Chapter 3
Malayo pa lang ay rinig ko na ang malakas na tugtog ng drums ni Zacharias at ang electric guitar ni Keene. I bit my lower lip habang dahan dahang binubuksan ang pintuan ng rehearsal room ng University playlist dito sa school. Oo may sarili silang rehearsal room dito sa school, pa-VIP ang mga puta.
Bitbit ang dalawang box ng pizza na binili ko kanina bago ako dumaan dito ay dahan dahan akong pumasok sa loob saktong tapos nilang mag-rehearse. Nginitian ko sila ng malaki habang gulat naman silang bumaling sa akin, especially sa pizza na dala ko. Malakas akong pumalakpak saka inilapag ang pizza sa upuan malapit sa stage saka sila nilapitan.
"Ang galing niyo s**t, no wonder kung bakit padami ng padami yung mga fans niyo." Panguuto ko sa kanila bago bumaling kay Keene na nakasimangot habang pinapasok sa case yung electric guitar niya.
May kasalanan ako dito eh, well not totally because this is supposed to be a good news. Nililigawan na kasi ako ni Mike since last week, can you believe that? Dati, nanunuod lang ako sa kaniya habang nagba-basketball siya ngayon nililigawan niya ako.
Pero itong Keene na ito, napaka-KJ. Siya ang may pinaka-ayaw na ligawan ako ni Mike. And it pisses me off I mean, buhay ko 'to. I'll live my life the way I want to. Kaya ayun, nag-away kami.
"Wow, pizza!" And as expected, unang lumamon si Zacharias. Lumapit naman sa akin si Yhann saka idinantay ang kamay niya sa noo ko.
"Wala ka namang sakit, but what's with the pizza? May dapat ba tayong i-celebrate?" Tanong niya. Pinalis ko ang kamay niya saka tinignan siya ng masama.
"People change." Singit ni Zyd habang lumalamon na rin ng pizza.
"Ayaw niyo ba? Akin na nga yan." Naiirita kong saad saka akmang kukunin na yung pizza pero tinapik na Zacharias ang kamay ko.
"Hindi. Gusto namin, gustong gusto." Saad niya saka binalingan ang mga kasama. "Shut up na lang kasi kayo. Minsan na nga lang 'to eh." I just rolled my eyes saka nilapitan si Keene na tahimik lang kagaya ni Zachariah na kumakain ng pizza sa sulok habang nakatingin sa phone niya.
"Yow!" Hindi niya ako pinansin at sinukbit lang ang strap ng lagayan ng gitara niya sa kaniyang balikat. Ngumuso ako saka humarang sa daanan niya. "Bati na tayo, please?" I said cutely. He just sighed na lihim kong ikinangisi. Kaunting tulak na lang dito bibigay na 'to.
"I'll forgive you, but first, para saan ang pizza? I know you at alam mong hindi ko magugustuhan ang sasabihin mo ngayon kaya nagdala ka niyan." Sometimes I hate the fact that he knows me too well. I took a deep breath.
"Okay, fine." Iniwas ko ang tingin sa kaniya habang nilalaruan ang daliri ko. "Balak ko na kasing sagutin si Mike mamaya."
"WHAT?!" Sabay sabay nilang sabi. Binitawan nila ang mga pizza nila saka ako pinalibutan.
"Aray ha, sabayang pagbigkas? Kailangan sabay sabay?" Saad ko habang nakahawak sa tenga ko.
"What the hell are you thinking, Cance? One month mo pa lang siya nakikilala tapos sasagutin mo na agad?" Saad ni Yhann.
"Yeah, at isang linggo pa lang siyang nanliligaw sayo." Saad ni Zachariah na himalang nagsalita.
"Teka, mga pakening s**t kayo. Pagsalitain niyo muna kasi ako!" I cut them off dahil lahat sila ay may gustong sabihin. They're overprotective, and I understand them. Simula nang buo-in nila ang banda ay kasama na nila ako dahil madalas kaming magkadikit ni Keene kaya naging barkada ko na rin sila. Kumalma naman sila pagkatapos kong sabihin iyon.
"Alam kong kaka-kilala ko lang sa kaniya. But, we have a different mind and perspective, for me you can't know a person too well so what's the point of 'getting-to-know-well' stage. Kung magiging boyfriend ko siya ngayon, everyday na magkasama kami doon ko siya makikilala nang makikilala. We have a lifetime for that thing." Paliwanag ko.
