Chapter 15 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV Mabagal na bumukas ang mga mata ni Loise — parang sinisilip niya ang mundo matapos ang isang mahabang panaginip. Ang unang dumampi sa kanyang balat ay ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na bintana, may kasamang amoy ng pine at umuusok na lupa matapos ang ulan kagabi.Napaungol na napasapo siya sa kanyang ulo. Ilang segundo siyang tulala, sinusubukang alalahanin kung nasaan siya. Mga pader na kahoy. Kurtinang kulay cream. Isang maliit na mesa sa tabi ng kama, at sa ibabaw nito — isang tasa ng kape, mainit pa, tila bagong timpla lang. Bigla niyang naalala. Sonata’s place. Nakatulugan na niyang mag-isip kagabi, at hindi na niya hinintay ang pagbabalik ng lalaki. Napangiti siya. “He reall

