Kabanata 45 Jairus’s Point of View Nakangiti ako habang mahigpit na hawak ang kamay ni Caliyah. We're both sitting in the middle of the road at hindi ko maiwasang hindi siya titigan. She's really beautiful. So damn beautiful at sobrang saya ko na kasama ko siya ngayon, kahit sa panaginip lang. Alam ko, batid ko na gawa gawa lang ng isip ko ang lahat ng ito. Sa sobrang kagustuhan kong mapasakin si Caliyah ay ginusto nalang ng isip ko na manatili sa isang panaginip kung saan pag-aari ko siya. Kami lang. Kaming dalawa. “Sobrang saya ko, Caliyah..sobrang saya ko..” mahinang sambit ko saka hinalikan ang likod ng kaniyang palad. Lumingon siya sa akin at ngumiti. “I love you, Jai..” Ito ang pangalawang beses na sinabi niya 'yon at 'yon lang talaga ang lumalabas sa bibig niya. Wala nang iba.

