Chapter 7
'Fallin' out, fallin' in
Nothing's sure in this world no, no
Breakin' out, breakin' in
Never knowin' what lies ahead
We can really never tell it all no, no, no.'
Payapa akong nagngangatngat ng mani habang pinapanuod sila Keene na mag-rehearse para sa gig nila mamaya.
Sabado, walang pasok. At tuwing sabado ay tumatambay ako sa bahay nila Keene dahil unang una, may wifi sila. Sunod, air conditioned yung kuwarto niya and lastly, wala lang trip ko lang.
'Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we
Never could understand
Why some things begin then just end
We can really never tell it all no, no, no
But oh, can't you see
That no matter what happens
Life goes on and on
So Oh baby, please smile
Coz I'm always around you
And i'll make you see how beautiful
Life is for you and me'
Pumalakpak ako nang marating nila ang chorus ng kanta pero agad ding bumalik sa pagngata ng mani. It's always like this whenever nagpa-practice sila sa bahay nila Keene. I'm their audience, pero syempre nagsu-support lang ako kapag may pagkain.
Gustong gusto nila akong manuod lalo na kapag may sinasalihan silang contest dahil pinupuna ko lahat ng mga mali at hindi maganda sa performance nila.
"Zacharias!" Napangiwi ako nang lumakas yung drums ni Zacharias. "Tone down a bit, wag kang masyadong ma-carried away. Nawawala ka sa tempo." Tinanguan niya ako at nakahinga naman ako ng maluwag nang bumuti na ang tugtog ng drums niya.
'Take a little time baby
See the butterflies color's
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me
This is such a wonderful place to be
Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain'
"You're good, Yhann." Pagpuri ko kay Yhann, ngumiti naman siya habang kumakanta dahil doon. Napapa-head bang ako habang nakikinig sa kanta nila. So far, maganda naman ang pagkakakanta nila. Maliban na lang kay Zacharias na halatang distracted. Which is unusual, dahil hindi naman madalas ma-distract yan eh, siya ang nand-distract kamo.
'Life's full of challenges
Not all the time we get what we want
But don't despair my dear coz I know now
You'll take each trial and you'll make it through the storm
Coz you're strong my faith in you is clear
So ill say once again this worlds wonderful and
Let us celebrate life that's so beautiful, so beautiful
Ohhhh
Take a little time Baby
See the butterflies' colors
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me
This is such a wonderful place to be
Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain'
Pumalakpak ako pagkatapos nilang mag-perform saka sila sinalubong.
"You're all good," saad ko bago binalingan si Zacharias. "Maliban sayo, ano bang nangyayari sayo at parang distracted ka?"
"He's in love." Zachariah interjected.
"In-- what?"
"There's a transferee in our class and we think na tinamaan 'tong ugok na 'to." Saad ni Keene saka tumawa pa ng malakas.
"Shut up!" Zacharias shouted na lalong nagpalakas sa tawa nila Keene. I just shook my head while smiling, now I'm curious kung sino 'tong transferee na 'to.
"Being in love is okay, Zacharias. But learn to balance your feelings and your dream, ayaw mo naman sigurong mawala yung pangarap mo dahil sa love 'no?" Tinanguan niya ako habang namumula yung tenga niya. Tinapik ko siya sa balikat bago binalingan silang lahat.
"Okay, break muna. Nag-order ako ng pizza, bayaran mo Keene." Saad ko. Nakita kong aapila pa sana siya pero tinaasan ko agad siya ng kilay. "Angal?"
"Sabi ko nga ako na magbabayad eh." Wika niya saka binatukan si Zacharias na nananahimik habang kausap si Zyd na nasa harapan ng pinakamamahal niyang piano. "Kung ano anong binubulong mo sa akin, gago ka."
Nagtataka akong sinulyapan ni Zacharias na ipinag-kibit balikat ko lang saka muling ngumatngat ng mani. Pagkatapos noon ay binatukan niya rin si Keene at nagbatukan silang dalawa habang umiiling lamang ako.
Kids.
"I'm curious." Napabaling ako kay Yhann na nakahalukipkip sa tabi ko.
"About what?"
"You seemed to know a lot about music. I wonder why."
"It's because her father is a music producer." Biglaang saad ni Zacharias. I grimaced because of what he said at binatukan naman siya nila Keene at Zachariah. Ang daldal talaga.
"Really? Bakit hindi namin alam?" Zyd interjected na ngayon ay mukhang interesado na rin.
"Sinadya kong hindi ipaalam sa inyo." Kibit balikat na sagot ko. Tinaasan nila ako ng kilay at alam kong naghihintay sila sa susunod na sasabihin ko so I took a deep breath saka ibinaba yung mani na nginangata ko. "He's not that important, seriously. He left us, that's it. End of story." I said, ending the conversation.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na sila nag-usisa pa. Tinignan ko ng masama si Zacharias na mukhang guilty ngayon. He mouthed 'sorry' and I mouthed 'f**k you' back.
