Chapter 8
I cleared my throat nang dumilim na ang paligid saka iniwas ang tingin ko sa kaniya then I chuckled.
"Ang drama mo, tangina ka. Umuwi na nga tayo, maghuhugas pa ako ng plato." Ani ko saka sabay kaming naglakad. I shouldn't welcome this feeling, he's my best friend at mananatiling hanggang doon lang iyon. So calm down heart, he's off limits.
"You just ruined the mood." Nakasimangot na saad niya. Sinuntok ko siya sa braso.
"Gago ka kasi, kung ano-anong sinasabi mo. Anong nasa tabi ko lang? Jusko ka talaga." Naiiling na wika ko.
"You know what napapansin ko ah. Mura ka ng mura, kababae mong tao eh."
"Gago. Tangina. Pisting yawa. f**k. b***h. Motherf-- hmm!" Hindi ko na natuloy ang mga sinasabi ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.
"Stop!" Natatawa kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko
"Tangina ka kasi eh, pinansin mo pa." Wika ko saka nauna na maglakad sa kaniya. Naabutan ko si mama na nagwawalis sa harapan ng bahay namin pagkauwi ko sa bahay.
"Masamang magwalis sa gabi 'ma. Lalayas yung swerte." Sabi ko habang nakatayo sa harapan niya. Pumameywang siya sa harapan ko saka ako tinignan ng masama.
"Gusto mo bang ikaw ang palayasin ko? Anong oras na bata ka? alas singko ang uwian niyo alas syete ka nakakarating dito sa bahay. Ano yang school niyo nasa Japan?" Napanguso ako saka dahan-dahang pumasok sa bahay. Beast mode na naman si madir, kailangan nating mag-ingat.
Nasa kuwarto na ako pero naririnig ko pa rin yung sermon ni mama mula sa baba. I sighed saka binuksan ang bintana ng kuwarto at saktong kakabukas lang rin ni Keene sa bintana ng kuwarto niya.
"Seriously? May secret camera ka ba talaga sa bahay namin?" He grinned at me.
"I guess I just know how your mind works." Nagmamalaking saad niya. Inirapan ko lang siya saka inilabas abg notebook na hiniram ko kay Jack para mag-review dahil may quiz kami bukas. "What's that?"
"Notebook, duh." Sagot ko habang hina-highlight-an yung nga importanteng phrases. Madalas akong matulog sa classroom pero hindi ko naman napapabayaan ang paga-aral ko. I'm actually one of the honor students sa classroom namin, at sa akin din nangongopya sila Jack at Rouge tuwing may quiz in return magsusulat sila ng notes para ma-review ko sa tuwing may quiz kami. Sa kanila ang notes, sa akin ang sagot.
Pero ang disadvantage lang ng mga katulad kong tamad magsulat ay sa tuwing magpapa-pirma kami ng completion form sa pagtatapos ng school year. Laging kailangan ng notes bago pirmahan ng teacher ang completion form kaya halos mamanhid na ang kamay ko sa sobrang dami ng sinusulat ko. Sinasabi ko sa sarili ko na next school year, magsusulat na talaga ako pero nakakatamad kalabanin yung katamaran kaya sige, wag na lang.
"Himala yatang nagaaral ka." I clicked ny tongue saka tinignan siya ng masama.
"Shut up, puwede?" Sumaludo siya sa akin na para bang sundalo. Tumahimik siya pero knowing Keene, hindi niya matatagalan ang ilang minutong katahimikan kaya ilang minuto pa ay narinig ko na naman ang nakakairitang boses niya.
"You know what, bagay talaga sayo tumakbo bilang president. You're so bossy."
"You know what, why don't you get yourself a girlfriend. You're so nosy." Sarkastikong saad ko. Humawak siya sa dibdib niya saka umaktong nasasaktan.
"You're hurting me, best friend." I raised my middle finger ng hindi tumitingin sa kaniya. "But, kidding aside. I already like someone." Natigilan ako sa pagha-highlight sa notes saka napalingon sa kaniya.
"Really?" He smiled at me sweetly saka siya tumango.
"She's simply amazing." Binitawan ko ang highlighter then isinandal ko ang likod king sa sandalan ng upuan.
"Congrats." Ang tanging sambit ko lang. Parang naninikip ang dibdib ko, jusmiyo. You should be happy, Cance. Why are you acting like this. You're so gago self.
"Congrats amp." I glared at him.
"Anong gusto mo, magpa-party ako?" Tanong ko then I rolled my eyes.
"Chill." He said then he chuckled. "Pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon, she's still not ready." Napasimangot ako saka humalukipkip.
"Ano siya, grade six?" Parang nasamid naman siya dahil sa sinabi ko.
"The f**k? Anong tingin mo sa akin pedophile?" Nagkibit-balikat ako saka mapang-asar siyang nginisian.
"Maybe." Napasimangot naman siya dahil sa sagot ko.
"Sa sobrang daming rason, yun talaga ang naisip mo?"
"Eh sa iyon yung unang pumasok sa isip ko eh." Sagot ko saka muling bumalik sa ginagawa ko. "Pero kung sakali mang mawalan ka na ng pagasa diyan sa iniirog mo, just call me--"
"And you'll be there." I grimaced.
"Hindi tanga, marami akong kilalang babae. Ri-reto kita. O baka gusto mo sa lalaki? Hahanapan din kita." Napangiwi siya dahil sa sinabi ko.
"Nah, I'm good." Napasimangot ako dahil sa sagot niya.
"Si Jack?"
"Masyadong madaldal."
"Si Rouge?"
