Rumors Naging abala kaming dalawa ni Channy sa Youth Camp. Siya ang nagsusukli sa mga namimili habang ako naman ang aligaga sa pagbibigay ng mga binibili nila. Mas marami atang bumibili sa akin ngayon hindi katulad noon. Siguro magiging doble ang kikitain ko nito kumpara noon. Sa tuwing Youth Camp, ang hindi ko lang talaga nakakayanan ay itong pinsan kong si Lhuella na kasali rin. Nakikita ko ang pagpapasikat niya sa ibang mga campers. Para siyang isang linta na uhaw sa dugo kaya kailangan talagang dumikit. Ilang beses rin kaming nagkakasagutan niyan sa tuwing nagkukrus ang landas naming dalawa. Palitan kami ng pagligo ni Channy sa batis. Dinadala ko naman si Horsey para mas mabilis akong makarating at makabalik agad sa camp. Nang makaramdam ako ng init ay nagdesisyon nalang akong mal