•••••
"Tara sa milk tea-han." Panga-aya ko kila Rouge pagkalabas ng aming prof.
"Ano namang gagawin natin doon?" Tanong ni Jack habang naglalagay ng liptint sa labi niya. I rolled my eyes saka humalukipkip.
"T-tumbling tayo beh, duh. Siyempre bibili ng milk tea, at maghahanap na rin ng pogi." Rouge snorted saka sandaling inalis ang tingin sa phone niya para bumaling sa akin.
"Seriously? Kagagaling mo lang sa break up tapos maghahanap ka agad ng jowa." Tinaasan ko siya ng kilay.
"I said pogi, Rouge. Hindi jowa."
"Same thing." She murmured saka ibinalik ang tingin sa phone. Nagkibit balikat lang ako saka inantay na matapos si Jack sa paglalagay niya ng kolorete sa mukha nang mabaling ang atensyon ko yung transferee na katabi ni Rouge. It's been a month since she transferred yet wala pa rin siyang kaibigan. Nakaupo lang siya sa seat niya at halos hindi tumatayo.
"Hey!" Tawag ko sa atensyon niya. "You, ahm, what's her name again?" Pasimple kong bulong kay Jack.
"Jorie."
"Jorie." Bumaling naman ang atensyon niya sa akin ng tawagin ko ang pangalan niya.
"Y-yes?" Nahihiyang saad niya.
"Come with us." Panga-aya ko rin.
"Ahm, ano kasi--" I clicked my tongue saka sinenyasan sila Jack at sa isang iglap ay hawak na nila ang magkabilang braso ni Jorie at hila-hila ito palabas ng classroom.
One interesting thing about me, minsan lang akong maging mabait. So you should grab the opportunity.
Pagdating namin sa milk tea-han, na nasa harapan lang ng school ay agad kaming naka-order dahil wala ng masyadong tao. Kinailangan na lang naming umupo at hintayin yung order namin nang biglang sumulpot sila Keene mula sa kung saan at ginulo ang nananahimik naming buhay.
"Yow! What's up nga girls?" Saad ni Zacharias. Nakita kong mas isiniksik pa ni Jorie ang sarili niya sa gilid nang biglang magsiupuan ang mga gunggong sa table namin.
"Hi." Nakangiting bati ni Zyd kay Jorir habang umuupo ito sa upuan.
"H-hi." Nahihiyang wika ni Jorie. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang pinilit ni Keene na isiksik ang sarili niya sa upuan ko.
"Ano ba?" Inis kong saad.
"Umurong ka, wala ng upuan oh." Sagot niya.
"Humila ka doon, jusko."
"Ei, tinatamad ako." I grimaced ng nagpapadyak pa siya at ngumuso na parang bata.
"Tangina." Pagmumura ko bago umurong para bigyan siya ng space. "Oh, ayan! Sana masaya ka na." Sarkastikong dagdag ko pa bago siya irapan. Nginisian niya lang ako pagkatapos ay bigla akong kinindatan na nagpataas ng mga balahibo ko. Kadiri!
Maya-maya pa ay tinawag na yung number namin pero wala ni isa sa amin ang nangahas na tumayo. Nagtititigan pa kami at nagpapakiramdaman kung sino ang pontio pilatong tatayo at kukuha ng order namin.
"Number 46?"
"A-ako ng kukuha." Pagp-presinta ni Jorie. Tinanguan lang namin siya at hindi na pinigilan.
"You're bullying her." Naiiling na saad ni Keene.
"The hell? Nagkusa siya, duh." Pagd-depensa ko sa sarili ko. Totoo naman kasi. Ilang sandali pa ay naglalakad na si Jorie palapit sa amin bitbit ang tray na may lamang apat na milk tea pero ilang sandali pa ulit ay napatid siya dahil tumama ang isa niyang paa sa likuran ng binti niya. Napatayo kami at napataas ang kamay sa ere na para bang mapipigilan noon ang pagbagsak niya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Keene na siyang pinakamalapit sa kaniya. Nasalo nito si Jorie pati na ang tray na dala-dala niya.
Nakahinga kami ng maluwag dahil doon. Tangina, 60 pesos din yun.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Keene sa kaniya. Wala sa sariling tumango siya at agad na tumayo ng tuwid.
"P-pasensya na, pasyensya na talaga." Paghingi niya ng pasensiya.
"Ayos lang." Kibit balikat na sagot ni Rouge. Ibinaba ni Keene yung tray sa table namin habang si Jorie naman ay umupo na ulit sa upuan niya.
"Alam ko na!" Napatingin kaming lahat kay Zacharias nang bigla itong magsalita habang nilalagay namin yung straw sa milk tea namin. "Naalala ko na yung babae sa counter. I saw her noong sabado sa Jolibee, siya yung kumuha ng order ko noon tapos last week nakita ko siyang nags-serve ng pagkain jan sa carenderia sa tabi nito." Tinaasan ko siya ng kilay.
