Masaya Dala ang ibinigay na dress ni Lhuella ay umuwi ako ng bahay kasama si Lola. Naroon kasi silang lahat sa Rest house. Ang sabi ni Lola, kung hindi ko daw gusto iyong dress na binigay ng walang utak kong pinsan ay bibili nalang ako sa bayan. Baka may maukay pa akong desenteng damit hindi kagaya ng bigay niyang parang pangkatulong. Gustuhin ko mang huwag pumunta sa birthday niya pero nagpapakaplastik ito ni Channy sa amin simula noong Youth Camp. Halatang gusto niya lang makaclose ang mga kaibigan ni Channy dahil magaganda ito at galing sa mayayamang angkan. Idagdag pa si EllieKlaire na sikat palang modelo sa ibang bansa. "Heto. Bumili ka ng dress mo sa bayan." Binigyan ako ng limang daan ni Lola na ikinabusangot ng mukha ko. "Kulang ba? Teka dadagdagan ko ng dalawang daa--"La!

