Chapter 3
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Loise POV-
I was standing in front of my terrace, gazing at the vast skyline of bustling Manila. Mula sa bar kung saan ko iniwan si Rafael, hinabol ko si Sonata, but I was disappointed dahil hindi ko na siya nakita pa. Kaya imbes na bumalik pa, dumiretso na lang ako ng uwi. Kanina pa nga tawag nang tawag si Rafael, but I chose not to answer. I just texted him na nagkaroon ako ng emergency kaya hindi na ako nakapagpaalam. Nakaramdam ako ng konsensya pero ginaslight ko ang sarili ko na tama ang ginawa ko para hindi ko maramdaman ang guilt ko lalo.
Umalis ako sa tapat ng terrace at pumasok sa loob ng kusina. I got my favorite wine and poured it into my glass. I needed to compose myself. Hindi na ako dapat nagpapaapekto sa presensya ni Sonata. All I want to know is kung bakit bumalik ulit ang lalaki. I know may part na tungkol ito kay Tate, but I have this feeling na mas may mas malalim pang dahilan at yun ang gusto kong alamin.Malalim ang pagkatao ni Sonata at kilala ko ito.
I gasped when my phone rang, and I saw the caller was my cousin Hendrick. Kinuha ko ito at pinindot ang answer button.
“Yes, anong kailangan mo?” diretsong tanong ko sa kanya.Sinadya kong magmaldita ng boses ko.
Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya.
“Hey, relax. High blood ka na naman agad,” sabi pa nito. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, umirap ako nang todo. Kilala ko kasi ang lalaking ito, masyadong mapapel sa buhay, kaya minsan off ako sa ugali niya kahit pinsan ko pa siya.
“Anong oras na, saka ka pa tumawag? What do you want?” ulit kong tanong.
Hendrick paused for a moment. I heard him sigh.
“Hey, I just need you to come to my office tomorrow. We have a lot to discuss.”
“You can tell me now kung anong pakay mo. Bakit kailangan mo pang patagalin kung doon din naman tayo papunta?” pang-aalaska ko.
I hissed when Hendrick laughed again on the other side.
“Masyado ka pa ring mapusok, Loise Daniel. Hinay-hinay lang, mas maganda kung nasa harapan tayo ng isa’t isa, facing and judging each other,” matalinghagang sabi nito.
“Back off—”
“I know,” putol niya sa sasabihin ko sana, habang natatawa pa rin siya, para bang inaasar ako. Kaya imbes na mainis pa, minabuti ko na lang tapusin ang tawag. Pinindot ko ang end call bago inihagis ang phone sa sala, saka ako pumasok sa aking kwarto.
Mula sa aking kinatatayuan, lumuhod ako at hinila ang secret cabinet sa ilalim ng kama. Tumambad sa akin ang iba’t ibang klase ng rifles. I gave a small smirk, now I’m one hundred percent sure na may assignment na naman na ipapagawa ang pinsan ko sa akin.Pero matagal na akong umalis sa ganitong trabaho lalo ng nakilala ko si Sonata noon.
Ilang taon na rin ba ako nagpahinga sa ganitong gawain? Hindi na ako humahawak ng kahit anong baril dahil gusto ko nang mamuhay nang mapayapa. But when Hendrick calls, alam ko na agad, siya lang ang taong ayaw na ayaw kong tumatawag dahil sigurado ako na hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.
I closed the cabinet and lumabas ng aking silid. Kinuha ko ang aking kopita, pinuno ulit ng alak, saka ko tinungga nang isang lagukan. Kanina pa ako umiinom and I feel dizzy already, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. That’s why I decided to take a shower.
Nagbabad ako sa bath tub ng ilang minuto bago ako nagpasyang tumayo at magbanlaw. Sinuot ko ang robe ko and walked to my closet. I picked a black dress na hanggang tuhod ang haba. Pinarehasan ko ito ng black heels at nilabas ko rin ang aking mamahaling sunglasses. Tinuyo ko ang buhok ko, at pagkatapos noon ay humarap ako sa salamin.
I saw my reflection on my vanity mirror. This is me without make-up—still beautiful, and I know that. Ilang taon na ba akong nabubuhay mag-isa? I’m living a very independent life, away from my family and friends. Pinanganak akong mayaman pero hindi ko hinangad iyon. Gusto ko lang naman mabuhay ng normal.
