Chapter 9

1253 Words
Chapter 9 Hindi ko na mabilang kung ilang oras na akong nagpapalipat lipat ng puwesto. 3:30am na pero yung utak ko ay gising na gising pa rin. I sighed saka tumihaya at nakipagtitigan sa kisame. I am bothered, not because I didn't win the election kung hindi dahil sa usapan namin ni Jorie kanina. Tama ba ang naging desisyon ko? Should I chat her now at sabihing nagbago na isip ko? Baka ito na yung chance para maalis 'tong weird feelings na nararamdaman ko. Pero paano kung may magbago? Stupid Cance! Of course may magbabago! Why the hell am I over thinking? I groaned saka ibinaon sa unan ang mukha ko at doon nagsisisigaw pagkatapos ay Marahan kong ipinikit ang mga mata ko ngunit ilang sandali pa ay nag-flash sa utak ko ang imahe nila Keene at Jorie na magkasama. Napaupo ako sa kama ko saka sinabunutan ang buhok ko. Stop this, Cance. Matulog ka na please lang! I glanced at the wall clock above my door at mariing napapikit nang makitang alas kuwatro na. Great! Hindi na ako nakatulog, ang angas. Malalim akong nagbuntong hininga saka ipinikit ang mga mata ko and thankfully this time, unti unti na akong dinalaw ng antok. "CANCE!" Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang malakas na boses na nanggagaling sa kusina. Marahas kong inihilamos ang mga palad ko sa mukha ko saka tumingin sa wall clock. 7:00am, tatlong oras lang ang tulog ko. Nice, kaunti na lang Cance papanaw ka na. Keep it up. "CANCE!" "PABABA NA!" Kahit antok na antok pa ay pinilit ko ang sarili ko na tumayo at ligpitin ang hinigaan ko. Dumiretso ako sa CR saka naligo, charot, nagwisik lang ako. Masama daw maligo kapag puyat. Pagkatapos ay kinuha ko yung makeup na nakatambak lang sa kuwarto di ko nga alam kung bakit may ganito ako eh. Tinakpan ko yung kumakaway kong eyebags sa ilalim ng mata ko saka ako naglagay ng liptint then pak! Ganda ko. Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos at naabutan ko si Mama sa kusina na nagaayos ng hapag-kainan. Tahimik lang siya at seryosong naghahanda ng pagkain which is strange kasi kadalasan kapag ganitong oras ako nagigising ay sinisermunan niya ako. I tilted my head kasabay ng pagkunot ng noo ko habang palapit sa kaniya. "Umupo ka." Nagtatakang sinunod ko ang sinabi niya. Magbabagong buhay na ba siya? Tahimik akong sumandok ng kanin, walang balak na basagin ang katahimikan. After a minutes ay narinig ko ang pagtikhim niya. "Tumawag ang Papa mo kanina," wika niya. Natigilan ako ngunit hindi ko inalis ang tingin ko sa pagkain. Pagkatapos ng ilang minuto ay kalmado kong ipinagpatuloy ang pagkain ko. "Tapos?" I asked. "Gusto niyang makipagusap sayo." "Para saan?" "Come on, Cance. It's been a year, napatawad ko na siya. Can we please let this go and start a new life?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "If he calls again tell him this, I won't talk to him over a freaking phone. Pumunta siya dito at ipaliwanag niya sa akin kung bakit siya umalis ng walang paalam. I'm sorry pero hindi ako katulad mo 'ma. Hindi ko siya kayang patawarin ng ganoon ganoon na lang. I need his explanation, at kapag hindi niya binigay yun. I won't talk to him hanggang sa mawala ako." "Cance," she said using her warning tone. Tumayo ako saka mabilis na sinukbit ang bag ko sa aking balikat. "Aalis na ako," saad ko saka nagdire-diretso palabas ng bahay. That old man, ang kapal ng mukha. My father and I are obviously not in the good terms. He left us when I was 11 to pursue his dreams at natupad niya naman iyon but in return, nawala kami sa kaniya. And I blame him for that. Then one day, a divorce paper came to our house at doon namin nalaman na may iba na pala siyang kinakasama at may tatlong taong gulang na anak siya sa States. I hated him more since that day and I swore to myself na I won't acknowledge him as my father kasi hindi niya deserve yun. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko at may nakapa akong basa. Umiiyak ako? No, it's just a rain. Tumingala ako saka sinalubong ang bawat patak ng ulan pero ilang sandali pa ay nawala ito. Binuksan ko ang mata ko at nakita ko ang payong na pumo-protekta sa akin laban sa ulan. "Wala ka sa k-drama, wag kang ganiyan." Pinanlisikan ko siya ng mata saka sinuntok sa sikmura. "Panira ka, alam mo yun?" he chuckled habang hawak yung sikmura niya bago tumuwid ng tayo. "Cutting?" "Tara," sagot ko saka umiba ng daan na dapat sana ay patungong school. Tinungo namin ang playground na malapit sa subdivision namin. Walang mga bata ngayon dahil kakatila lamang ng ulan. Hinubad niya yung jacket niya saka inilagay sa swing na uupuan ko then umupo siya sa swing na nasa tabi nito. "So, anong nangyari?" "Chismoso," wika ko saka siya inirapan. "My father called, which is weird dahil parang nakatanggap kami ng tawag sa taong patay na. Imagine? Ilang years kaming walang balita sa kaniya tapos bigla siyang tatawag saka sasabihing gusto niya akong makausap?" I ranted but he just sat beside me patiently listening to my rants. Ilang mura na ang lumabas sa bibig ko at ilang sumpa pa ang binitiwan ko bago tuluyang tumigil. Nakakapaos palang maglabas ng sama ng loob. "Feeling better now?" he asked. "Medyo," sagot ko saka nagkibit balikat. "Okay, anong magagawa ko para medyo gumaan naman ang pakiramdam mo?" I pouted saka nagisip ng mabuti. "Sing for me?" "No problem." He smiled then he cleared his throat. 'I won't lie to you I know he's just not right for you And you can tell me if I'm off But I see it on your face When you say that he's the one that you want And you're spending all your time In this wrong situation And anytime you want it to stop' Ipinikit ko ang mata ko habang dinadama ang malamig na hanging humahampas sa aking mukha at pinapakinggan ang pagkanta niya. 'I know I can treat you better Than he can And any girl like you deserves a gentleman.' Napakunot ang aking noo nang bigla siyang tumayo saka inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Nagtataka man ay inabot ko iyon pagkatapos ay napatili ako dahil sa biglaan niyang paghila sa akin patayo. 'Tell me why are we wasting time On all your wasted cryin' When you should be with me instead I know I can treat you better Better than he can.' He held my hand samantalang ang isang kamay niya naman ay nakapatong sa bewang ko na para bang nagsasayaw kami. I chuckled saka sinakyan na lamang ang kalokohan niya. We dance there, in the middle of the playground sa ilalim ng madilim na kalangitan. 'Better than he can.' I froze when he suddenly rested his chin on my shoulders. Pagkatapos ay naging slow dance ang sayaw namin. 'Give me a sign Take my hand, we'll be fine Promise I won't let you down.' Hindi ako makahinga, sa tingin ko ay sasabog na ang puso ko dahil sa kung anong hindi malamang dahilan. I just stood there and stare at nothing with a wide opened eyes. 'Just know that you don't Have to do this alone Promise I'll never let you down.' I suddenly wondered, naririnig niya kaya ang malakas na pagtibok ng puso ko? 'Cause I know I can treat you better Than he can And any girl like you deserves a gentleman.' He whispered the lyrics of the song on my ear na nagpataas ng mga balahibo ko. 'Tell me why are we wasting time On all your wasted cryin' When you should be with me instead I know I can treat you better Better than he can.' And at that moment I already knew that I can't stop this feelings anymore and this is dangerous... Very dangerous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD