Chapter 2
"CANCEEEE!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na sigaw ni mama mula sa ibaba. I hissed saka muling ibinagsak ang sarili ko sa kama at tinakluban ng kumot ang sarili.
"CANCCCEEE!" Sunod don ay ang sunod sunod na pagkatok sa pintuan ng kuwarto ko.
"Ma! Sabado ngayon, wala kaming pasok!" Naiirita kong sigaw.
"Oh, eh ano naman? Kaya buong araw ka na lang hihilata diyan at wala ng gagawin? Aba! Tumayo ka diyan bago pa kita mahampas ng dos por dos." Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo habang nakapikit ang mata bago ako bumaba sa kama ko at tinungo ang bintanang hindi ko pala naisara kagabi.
Tinaasan ng kilay si Keene na nasa harapan din pala ng bintana ng kuwarto niya habang nagt-tooth brush at walang saplot pang itaas, may nakasampay na towel sa balikat niya.
Kung isa ako sa mga fans niya at ganiyan ang bumungad sa akin pagkagising ko ay baka nagtititili na ko pero hindi eh, araw araw ko ng nakikita yan. Nakakaumay na nga.
Magkatabi lang kasi ang bahay naming dalawa at magkatapat ng bintana sa kuwarto kaya, ayan, pagkagising ko siya agad ang bumubungad sa akin.
"Good morning." Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa toothbrush na nakapasak sa bunganga niya.
"Required bang tumambay sa harapan ng bintana habang nagt-toothbrush?" Tanong ko at nagkibit balikat lang siya. Sandali siyang umalis habang ako naman ay inayos ang mga gamit sa study table ko na kaharap lang ng bintana.
"CANNCCCEEE!" Mariin ko na lamang ipinikit ang mata ko nang marinig ko na naman ang boses ni mama. Minsan naaawa na rin ako sa kapit bahay namin eh. Araw araw ba naman nilang naririnig ang sigawan namin.
"PABABA NAAAAA!"
"Bumaba ka na kasi." Nilingon ko si Keene na nakabalik na pala at ngayon ay wala na siya tooth brush sa bibig pero wala pa rin siyang damit paitaas. Sinimangutan ko siya.
Takot yan kay mama eh. Paano kasi, mga 11 or 12 years old yata ako nun. Inutusan akong bumili ni mama ng toyo sa tindahan sa kanto. Tapos nakita ko siya, kasama sila Zacharias at Zachariah na naglalaro ng pogs kaya nanuod muna ako tapos kalaunan nakisali na ako hanggang sa nakalimutan ko na yung inuutos ni mama.
Kaya ayun, galit na galit si mama na lumabas ng bahay dala yung hanger tapos hinampas ako sa puwet sa harapan nilang tatlo. Simula non, takot na kay mama halos lahat ng bata sa street namin.
"Sino ka para utusan ako?" Masungit kong saad.
"Ang pinakaguwapo mong best friend." Sagot niya sabay kindat. Napangiwi ako dahil doon saka walang sabi sabing tinalikuran siya.
Nakakapangilabot talaga mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaking iyon.
"Pagkatapos mong kumain dumaan ka sa puregold, nauubusan na tayo ng stock." Tinanguan ko na lang si mama habang naghuhugas siya ng plato at kumakain naman ako. "Si Keene ba," pinunas niya yung kamay niya sa towel bago humarap sa akin. "Nobyo mo ba siya?"
Nabilaukan ako dahil sa tanong niya at agad niya naman akong inabutan ng tubig. Puta, san galing yun?
"Ma! Hindi! Jusko naman." Iritado kong wika sabay sunod sunod na umubo.
"Aba'y bakit hindi? May hitsura naman ang batang iyon. Ayaw mo sa magandang lahi?"
"Maganda nga lahi, balahura naman. Alam niyo bang kinakain n'on kulangot niya?" Joke lang yung huling sentence pero dahil si mama ang kausap ko, siyempre sineryoso niya.
Nakita kong napangiwi siya bago bumalik sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung good thing yun o bad thing. Good thing kasi hindi na niya ako guguluhin at bad thing para kay Keene. But well, wala akong balak bawiin, bahala siya sa buhay niya.
"Alis na ako 'ma." Paalam ko habang suot ang over sized shirt at jogging pants na PE uniform pa ni ate nung highschool siya.
Pagkabukas ko ng gate ay saktong binuksan din ni Keene ang gate nila.
"Seriously? May mata ka ba sa loob ng bahay namin?" Tanong ko habang papalabas ako. Nagkibit balikat lang siya saka ako inakbayan.
"San ka pupunta, best friend?" Tanong niya, I snorted saka tinanggal ang braso niya sa balikat ko.
"Punta ako sa impyerno, bibili ng yelo kay satanas. Sama ka?" Sarkastikong sagot ko.