Not until my family was murdered 8 years ago and at the age of 18, during my debut. Akala ko masayang kaarawan, pero bangungot pala sa buhay ko. Masaya ang lahat, lalo na ako. Kasayaw ko si Dad, and my last dance was with my brother. Pagkatapos noon, nag-family picture kami, but hindi ko alam na yun pala ang magiging huling picture naming magkasama.
Pinauulan kami ng bala. Halos lahat ng pamilya ko nawala sa akin. Isa ako sa mga nakaligtas mula sa insidenteng iyon.Pero ilang araw pa bago ako gumising dahil sa mga natamo kong sugat sa katawan at nabagok ang aking ulo.
Simula noon, I tried to seek justice pero talagang mailap sa akin ang hustisya...
“Loise, since wala ka nang mga magulang, titira ka sa Tito Wilfred at Tita Mirasol mo. From now on, sila na ang magiging guardian mo.”
Mula sa sala, walang imik na tiningnan lang ni Loise ang babaeng kausap niya. Hindi siya nagsalita at hindi rin nagpakita ng anumang emosyon. Ramdam niya ang hawak sa balikat niya ng kanyang tiyahin, ang asawa ng kanyang Tito Wilfred na kapatid ng kanyang Daddy.
“Hija, kahit nasa saktong edad ka na, kailangan mo pa rin ng guardian. Kaya nandito kami ng Tito Wilfred mo. Welcome ka sa bahay anytime.”
Saka lang siya tumingin at nagbigay ng maliit na ngiti. Para sa kanya, wala siyang balak iwan ang kanilang bahay. Dito lang siya, at hindi niya kayang talikuran ang tahanang iniwan ng kanyang pamilya. Kaya mula noon, palagi na siyang mag-isa. Hindi alam ng kanyang Tito at Tita na sumasama siya sa barkada, at dito siya natutong lumaban at tumapang.
Ilang beses na rin siyang nahuli ng kanyang Tiyahin na may mga sugat at pasa, pero imbes na sitahin siya, kinausap siya nito nang masinsinan.
Hindi pa rin siya umamin at piniling itago ang tunay niyang hangarin—ang paghihiganti at paghahanap ng hustisya. Hanggang sa isang araw, nalaman ito ng pinsan niyang si Hendrick, anak nina Tito Wilfred at Tita Mirasol ng nahuli siya nitong nakipag suntukan sa grupo ng mga kalalakihan. Nagulat siya nang isang araw ay dinala siya nito sa isang underground place at ipinakilala sa mataas nitong boss. Dito nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay—natutunan niyang humawak ng armas at sinanay siya para sa iba’t ibang uri ng assassin assignments.
Pero isang bagay ang sinigurado ni Loise: hinding-hindi siya papatay ng tao. Sinusugatan lamang niya ang mga target, at bahala na ang back-up team kung anong gagawin sa mga ito. Karamihan sa kanilang mga biktima ay mayayamang politiko at negosyante. Minsan nakakaramdam siya ng guilt, pero sa tuwing nakikita niya kung paano trumato ng tao ang mga ito, mas lalo siyang nagkakaroon ng lakas ng loob na tuluyang mawala ang mga iyon sa mundo.
Nagbago ang lahat nang makilala niya si Tate—ang kanyang naging matalik na kaibigan. Hindi sinasadya, pero natulungan niya ito at nasaksihan kung paano nito protektahan ang mga katutubong hawak ng pamilya nito sa Mossy Village. Dahil dito, iniwan niya ang mundo ng karahasan at ginamit ang pagkakaibigan kay Tate para makalayo sa gulo.
At doon niya rin nakilala si Sonata. Aminin man niya o hindi, agad itong bumihag sa kanyang puso. Sa unang pagkakataon, natutong tumibok ang puso niya para sa isang lalaki—pero ang masaklap, si Tate ang gusto ni Sonata. Nasaktan siya, pero nagkunwaring okey lang, lalo sa harap ng kaibigan. Hindi niya kayang aminin kay Tate na mahal niya si Sonata—lalo na’t alam nito kung sino talaga ang laman ng puso ng binata.
Umiling ako habang naaalala ang mga nakaraan. Minsan naiisip ko na baka karma na rin ito dahil sa mga nagawa ko dati. Palagi ko na lang ipinagdadasal at inihihingi ng tawad sa Diyos ang aking mga kasalanan, pero tanggap ko ang katotohanang walang puwedeng magmahal sa akin hindi hangga’t magulo pa ang kanyang mundo.