Chapter 2
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Third- Person POV
Biglang nawala ang kulay sa mukha ni Loise nang makita si Sonata, ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita ngunit bigla-bigla na lang sumusulpot sa paningin niya. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa baso at agad tinungga ang alak na nasa kanyang kopita.Inisang lagok niya ang tequilla kaya napangiwi siya ng naramdaman ang init ng hagod nito sa kanyang lalamunan.
"Hey, are you okay?" tanong sa kanya ni Rafael, na halatang napansin ang pagiging aligaga niya.Bukod kasi na bigla siyang nabalisa ramdam din niya ang nginig ng kanyang tuhod na wari ba tila nanlambot ito.Pero tumango pa rin siya kay Rafael at pinunasan ng table napkin ang gilid mg kanyang bibig.
"Yeah, I’m okay," nakangiting tugon niya habang ibinaling ang tingin muli sa mesa kung saan niya nakita si Sonata. Ngunit nang sumulyap siya muli sa sulok kung saan niya nakita si Sonata kanina, ay wala na ito—parang bula na lang na bigla na naman naglaho ang lalaki. Hindi na siya nagtaka pa, lalo na’t kilala niya ang isang kagaya ni Sonata. He is very secretive—hindi lamang ito tahimik na tao, kundi isa ring dakilang mandirigma sa tribo nito na dati niyang napuntahan, kung saan ang kaibigan niyang si Tate ang tunay na tagapagmana ng isang village kung saan nakatira ang mga katribo at kamag-anakan nito.Nang namatay kasi ang lolo ni Tate na si Datu Liway isang taon na ang nakalipas ay kanyang kaibigan na ang tumayong kataas-taasang tao sa buong lugar.
Bumilis bigla ang t***k ng puso ni Loise nang maalala kung paano sila unang nagkakilala ni Sonata tatlong taon na ang nakararaan. Hindi na niya inakalang matapos ang gulo sa Mossy Village noon ay kasabay nitong mawawala ang lalaki. Kaya kahit hinanap-hanap niya ito noon, ni anino nito ay hindi na niya nasilayan pa. Kaya naman sobrang nagulat siya nang mahagip ang titig nito kanina sa sulok—matiim, matalim, at tila may nais iparating.
Parang may humaplos na malamig na hangin sa batok ni Loise, dahilan para maramdaman niyang may mga matang nakamasid pa rin sa kanya kahit wala na si Sonata sa sulok. Pinilit niyang ibalik ang atensyon sa kausap, ngunit ang isip niya ay humahagilap sa paligid, nagbabakasakaling muli niya itong makita.
“Loise…” tawag muli ni Rafael, medyo nag-aalala. “You look pale. Gusto mo bang umuwi na?”
Umiling siya. “No… I’m fine,” bulong niya, ngunit ang tinig ay halos hindi lumabas sa kanyang bibig. Sinubukan niyang ngumiti, pero alam niyang hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
Sa gilid ng kanyang paningin, may kumislap n parang liwanag na dumaan sa salamin ng bar. Mabilis siyang napalingon, at doon niya nasilayan, sa kabila ng makapal na usok at ilaw ng neon, ang isang anino na kumikilos palayo. Alam niya agad… si Sonata iyon.Kilalang-kilala niya ang lalaki kahit pa yata nakatalikod pa ito ng malayo.
Hindi na siya nag-isip. Tumayo siya mula sa mesa at nagmamadaling sumunod, iniwan si Rafael na nagtataka. Puspusan ang hakbang niya, halos takbo na, habang tinutunton ang pasilyo sa likuran ng bar. Ang mga pintuan ay bukas-sara habang dumadaan siya, at ang hangin ay lalong lumalamig.Kailangan niya mahabol ang lalaki.Hindi niya alam kung anong pumasok sa kanyang isip ngunit kailangan niyang makausap ito.Bahala na!
Pagdating niya sa maliit na pintuang bakal na palabas, naroon ito ngunit nakatalikod, nakasuot ng itim na leather Jacket at fitted Jeans na may mga butas-butas pa, at nakatingala sa maulap na langit.
“Sonata…” tawag niya, halos pabulong pero dama ang panginginig sa tinig.
Dahan-dahan itong lumingon, at doon niya nakita ang parehong mata na noon ay takot siyang salubungin ito.Malalim, matalim, at may dalang alaala ng nakaraan. Ngunit may bago roon ang malamig tipong titig na kailanman ay hindi nakitaan ni Loise ng emosyon.
“Loise,” wika nito, mababa at malamig. “Hindi mo dapat ako sinundan pa.”
Loise couldn’t speak; her eyes were fixed on Sonata. She was afraid to let her voice out, worried that he might not like what she would say and, just like before, might only get angry at her.
"Bumalik ka na sa loob, baka hinahanap ka na ng kasama mo" he said.
Hearing those words made Loise blink rapidly.
“I haven’t seen you for the last three years. Where have you been?” she asked, as if he had committed a great offense against her.Alam niyang wala siyang karapatan para tanungin ang lalaki pero hindi niya napigilan ang sarili niyang usisain ito.
“Sa tingin mo bakit ko sasagutin ang tanong mo na iyan?” he replied, countering with a question of his own.
She chuckled and crossed her arms, studying his appearance. Well… same Sonata. The hot but mysterious Sonata she had always known, tall, tan-skinned, with a well-defined nose. In short, a good-looking guy who could turn heads anywhere he went. Except for his long hair tied back, nothing had really changed. He had always been like that; she had never seen him with a clean haircut, so she was used to this long-haired Sonata—looking almost like a cartoon assassin character.Wala siyang alam sa lalaki at ni minsan hindi niya narinig ang tungkol sa pamilya nito.
“Well, of course you didn’t even care to answer. You never really cared, even before,” she teased.
She noticed his brows furrow as he stared at her intently. She didn’t break eye contact, and it was he who finally looked away first.Kaya lihim na nagwagi ang kaloob- looban ni Loise.
“Kailangan ko makita si Tate kaya bumalik ako,” he said.Short but direct to the point.
Loise raised an eyebrow and smiled sarcastically. That’s it! She had been waiting to hear it from him. Of course, Tate’s name would always be on his lips. Why not? He had practically risked his life for her because of how much he loved Tate. That was also one of the reasons why he left the country after Tate married Jacob and he had been deeply hurt.Mahal na mahal nito si Tate at alam ni Loise na kahit siguro sa huling hininga nito si Tate pa rin ang hahanapin ng lalaki.
“Oh, too late, Sonata. My best friend isn’t in the country right now,” she said mockingly.
Gusto niyang asarin ito, gusto niyang mabigo ito, at gusto niyang masaktan ito nang sobra. She hated to do it, but that’s what she wanted, to see him fail, so he would finally wake up to the truth that Tate didn’t love him and would never be his.
Sonata’s jaw tightened, though his face remained unreadable. For a moment, Loise thought he would turn and leave without another word, just like he always used to.
But he didn’t.
Instead, he stepped closer.Kaya sa gulat niya hindi siya nakagalaw.
The faint scent of rain and smoke clung to him, bringing back memories she had buried deep, memories of long nights in Mossy Village, when danger lurked beyond every tree, and Sonata was the only thing standing between her and death.Noon iyon, noong hindi pa ito galit sa kanya.
“Alam ko,” he said simply. “Kahit wala siya alamo ang sagot ko diyan.Kailangan ko pa rin siya makita at makausap,"
Loise gave a short, humorless laugh. “Of course. Even if she’s halfway across the world, you’d still be chasing her shadow.Ganyan ka ka desperate".
His eyes darkened, and in that moment, she couldn’t tell if it was anger or something else, something heavier, something unspoken.
“Iniisip mo bang tungkol pa rin ito sa pagmamahal ko sa kanya?” he asked quietly.
That stopped her cold. She opened her mouth, then closed it again. For years, she had believed his disappearance was because of his heartbreak over Tate. But the way he said those words—sharp, deliberate—sent a shiver down her spine.Ano ang ibig nitong sabihin?
“What is it about then?” she challenged, her voice low.
He didn’t answer right away. Tinitigan lang siya nito at lumagpas ang tingin nito sa unahan kaya napasunod ang tingin niya sa tinitingnan nito at nakita niya si Rafael na nakatayo at nakatingin sa kanila.
" Mukhang hinahanap ka na" narinig niyang sabi nito.
Nilingon niya si Sonata ngunit nakatalikod na ito at naglaho na sa dilim.Hindi niya alam pero parang mag nagsasabi sa kanya na habulin niya ito.This is her kapag kaharap ang lalaki laging nawawala sa sarili.