"So?"
"Wala lang, share ko lang--"
"ZACHARIAAAHHH!" Napangiwi kaming lahat nang may biglang sumingit na matinis na boses sa usapan namin. "I can't believe na you made me hintay there for about thirty minutes. What do you think of me? A joke?" Tuloy tuloy na saad noong babaeng nakapamewang sa harap ni Zachariah.
Nagtatanong na nilingon ko si Zachariah na ipinagkibit balikat niya lang saka kumuha ng fries na in-order namin sa labas kanina bago pumunta dito.
"Sa pagkakaalala ko, I didn't say na maghintay ka doon." Kung totoo lang yung usok na lumalabas sa ilong at tenga ay malamang nakikita na namin iyon sa sobrang gigil ng babaeng ito.
"You're jerk!"
"You're a brat." Kalmadong saad ni Zachariah.
"Excuse me." Biglang singit noong babae na nasa counter kanina. "Please don't make a scene here. Kung magaaway kayo," tinuro nito ang glass door ng milk tea-han. "Doon kayo sa labas."
Impit na tumili lang yung babae saka nagdadabog na lumabas ng store.
"Who's that?" Tanong ko sa kanila saka sumipsip ng milk tea.
"Lia, inaanak ni Tito Pao." Sagot ni Yhann. Si Tito Pao yung may-ari ng bar na pinagp-perform-an nila tuwing Saturday and Sunday. Tito siya ni Yhann.
"What about her?" Tanong ko ulit.
"Naglayas sa bahay, and Tito Pao asked for a favor, bantayan daw namin." Sagot ni Zyd.
"Bantayan natin pero ako lang ang ginugulo." Zachariah interjected sarcastically.
"You should follow her. Hindi yun marunong sumakay ng jeep." Zachariah groaned saka tumayo.
"I'm going now." Paalam niya saka nagmamadaling umalis.
"Anong nangyari doon?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin pa rin sa pintuang dinaanan ni Zachariah.
"Who knows." Sagot ni Keene. Lihim akong napangiti habang kagat-kagat ang straw ng milk tea.
Asus, nagbibinata na ang mga gunggong.
•••••
"Ang bilis ng panahon." Biglang saad ko habang bina-balance ang sarili sa railing ng tulay.
"Paano mo nasabi?" Tanong naman ni Keene na nakaalalay lang sa akin kung sakali mang umatake ang katangahan ko at mahulog ako.
"Wala lang, parang dati lang nagsasabunutan pa kami ni Zacharias sa tuwing may hindi kami pinagkakasunduan tapos si Zachariah yung taga-awat tapos ikaw yung Mongoloid sa tabi na taga-cheer lang." He chuckled dahil sa sinabi ko.
"It's entertaining sa tuwing naga-away kayo eh. Parang nanunuod ako ng live na WWE." Tinignan ko siya ng masama. Gunggong talaga. Bumaba ako saka sumabay sa paglalakad sa kaniya. Papalubog na ang araw kaya medyo nagiging orange na ang kalangitan.
I really love sunset but at the same time, I hate it. I love how beautiful it is but I hate it dahil pagkatapos nito ay panibagong araw na naman, panibagong araw means panibagong memories and panibagong memories might bring you happiness, hope, heartbreak or worst pain.
Sandali kaming huminto para panuorin ang paglubog ng araw.
"Come to think of it, you're right. Parang dati lang nambu-bugbog ka pa ng mga lalaki but here you are now, desperately finding someone to love. Your just seventeen for pete's sake, marami pang ka pang oras para diyan." Mahabang litanya niya. I just shrugged then lean on the railing of the bridge.
"It's because I'm curious."
"You're curious? That's it?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"You know, how does it feel to be in love? I want to experience that feeling and I always wonder if falling out of love is really possible. Iyon ang rason ni Papa kung bakit niya kami iniwan ni Mama." I chuckled dahil sa iniisip ko. "I'm crazy, gusto kong ma-experience yung feeling na yon. Is it really unbearable na kinailangan niyang umalis sa tabi namin to start his own life? But well, his an ass, a jerk, motherfucker at lahat ng posibleng mura sa mundo."
"You don't need to look further." Lumingon ako sa kaniya pero nakatingin lang siya sa papalubog na araw. "I'm sure there's someone out there whose in love with you, someone na hindi maf-fall out of love because he already fell deep yet he's still falling." He smiled then look at me. "Hindi mo kailangang ilayo ang tingin mo. Just look beside you and you'll see."
Orange lights brushed on his face as I stare in his eyes, then I felt that strange but familiar feeling na matagal ko ng dine-deny. It feels magical yet so dangerous that it soffucates me, my heartbeats faster than usual and it scares me... Always.
I tried to run but I can't seem to hide. Tell me, is it really impossible to not to fall in love with your boy best friend?
---------
Song used: Rainbow by South borders