Chapter 11

1383 Words
Chapter 11 "Zacharias, please! Just this once. Please?" Binigay ko na ang pinaka-cute na puppy eyes ko para lang mapapayag si Zacharias sa gusto ko pero iniwas niya lamang ang tingin sa akin saka sumipsip sa milk tea na binayaran ko para sa kaniya. Napasimangot ako saka padabog na hinila yung milk tea sa kamay niya. "What the--" "This is mine, ako ang nagbayad kaya wala kang karapatang sumipsip," wika ko. "Akala ko ba libre mo 'to?" Inirapan ko siya saka itinaas ang cup ng milk tea. "Libre sana ito kung pumayag ka lang sa gusto ko." "Bakit kasi hindi na lang ikaw ang magsabi sa kaniya?" Nakasimangot niyang saad. "I will if I can." "He's your best friend." "Dali na kasi! Sasabihin mo lang naman na magkita kayo dito sa milk-teh then si Jorie na ang bahala sa lahat." I even pouted my lips saka pinagsalikop ang mga palad ko. "So, hindi niya alam na date ang pupuntahan niya?" Tanong niya pa. Jusko, napakaraming satsat. Oras na siguro upang ilabas ang tinatago kong alas. I decided to help Jorie out. Kasi why not? Sabi niya naman isang beses lang, kapag hindi nag-work out then she won't force it. Though napa-paranoid pa rin ako. What if mag-enjoy si Keene? What if maging sila? May magbabago ba? Of course meron! She'll be his girlfriend for Pete's sake! He'll forget about me kapag nangyari yun at Mawawalan na rin siya ng oras sa akin for sure. And that thought actually frustrates me. "Ahm, Cance?" Nagising ako sa malalim na pagiisip nang marinig ko ang boses ni Zacharias. "Don't murder that poor tissue, wala naman siyang ginagawa sa 'yo." Bumaba ang tingin ko sa tissue'ng hawak ko na gusot na gusot na. I sighed sak binitawan ito. "Look, mahirap din 'to para sa akin, okay?" "Parang hindi naman." Pinandilatan ko siya ng mata kaya muli niyang iniwas ang tingin sa akin. "I saw what happened on the gymnasium the other day." At binitiwan ko na nga ang tinatago kong Alas. "Erra, huh?" Mapanuya kong wika. Si Erra yung kalaban ko nung eleksyon na ngayon ay presidente na ng school. Zacharias confessed last Wednesday na aksidente kong narinig and he was rejected. Ang malala, Erra pointed all of his bad side. Gusto ko ngang tumawa noon at the same time naaawa din ako kay Zacharias. Maloko 'to pero determined siya kapag may gusto siyang makuha, so alam kong seryoso siya kay Erra. I slightly tucked my chin then I crossed my arms and raised my left eyebrow. Lihim akong napangisi nang mapansin kong hindi siya mapakali sa inuupuan niya. "Paanong--" "I was sleeping when the two of you entered so I heard your conversation ACCIDENTALLY." Diniin ko ang salitang accidentally kasi aksidente naman talaga yun. "You should've leave noong nakita mo na kami." I snorted then rolled my eyes. "Don't worry, hindi ko planong ipagkalat yun. But, I have a plan for you. In return, gawin mo lang ang pinapagawa ko." Matamis akong ngumiti sa kaniya habang siya naman ay nakakunot ang noo. "A plan?" "Sabi niya hindi ka raw niya kilala, hindi ba? Then you will introduce yourself to her, and I have a plan for that." I winked at him, kaunti na lang bibigay na 'to. "Fine!" He sighed in defeat. Matagumpay akong ngumiti saka ibinalik sa kaniya yung milk tea na kinuha ko kanina. "It's a deal then." ~~~ "Wag ka ngang manulak!" Pagalit kong bulong kay Zacharias habang nakasilip sa isang puno at pinapanuod sila Jorie at Keene na nasa loob ng milk-teh. "Magtititigan na lang ba sila?" I shushed him saka ipinokus ang atensyon kay Keene na kalmadong nakaupo sa harapan ni Jorie na nakayuko. He's crossing his arms while his eyebrows are furrowed. I bit my lower lip, sigurado akong magagalit na naman 'to sa akin mamaya. "Aray ko pusa!" wika ni Zacharias nang bigla kong higitin ang kuwelyo niya para itago sa likod ng isang puno dahil biglang bumaling ang tingin ni Keene sa puwesto namin. "Napaka-ingay mong letse ka," saad ko. Napatingin ako sa paligid at napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao so I cleared my throat saka tinaasan sila ng kilay. I rolled my eyes saka muling nilingon sila Keene. Gumalaw ang labi niya hudyat na may sinasabi siya. "Naguusap na sila," wika ni Zacharias "Oo, alam ko, hindi mo kailangang ipagkalat," I said then rolled my eyes. Keene's face lit up nang matapos sa pagsasalita si Jorie then he smiled. Nginatngat ko yung kuko ko sa hinlalaking daliri. What? Naisip niya na ba na mas better si Jorie kesa sa babaeng gusto niya? Magiging sila na ba? Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Okay, stop over thinking, Cance. Just stop. "Aalis na sila, aalis na sila!" Binatukan ko si Zacharias nang sunod sunod niya akong kalabitin. "May mata ako, puwede ba?" Naiirita kong saad. Maglalakad sana siya nang bigla kong hilain ang kuwelyo niya. "Saan ka pupunta?" "Susundan sila," he said. "Wag na, hayaan na natin silang mag-enjoy," wika ko but I know that there's a hint of bitterness there na hindi ko naitago. "Bakit parang ayaw mong mag-enjoy siya?" Nangunot ang noo ko saka bumaling sa kaniya. "Alam mo, ikaw? Sa lahat ng sperm sa mundo, ikaw ang pinaka-tsismoso," wika ko saka siya tinalikuran. "It runs in our blood." "Si Zachariah hindi tsismoso." "Ampon kasi siya." Muli ko siyang nilingon. "Seriously? Baka nakakalimutan mong magkamukha kayo?" Magsasalita pa sana siya but I raised my hands in front of his face. "Shut up, wala kang kuwentang kausap." I crossed my arms saka nauna ng naglakad kesa sa kaniya. Huminto muna kami sa 7/11 para kumain ng ice cream pagkatapos noon ay napagdesisyunan na naming umuwi. ~~~ Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama saka malalim na nagbuntong hininga. Alas otso na hindi pa rin nauwi si Keene. Masyado yata siyang nag-enjoy. I hissed saka tinakpan ng unan yung mukha ko hanggang sa hindi na ako makahinga. I don't really know what's happening to me. Kanina, confident pa ako sa pagiging cupid wannabe ko pero ngayon parang gusto ko na lang ilibing yung sarili ko. I tilted my head at nang makita kong bukas na ang ilaw sa kabilang bahay ay halos mapatid pa ako dahil sa pagkataranta. I fixed myself at saktong bumukas ang bintana niya. "San ka galing?" Nakataas pa ang kilay na tanong ko. He crossed his arms saka tinaasan din ako ng kilay. "I don't know, you arranged everything. You should ask yourself." I pouted saka pumangalumbaba. Jorie, you little b***h, talagang nilaglag pa ako. "So, nag-enjoy ka ba?" Tanong ko nang hindi siya tinitignan. Nilaro ko ang daliri ko para mapigilan ang sariling tumingin sa kaniya. Ayaw kong makitang nag-enjoy siya, ayaw kong makitang masaya siya dahil sa iba. I already told you, I'm selfish even though I know that he's not mine. "Well, ayos lang. Masarap siyang kasama, approachable, she's sweet, she even made a sandwich for me, she's also gentle. Hindi siya nanghahampas." I pouted dahil sa huling sinabi niya. "Hindi rin nagmumura," okay, double kill! "Babaeng babae mula boses hanggang sa kilos." Tang ina! Puwede paki revive ako? Sabi ko kanina ginagawa ko ito dahil kay Jorie but honestly, I'm doing this for myself. Baka kasi kapag makita ko kung gaano sila ka-compatible sa isa't isa susuko na ako. Pero hindi, mas lalo lang nadagdagan yung insecurities ko. "You like her?" Matapang kong sinalubong ang tingin niya at parang nanghina ako when I saw him smile, yung masayang ngiti. A genuine smile. "She's an angel," iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil ramdam ko na ang mainit na likidong namumuo sa gilid ng mga mata ko. "But I like bad girls more." Muli akong bumaling sa kaniya and I was taken aback when I caught him staring at me while smiling. My heart suddenly skipped a beat at ramdam ko rin ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko. Six words, yet it managed to take my breath away. Should I just stop running away and embrace this strange feeling? But what if masira ang lahat dahil sa punyetang feeling na ito? But the real question is, am I brave enough to embrace it?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD