bc

Assassin: Kisses and Killshot

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
revenge
HE
brave
gangster
bxg
mystery
pack
like
intro-logo
Blurb

Assassin: Kisses and Killshot

Sonata/Ren Reyes is a cold, highly trained assassin, flawless in every mission, with no room for emotions. But everything changes when his next target is Loida/Loise Santiago, a woman with a mysterious past and secrets powerful enough to unravel Sonata’s world.

As he struggles to finish his assignment, Sonata finds himself drawn into a dangerous game—not just of life and death, but of heart and desire.

In a world where every kiss could be a trap and every killshot might be the last, Sonata and Loida/Loise must decide: will they risk everything for trust and love, or let betrayal write the final chapter of their story?

chap-preview
Free preview
A heart Caught Between
Chapter 1 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person Point of View "Really, Loise? Gagawin mo talaga ’yan for the sake of love?" Halos lumuwa ang mga mata ni Tate, ang matalik na kaibigan ni Loise, habang pinagmamasdan ang hawak nitong lingerie. Napadilat siya nang husto kaya napasimangot si Loise at sumandal sa kanyang swivel chair. Loise, o mas kilala sa palayaw na Loida, ang tawag sa kanya ng karamihan noong panahong nasa Mossy Village pa siya. Ang palayaw na iyon ay pinaikling bersyon ng buong pangalan niyang Loise Danielle Montano. Galing siya sa isang maimpluwensyang pamilya, ngunit dahil sa pagiging pasaway at walang pakialam sa mga panuntunan ng kanilang lipunan, itinaboy siya ng kanyang mga magulang. Doon niya nakilala si Tate—mabait at masayahing babae na ngayo’y happily married na sa isang mayamang lalaki na si Jacob. Sa kasalukuyan, aalis si Tate papuntang Rome kasama ang pamilya nito upang magbakasyon. Kaya naman, dumalaw ito ngayon sa opisina ni Loise para magkita sila bago ang biyahe kinabukasan ng madaling araw. "So, ano sa tingin mo? Mabibighani na kaya sa akin ang ‘prince charming’ ko?" may pilyang tanong ni Loise habang pinapakita ang lingerie sa kaibigan. "Ang tanga mo talaga. Oo naman, sa sexy mong ’yan. Pero ang tanong ko—para kanino mo ba gagamitin ’yan?" balik-tanong ni Tate na may halong inis at pagtataka. Napatawa lang si Loise. Wala talaga siyang balak sabihin kung para kanino ang sexy lingerie na iyon, lalo na’t siguradong pagtatawanan lang siya ni Tate. Kaibigan niya ito, oo, pero hindi niya kayang ibunyag dito kung sino talaga ang tunay na laman ng kanyang damdamin. “Some guy… nakilala ko noong nasa Boracay ako,” kasinungalingan niya habang umiwas ng tingin. "Huh? Kakakilala niyo lang tapos naghahanda ka na para sa ganyang bagay?" litong-lito na si Tate, at lalo lang siyang naguluhan sa kinikilos ng kaibigan. Napailing si Loise habang natatawa. Si Tate kasi, kahit may asawa na, ay medyo naïve pagdating sa mga mas bulgar na usapan. Hindi tulad niya—si Loise na lumaki sa siyudad at exposed sa mga modernong ideya. Virgin man siya, hindi siya inosente pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa s*x. Bagama’t marami na siyang naging boyfriend noon, mabilis siyang magsawa. Hindi siya pumapayag na mapunta sa sitwasyong labag sa prinsipyo niya. Kaya kahit pa kilala siyang liberated, may linya pa rin siyang hindi tinatawid. Pagkatapos ng ilang minuto ng biruan at tawanan, tumayo si Tate at inayos ang kanyang shoulder bag. "Ay naku, kailangan ko na ring umalis. May dinner pa kami mamaya with Jacob’s family. But promise me one thing, Loise..." sabay hawak sa magkabilang balikat ng kaibigan, "...kung sakaling magkalokohan man kayo ni ‘Boracay guy’, gamitin mo yang utak mo, ha? Hindi puro puso lang." Ngumiti si Loise at tumango sa matalik na kaibigan. “Oo naman. Basta ikaw pa, nanay ko?” pabirong sagot niya sabay tawa.Niyakap niya ito. "Good. I’ll miss you, bes." Saka siya niyakap ni Tate ng mahigpit din. "I’ll miss you more. Ingat sa flight niyo, ha? Send pics, lalo na pag nasa Trevi Fountain na kayo. Sabihin mo kay Jacob magpadala ng gelato." biro niya dito. Tumawa naman si Tate bago ito bumitaw sa kanya. Matapos ang maikling pamamaalam, naiwan si Loise mag-isa sa kanyang opisina. Napatingin siya sa lingerie na nakapatong pa rin sa desk niya. Kinuha niya ito at tiningnan nang matagal. “Para sa kanya ‘to…kailangan na kitang kalimutan Sonata” Sa wakas, inamin na rin niya sa sarili kung para kanino talaga ang inihandang panibagong bersyon ng sarili niya. Flashback – Boracay, Tatlong Linggo ang Nakalipas Ang araw ay papalubog na nang unang masilayan ni Loise si Rafael Salazar—isang mysterious na lalaking mukhang business traveler, tahimik, at laging nagbabasa habang nakaupo sa veranda ng hotel kung saan sila parehong naka-check-in. Hindi niya ito pinansin noong una, pero noong aksidenteng nagtama ang kanilang mga mata sa coffee shop kinabukasan, may kung anong init na bumalot sa kanyang dibdib.Gusto niya itong lapitan ngunit nag-aalangn siya dahil sa kanyang puso nandoon pa rin ang lalaking unang bumihag dito. Matangkad si Rafael, moreno, laging naka-button down shirt kahit mainit ang panahon. May kakaibang klase ng presensya—hindi basta gwapo lang, kundi may lalim. At sa hindi inaasahang pagkakataon, naging madalas ang pagkikita nila sa mga common area ng hotel—sa buffet, sa pool, sa lobby. Hanggang sa siya na mismo ang nagbiro. "Parang lagi tayong nagkakabanggaan. Baka stalker ka." maharot niyang tanong dito. Ngumiti lang si Rafael noon. “O baka naman tadhana lang.” Kasalukuyan Muli siyang napangiti habang naaalala ang mga palitan nila ng tingin, ang mga pag-uusap nila habang naglalakad sa tabing-dagat, at ang huling gabi nila sa Boracay. Walang halikan. Walang touchy moments. Pero may tension. At bago sila naghiwalay, iniabot ni Rafael ang isang business card. “Kung sakaling seryoso kang alamin kung sino talaga ako... tawagan mo ako.” Pero hindi pa rin niya ito tinatawagan hanggang ngayon. Ang totoo, kabado siya. Kasi habang nasa Boracay siya, walang ibang Loise. Doon, naging Loida siyang totoo—walang pamilya, walang expectations, walang galit, walang gulo. Pero dito sa Maynila, sa mundo niya, ibang tao siya. "Ready na ba talaga ako sa kanya?" tanong niya sa sarili habang inikot ang lingerie sa kanyang mga daliri. Hindi siya sigurado, dahil sa pagiging baliw niya kay Sonata gusto niyang magpagamit sa ibang lalaki para makalimutan niya ito.Pero isang bagay ang alam niya ngayon—si Rafael Salazar ang lalaking gusto niyang subukan. Kahit pa isang malaking what if lang siya. Pagkalipas ng halos kalahating oras mula nang umalis si Tate, nanatili pa rin si Loise sa kanyang opisina. Tahimik. Nakatitig sa cellphone habang pinipigilan ang sarili. Sa mesa, nasa tabi ng telepono ang business card ni Rafael. Kulay itim ito, may simpleng font, walang kahit anong logo o design—“Rafael S. Salazar – Private Consultant” at isang mobile number sa ilalim. “Private consultant, huh…” bulong niya sa sarili. “Bakit parang hindi ako kumbinsido?” Bumuntong-hininga siya. Dinampot ang card. Tumingin ulit sa kanyang phone. Inilagay ang numero. Hinintay. Ring. Ring. Ring. "Hello?" Isang malalim na boses ang sumagot. Pamilyar. Tahimik muna si Loise, saglit na natigilan. "Uhm... Hi. Rafael? Si Loise ito. Loise Montano... from Boracay?" "Of course, I remember." Maiksing sagot, pero ramdam niya ang bahagyang tuwa sa boses ng lalaki. Napangiti si Loise. "Well... I wasn’t sure if you’d answer. It’s been three weeks." "Actually, I was wondering if you ever would," sagot nito, mas malambing na ngayon. "Well, here I am. Tumatawag." "That makes me glad," sagot ni Rafael. “Are you free for dinner tonight?” Nabigla siya. “H-ha? Tonight?” "Why wait any longer?" sagot ni Rafael. “I’ll send a car to pick you up. Just send me your address.” Wala ng nagawa pa si Loise kundi sumunod na lamang.Gabi na nang dumating ang isang matte black na SUV sa harap ng condo ni Loise. May driver na nagbukas ng pinto para sa kanya at hindi siya mapakali sa kaba. Naka-bodycon black dress siya, sakto lang ang haba, may slit sa gilid. Hindi siya mukhang naghanda, pero sa loob-loob niya, todo effort iyon para sa isang “not a date.” Pagdating sa restaurant, isang private rooftop fine dining place sa BGC ang pinuntahan nila. Walang masyadong tao. Tahimik, classy, exclusive. Nandoon na si Rafael. Nakatayo, nakasuot ng navy blue suit. Hindi pormal na pormal, pero sapat para mapansin ang tindig at karisma nito. Sa ilaw ng mga hanging lights sa terrace, mas lalo pa siyang naging misteryoso. Tumayo si Rafael at binati siya ng isang banayad na ngiti. “You look stunning,” ani Rafael habang hinila ang upuan para sa kanya. “Thanks. Akala ko kasi burger lang at fries ‘tong dinner natin,” pabirong sagot niya. Tumawa si Rafael. “Next time. Gusto ko lang mas maayos ang setting ngayon. I have a feeling, marami tayong kailangang pag-usapan.” Napakunot ang noo ni Loise. “Like what?” Tumigil si Rafael, tinitigan siya saglit. “Like… who I really-” Hindi sinadyang napalingon si Loise sa kabilang mesa at muntik na siyang masamid sa iniinom niyang tubig ng mamukhaan ang isang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan at madilim ang tingin sa kanila. Si Sonata! Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.9K
bc

SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX WIFE (TAGALOG)

read
16.8K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
98.4K
bc

Dangerous Spy

read
323.3K
bc

SILENCE

read
394.2K
bc

YOU'RE UNDER ARREST, MR. Z: MAFIA LORD SERIES 10 ( SPG R-18)

read
57.8K
bc

DON'T TOUCH ME: AGENT SERIES 21 (R-18 SPG)

read
41.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook