Chapter 21 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV “Sonata—” Napaigtad si Loise nang bigla siyang hawakan nito sa braso, mahigpit at mariin, bago mabilis na hinila papasok sa loob ng silid. “Nasaan ang baril mo?” mababang tanong ni Sonata, halatang kinakabahan pero pilit pinapakalma ang boses. Napakurap si Loise. “Tinago ko na… why?” Suminghap si Sonata, lumapit pa at sinigurong nakasara ang pinto. “Hindi nila puwedeng malaman na pareho tayong may baril dito. Kapag nahanap ‘yon ng mga pulis—lalo tayong mapapahamak at baka paghinalaan tayo.” Nanigas si Loise. Kanina lang, nag-aalmusal siya at sinusubukang maging normal ang araw. Pero may mga taong ayaw silang patatahimikin at mas lalo lang gumugulo ang lahat.Hindi na niya naiintindihan ang nangyayari. Kumatok

