako dahil sa turan niya bago siya tuluyang umalis.
Sassy.
"I like her," bulong ko sa sarili ko bago lumabas sa comfort room.
~~~
"Do you think Zacharias will be okay?" I asked Keene habang binabalanse ko ang sarili ko sa hawakan ng tulay habang siya naman ay nakaalalay sa akin kung sakali mang dalawin ako ng katangahan ko.
"He will be," simpleng saad niya.
"Shocked ako, I mean, who would've thought na iiyak ng ganoon si Zacharias nang dahil sa babae." Bahagya akong tumalon dahilan para mapasinghap siya na tinawanan ko lang.
"Wag kang tatalon, baka mahulog ka jan." Tinawanan ko lang siya saka ipinagpatuloy ang paglalakad ko.
"Do you think nahanap na niya yung greatest love niya?" Tanong ko pa saka bumaba na at nakisabay sa lakad niya.
"I don't know." walang kuwentang sagot niya.
I giggled then said, "What the hell is greatest love anyway." Tanong ko habang sinisipa ang mga batong nakaharang sa dinadaanan ko.
"My mother said that greatest love is the one na kahit anong gawin mo ay hindi maaalis sa puso't pagkatao mo." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
"Sounds dangerous."
"But for me, it's not dangerous. It is about bravery. If you finally found someone na handa kang ibigay buong pagkatao mo, handa kang masaktan para sa kaniya, someone who would make you selfless. It was like her name was imprinted to your heart and is engraved in your soul, that's greatest love. So if you found that someone, you should fight for him because believe me, he will be worth it." He smiled saka nagpatuloy sa paglalakad habang ako naman ay napahinto.
I just stared at his back for a minute thinking how his face lit up when he talked about 'greatest love' at dahil doon ay naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko.
Did he found that someone who would make him selfless? If he did, paano naman ako?
"Did you..." Naramdaman kong may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan upang maputol ang sasabihin ko. Huminto siya sa paglalakad saka bumaling sa akin.
I cleared my throat then I confidently asked him, "Did you found your greatest love?"
Gustong gusto kong kagatin ang labi ko matapos kong itanong iyon pero ikinuyom ko na lamang ang kamay ko para pigilan ang sarili ko.
Segundo pa lang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay minuto na ang lumipas then suddenly he smiled saka humakbang palapit sa akin.
"Yes," umihip ang malakas na hangin dahilan upang matabunan ng nakatakas na buhok mula sa pagkakapusod ang aking mukha. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko nang sikupin niya ang buhok ko na iyon at inipit sa likod ng tenga ko.
Ngayong wala nang harang sa pagitan namin, I can feel our closeness and it is taking my breath away. Once again, I was drowned by his captivating eyes. Hoping for someone who would save...
Hoping that he would save me.