Kabanata 49 Jairus’ Point of View “PANALO AKO NG ISANG DAAN!HAHAHAHHA” malakas na halakhak ni Strife ang sumalubong sakin pagpasok ko sa bahay nina Kairon. Magkaharap ang dalawang ugok, naglalaro sila ng chess habang nasa gilid ang isang cute cute na batang babae na mukha nang 10 years old when she's just 5 years old. “Daddy, you always lose to uncle pogi!” Natawa ako and that's when she noticed me. “Daddy Jai!” I laughed when she ran to me. Binuhat ko sya at hinalikan sa pisngi, “Hey my baby girl, how are you?” “Teach me na, daddy Jai! Walang kwenta si dad e, hindi sya marunong magchess.” Natawa ako. Nakita ko namang nalukot ang mukha ni Kai at humalakhak nanaman si Strife. “Hoy Kairi Brie, baka nakakalimutan mong ako ang dahilan kung bakit maganda ang lahi mo! Anong walang kwen