"Nonsense!" Saad ni Zacharias. Habang si Zyd naman ay tahimik lang kaming pinagmamasdan habang pinapakalma sila Zacharias.
"Paano kung saktan ka niya?" Tanong ni Yhann.
"Then, I'll let you break his skull. Simple as that." Nilingon nila si Keene na para bang humihingi ng tulong. I crossed my arms saka siya tinaasan ng kilay.
"Hayaan niyo siya. Malaki na 'yan, alam niya na ang ginagawa niya." Simpleng saad niya saka naglakad na palabas ng rehearsal room.
He's angry, I know.
------
"Huy!"
"Ano?!" Inis kong inilapag ang phone ko nang marinig ko ang tinig ni Jack, isa sa mga girl friends ko. Of course hindi lang sila Keene ang kaibigan ko dito, I have two girl friends si Jackie pati si Rouge.
"Woah, geez. Kalma." Jack said. Kanina pa kasi ako nanggigigil dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagr-reply si Mike sa text ko. It's been two months, and these past few days ay napapansin kong patagal ng patagal ang pagr-reply niya. Minsan ay kina-cancel pa niya anh dates namin at ang dahilan niya ay busy daw siya dahil malapit na ang finals at kailangan niyang mag-practice ng maigi.
I want to be an understanding girlfriend pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga siya maintindihan. It's just for a second, oo at hindi lang ang sagot sa tanong kong 'kumain ka na ba' tapos hindi niya pa masagot.
"Sila Yhann oh." Nginuso ni Rouge sila Yhann na naghahanap ng table pero hindi ko makita si Keene.
Speaking of Keene, isa pa iyon eh. Minsan ay sumasabay ako sa kanila mag-lunch. Pinapansin naman nila ako pero si Keene, parang hangin lang ako sa kaniya na ikinaka-inis ko. Bakit ba kasi hindi na lang niya tanggapin?!
Nabaling sa amin ang atensyon nila Yhann at dahil wala na silang mahanap na table ay sa amin sila naki-upo.
"Bakit nakasimangot ka na naman?" Tanong ni Zyd sa akin pagkaupong pagkaupo nila.
"Lagi namang nakasimangot yan eh." Inungusan ko si Zacharias nang umepal na naman siya. Prinotektahan niya naman ang ulo niya laban sa kamay kong nakataas na.
"Pero seryoso, may babasagin na ba kaming bungo?" I tuned them down saka binuksan ang phone ko.
'Kumain ka na ba?'
'Hello?'
'Nagp-practice ba kayo?'
'Alright, hindi na kita i-istorbohin.'
'Kumain ka ah, wag magpapalipas ng gutom.'
'I miss you.'
'Practice well.'
Nagningning ang mata ko nang mag-notify ang phone ko na sumagot na siya at halos maibato ko ang phone ko dahil sa reply niya.
'Oo'
Putang ina, sunod sunod yun. Tapos oo lang ang reply niya? I greeted my teeth in annoyance. Padabog akong tumayo saka walang sabi sabing umalis sa table namin. I need to breath dahil konting-konti na lang talaga at mapapatid na ang pasensya ko.
Napag-desisyunan kong tumambay muna sa rooftop pero napahinto ako nang makitang nagkakagulo sa field. Hinila ko sa kuwelyo ang isang lalaking nakikichismis para magtanong.
"Anong nangyayari?"
"Si Keene saka si Mike, nagsusuntukan." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at agad akong nakipagsiksikan. Pumagitna ako sa dalawa nang marating ko ang kinaroroonan nila.
"What the hell are you doing?" I asked them pero ang tingin ko ay kay Keene na may sugat sa gilid ng bibig.
"Itanong mo diyan sa best friend mo. Basta basta na lang nanunugod." Saad ni Mike na may cut naman sa kilay at may pasa sa pisngi.
"Keene!" I shouted his name. Inalis niya ang kamay ko na pumipigil sa dibdib niya saka dinuro si Mike.
"Wag mo na ulit ipapakita yang mukha mo sa akin, gago ka."
"Keene!" Sigaw ko ulit para bigyan siya ng warning. His eyes bore on me saka iniwas niya ang tingin sa akin. Tinignan niya muna ng matalim si Mike bago umalis.
"What's wrong with him?" Nakakunot noong tanong ni Mike bago bumaling sa akin. "Pagsabihan mo yang kaibigan mo." He said saka naglakad paalis.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Ano na naman bang kaguluhan ito?