Chapter 19 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV Pagkasara niya ng pinto, halos mabingi si Loise sa tunog ng kalabog nito. “Perfect. Pati pinto, nadamay sa trauma ko,” reklamo niya habang napahiga sa kama na parang gusto nang lamunin ng kutson. Ang dami niyang kailangang gawin — mga report, mga planong naiwan sa siyudad — pero wala, ni isa, walang pumapasok sa isip niya. Lahat ng mental energy niya, naubos sa nangyari kanina.Nasa mesa ang laptop niya pero hanggang ngayon hindi pa rin niya nabubuksan. Napatingin siya sa kisame, sa kahoy na design nito na parang galing pa yata sa kakahuyan sa paligid.She bites her lip and closes her eyes. “Sonata,” bulong niya na may diin, halong inis at inip. Napabalot siya sa kumot na parang burrito ng sama ng loob. “Kahapo

