Compliments Nakilala ko ang mga kaibigan ni Channy sa syudad. Iyong mga magagandang babaeng bumili pala sa akin ay mga schoolmate niya roon. Sobrang ganda nilang lahat. Puro pa makikinis. Maputi naman ako pero iyong mga balat nila halatang alagang aircon. Mamula mula kasi hindi kagaya kong maputla. Ang gugwapo rin ng magpipinsang Delafuente. Ang sarap siguro sa feeling na ganoong klase ang naging boyfriend mo. Sana pag naging 23 na ako, mga kagaya nila ang makilala ko. Iginala ko ang tingin sa paligid. Hindi ko namamataan si Uno. Ang sabi niya noong nakaraang araw ay bibili ulit siya saakin pero wala naman siya. Kahapon rin at mukhang pati ngayon ay wala siya. Kahit saan lumipad ang utak ko lalo na't noong huli ko siyang nakita ay ang raming kumausap na babae sa kanya. Mga ganoong kla

