Chapter 17 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Nakaupo si Loise sa labas ng bahay, mahinang inaayos ang mga gatong sa maliit na fireplace sa hardin. Naamoy niya ang natural na halimuyak ng sinunog na kahoy—’yung amoy na parang nakakarelax kahit mag-isa ka lang. Tahimik ang paligid; tanging langitngit ng apoy at mahinang agos ng ilog mula sa ibaba ang maririnig. Hapon na, at pababa na ang araw. Ang langit ay nagkukulay kahel at ginto, pero sa likod ng ganda nito, ramdam pa rin ni Loise ang bigat sa dibdib. Wala pa rin si Sonata. Nagkaroon sila ng mainit na argumento kanina, at bago pa man siya makapagsalita, umalis na lang ito—hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta. Hindi niya alam kung babalik pa ba ito ngayong gabi. Napabuntong-hininga siya at napasand

