Kabanata 50 Knight’s Point of View Napailing ako nang dali-daling umalis si Calla. Damn it! This is bad! Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina. Hindi puwede 'to. Baka layuan niya ako. Bakit ba hindi ko napigilan ang sarili ko? Bakit nawala ako sa sarili kanina? Bakit nababaliw ako kapag nakikita ko siya? Damn! Kahit iba na ang mukha niya, kahit iba na ang pangalan niya. Kahit hindi na niya ako naaalala, mahal na mahal ko pa rin siya. Damn! Hindi na ako nagdududa sa kaniya! “Knight!” Nag-angat ako ng tingin kina Jairus. Base sa hitsura nila, sigurado akong nakita nila si Calla. s**t! Nagkita na sila ni Calla! “Nandito na si Caliyah?!” si Strife na gulat na gulat ang nagsalita. Tamad akong naupo sa sofa at pumikit. Sa totoo lang, gustong-gusto kong sundan si Calla. Gusto ko siyang y