"May boyfriend yun diba? I mean lagi siyang nakatingin sa phone niya at may ka-chat." Nakakunot noong tanong niya.
"Nope, wala siyang boyfriend."
"Oh. It's a no pa rin. I plan to wait until she's ready." He said then stare straight to my eyes. Napasimangot ako.
"Okay." Ngayon nac-curious na ako kung sino 'tong babaeng ito.
•••••
"Good afternoon students of Golden University of the North. First of all, I would like to thank you all for giving me this opportunity to talk in fron of you. I know that some of you might be bored and sleepy so I won't make this long. As your student council president, bibigyan ko kayo ng permiso na dukutin ang mga mata ng mga tindera sa canteen kung sakali mang magtaray sila sa inyo---"
"Seriously? That's your preclamation?" Hindi makapaniwalang saad ni Keene.
"Of course it's a joke, Stupid motherfucker. Amin na nga yan, nakalimutan ko lang yung line ko." Nakasimangot kong inagaw sa kaniya yung papel kung saan ko isinulat yung speech ko para sa gaganaping election mamaya. Yes, grade 12 na kami ngayon. Ang bilis 'no? Pero walang tatalo sa bilis ng jowa mong nalingat ka lang sandali tapos may kalandian ng iba.
Oops, ilag.
"Damn, you're scary." Sabat ni Zyd.
"Tindera sa canteen is shaking." Natatawang saad ni Yhann at nag-apir ang dalawang gunggong.
"Oh it's a joke. Are we supposed to laugh? Haha." Inirolyo ko yung papel saka pinagpu-pukpok ang mga ulo nilang lima.
"Shut up, hindi ako makapag-concentrate dahil sa inyo."
"Aye, aye captain!' Sabay na saad nilang lima. Inambahan ko ulit sila at agad naman silamg lumayo sa akin. I just sighed saka muling ibinaling ang atensyon ko sa papel. Para akong tangang bumubulong sa hangin at paminsan-minsan ay sumisilip sa papel.
'Calling the attention of all the students of the Golden University of the North, please proceed to the auditorium. I repeat, all of the students of the Golden University of the North, please proceed to the auditorium.'
I took a deep breath, shocks. Ito na yun! Naramdaman kong inakbayan ako nila Keene at Zacharias habang sila Zyd at Yhann naman ay ginugulo ang buhok ko at si Zachariah ay nag-thumbs up lang saka bumalik sa pagkakahalukipkip.
"Good luck." Bati nila bago kami sabay sabay na bumaba para pumunta sa auditorium.
NAGBUNTONG hininga ako pagkatapos naming mag-speech ng kalaban ko. We're now sitting on the monoblock na nasa stage at pinagmamasdan ang estudyante na bumuboto.
Her name is Astrid Collins, transferee siya at isang STEM student. Magaling siyang mag-english at ni hindi ko maramdaman ang kaba niya habang nagi-speech siya. She's just standing there elegantly with a poker face at paminsan-minsan ay nakikipagtitigan siya sa mga audience. Wala na sis, talo na tayo.
"Students, you may leave the auditorium for a minute and we'll just call you again once we get the result." Tumayo kaming dalawa ni Astrid at humarap sa isa't isa.
"Good luck." Ani ko. She just nodded her head then nag-shake hands kami bago bumaba ng stage.
"Cance!" Salubong nila Keene.
"Nice speech." Wika naman ni Zacharias.
"Gago!" Binatukan siya ni Yhann. "Wag kang maniniwala sa traydor na 'to. Si Astrid ang binoto niya at hindi ikaw."
Pinaningkitan ko ng mata si Zacharias na inosenteng nakangiti sa akin habang nagkakamot ng ulo.
"Hindi ko talaga alam, swear! Pagkatingin ko sa form pangalan pala ni Astrid yung na-shade-an ko." Pagtatanggol niya sa sarili.
"Gago! Ano yang kamay mo dine-demonyo? Kusang nagalaw?" Ani ko saka siya inirapan. "Pag nanalo ako lilibre ko kayong lahat ng pizza." Nag-'yehey' naman sila kasama si Zacharias kaya pinanlisikan ko siya ng mata. "Wag mo kong ma-'yehey yehey' diyan traydor ka. Lahat kayo maliban kay Zacharias."
Naghiyawan naman silang apat maliban kay Zacharias na mukhang aapela pa. Nagpaalam muna ako na magc-CR dahil kanina pa nasakit ang tiyan ko. Ganito ako kapag kinakabahan eh, nasusuka ako na nauutot na natatae na ewan.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang makalabas ako sa cubicle at akmang maghuhugas na ng kamay nang biglang pumasok si Jorie sa CR.
"Ahm, hi!" Nahihiyang bati niya.
"Hi." I greeted backm
"I-I have ahm." She cleared her throat dahil parang nagaalangan pa siyang sabihin sa akin yung dapat ay sasabihin niya. "I have a confession to you." Tumayo ako ng tuwid then I look at her gamit ang salamin.
"Go on."
"I... Actually, I ahm... I like Keene." Ilang segundo akong natahimik at natigilan dahil sa sinabi niyo bago ako kumurap.
"Oh, and then?"
"I'm sorry kung sobra ng makapal ang mukha ko. But can you please do me a favor? Puwede bang... Ahm." Iniwas niya ang tingin niya sa akin saka pinaglaruan ang nga daliri niya. "Puwede bang tulungan mo 'kong mapalapit kay Keene?"
I was in daze for a minute at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. I don't know what to say, should I? Or should I not?
And without thinking, ibinuka ko ang bibig ko at sinabi ang pinakatangang desisyon na ginawa ko sa tanang buhay ko.
"Sure."