Kabanata 46 Third Person's Point Of View Labis-labis ang takot na nararamdaman ni Caliyah matapos umalis ni Cassandra. Alam niyang babalik ito kaagad at sa pagbalik nito ay maaring katapusan na talaga niya. Napakasakit tanggapin na sa ganitong paraan siya mamamatay. She never thought she'll face death in a very terrifying way. Nasaan na ba ang mga lalaki sa buhay niya? Nasaan na si Knight? Si Jairus? Ang mga pinsan nito? "C-Caliyah.." Natigilan si Caliyah. Bumilis ang t***k ng kanyang puso—hindi pisikal kundi sa kaniyang isip lamang. Ang kanyang mga mata ay muling nanubig at halos nahihirapan syang huminga. Tama ba ang narinig niya? Nandito ba talaga ang may-ari ng boses na 'yon na miss na miss na niya? Nandito ba talaga ito? Dahan-dahan ang ginawa nyang pagtingala. Dahan-dahang n