"Bakit kay Satanas pa? Meron naman diyan kay Aling Rosa."
"Paki mo? Gusto ko from underworld eh." Sagot ko saka inikot ang eyeballs ko. Binilisan ko ang paglalakad kaso naalala kong wala pala akong taga-bitbit ng mga bibilhin ko kaya huminto ako saka inosenteng ngumiti sa kaniya.
"May rehearsal pala kami sa bahay nila Zacharias." Saad niya habang nakatingin sa relo niya at akmang aalis na siya nang higitin ko ang braso niya.
"Mamaya na! Samahan mo muna ako." Wika ko habang nagpapa-cute.
"Ayoko, pagbi-bitbitin mo na naman ako ng nga bibilhin mo eh." Saad niya habang pilit na binabawi ang braso niya.
"Konti lang 'to, promise! Halika na kasi!" I said while groaning dahil wala talaga siyang balak sumama sa akin. "Lilibre kita ng limang pisong kwek-kwek!"
"Ayoko pa rin!"
"Sampung piso!"
"Ayoko!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil mukha kaming tangang nagsisigawan saka naghihilaan
"Fine! Fries saka sundae sa Mcdo, pisti ka!" Tumigil siya sa pagpiglas saka inakbayan ako.
"Sabihin mo muna 'please, master'." Tinignan ko siya ng masama saka siniko sa sikmura bago nagdadabog na naglakad palayo sa kaniya.
"Hoy!" Rinig kong tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Bahala siya mapaos diyan.
------
"Puwede ba? Ibaba mo nga yan! Lagay ka ng lagay eh wala naman sa listahan yang pinaglalalagay mo." Iritado kong saad habang masama ang pagkakatingin kay Keene.
Oo, sumama pa rin siya. Alam ko namang hindi ako matitiis niyan.
"Bakit ba? Ako naman magbabayad niyan eh."
"Kumuha ka ng basket mo dun. Taragis ka!" Napakamot siya sa ulo niya bago umalis para yata kumuha ng sarili niyang basket.
Magic sarap √
Mga de lata √
Pancit canton √
Lucky me noodles √
Manok √
Baboy √
Ano pa ba?
Busy ako sa pagc-check ng mga pinamili ko nang may mabangga ako.
"Sor--" natulala ako nang makita ko kung sinong nabangga ko. Si Mike!
"Hi." Nakangiting bati niya. Shocks! Anong toothpaste kaya gamit niya at ganiyang kaputi ang ngipin niya. And please, don't start with the dimples, tae ang lalim!
"H-hi."
"We met again." I just laugh awkwardly dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Great, hindi ko pa pala natatanong kung anong number mo. So, can I get your number?"
Parang gusto kong maglupasay sa malamig na tiles ng puregold pero pinigilan ko ang sarili ko. Kalma. Kalma Cance.
Inabot niya sa akin yung phone niya na agad ko namang kinuha saka t-in-ype doon yung number ko.
"Cance! Look may tinda silang choco-cho--" parang batang saad ni Keene habang hawak pa yung isang plastic ng choco-choco. Nawala ang ngiti niya nang makita si Mike saka dali daling umakbay sa akin.
"Boyfriend?" Tanong ni Mike.
"Yes / Hindi." Tinignan ko nang masama si Keene dahil sa 'yes' na sagot niya.
"Bakit? Boyfriend, lalaking kaibigan." He said na para bang sinasabing 'obvious ba?' Bago niya maangas na tinignan si Mike. "Type mo ba 'to?" Tukoy niya sa 'kin. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran pero ni hindi man lang siya naapektuhan.
Bahagyang namula ang mukha ni Mike saka napakamot sa batok niya.
"Yeah, I mean, she's pretty." Parang gusto kong gumulong gulong sa sahig. Putang ina! Pengeng oxygen! "Paano? I'll call you later." Paalam nito habang winawagayway ang phone niya sa harapan namin na tinanguan ko lang.
Nang masiguro kong wala na talaga siya sa loob ng puregold ay malakas akong tumili saka pinaghahampas ang braso ni Keene na napapangiwi na lang.
"Kinilig ka na don?" Nakasimangot niyang saad.
"Si Mike yun, Keene! Yung crush ko sinabihan ako ng maganda, putang ina!" Patili kong saad habang niyu-yugyog yung braso niya. "I can feel it! My love life is coming." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Alam mo bang ilang beses ko nang narinig mula sa yo iyan at alam mo bang sa tuwing naririnig ko yan ay lagi kang umiiyak sa bandang dulo?"
"Iba 'to! Nararamdaman ko na siya na." He rolled his eyes saka malakas na bumuga ng hangin.
"Bahala ka." Napanguso ako nang marinig ko ang iritasyon sa boses saka niya itinulak ang lagayan ng mga pinamili ko at nauna na sa counter.
Well, a woman can hope...
Right?