Kabanata 1

2053 Words
Kabanata 1 Caliyah's Point Of View Hawak ko ang laylayan ng aking damit habang nakayuko. Nakaupo ako sa harap ng isang mahabang lamesa na bubog. Tahimik ang lugar na kinaroroonan namin, sa gilid ay nakahilera ang mga chef at maid na pare-parehong nakapulang uniform. Nakaupo sa tabi ko sa bandang kanan si Knight, sa kaliwa ko naman ay nakaupo ang kanyang pinsan na si Dark, iyong nagpakita sakin ng pangil. Sa harap ni Knight, nakaupo ang kanyang ina, sa gilid nito at ni Knight naman, sa pinakadulo ng lamesa ay nakaupo ang ama ni Knight Kanina pa ako kinakabahan, hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa't nararamdaman ko na nakatitig sakin ang ina ni Knight. Gosh! Bakit na kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit ako pa ang napili nila para sa bampirang prinsepe na to? Hindi ko akalain na nag-eexist pala sila, at ngayon ay paniwalang-paniwala na ko, may bonus pang kilabot at kaba. Jusko! Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin dahil sa sobrang tense. Sa totoo lang gusto kong tumakbo at tumakas pero imposibleng makaalis ako dito. “Pinsan, uncle, auntie, bakit sa isang araw na ang kasal? Masyado naman yata kayong nagmamadali” maya-maya ay binasag ni Dark ang katahimikan. “Hindi naman sya makakatakas dito e” dugtong ni Dark. Umikot ang mata ko. Sakalin ko 'tong bampira na 'to. Tsk! “Tutol ka?” malamig na tanong ni Knight. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Parang nilamig ako sa boses nya, literal. “Hindi. Nagmamadali kasi kayo” natatawang sagot ni Dark. Oo nga. May point sya. Lumunok ako. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko dahil sa titig ng reyna o maiinis dahil binuksan nya ang topic tungkol sa kasal kuno namin ni Knight. Pero sabagay, iyon naman talaga ang dahilan kung bakit nagtipon kami ngayon “Hindi kami nagmamadali, Dark. Alam mo naman ang dahilan, hindi ba? Kilala mo rin naman ang iyong ama” halos manigas ako dahil sa sobrang lamig ng boses ng ama ni Knight Pero ano daw? Parang ang layo naman ng isinagot nya sa tanong ni Dark. Anong kinalaman ko sa ama ni Dark? “Pag hindi pa ikinasal si Knight sa itinakdang mate nya, kikilos ang ama mo para tumutol. Binigyan nya lang ako ng tatlong araw para ipakasal ang dalawa” dugtong pa ng ama ni Knight. Lumunok ako. Ganoon pala. “Oh! Another question, uncle. Gagawin ba nating isa sa atin si Caliyah?” Para akong tinakasan ng kaluluwa sa kasunod na itinanong ni Dark. I-Isa sa kanila? Gagawin nila akong bampira? Naramdaman ko ang unti-unting pagpapawis ng kamay ko at tumaas ang balahibo ko sa batok. Ayoko!!!!!! Ayoko! Subukan lang nila talagang hindi ako magdadalawang isip na maglaslas ng leeg. Amp! “Hindi na kailangan, hijo. Sapat nang siya ang itinuro ng propesiya para magdala ng susunod na pinakamakapangyarihang bampira” sagot ng ama ni Knight. Kung tuyong-tuyo ang disyerto, pakiramdam ko ganoon na rin ang lalamunan ko. S-so, bubuntisin talaga ako ni Knight? Uwaaahhhhh. Hindi ko alam kung magdidiwang ako dahil gwapo ang lalaking mapapangasawa ko o mag-ngangangawa sa inis dahil siguradong matitigok ako ng maaga dahil sa plano ng mga bampirang ito sakin Bakit ba ako pa ang napili ng mga 'to? Bakit ako? Tahimik akong nabubuhay at nagtatrabaho sa hospital e! Bakit ako?!!! “Hindi kaya nagkamali lamang ang propesiya? Isa syang mortal, paano nya makakayanang magdala ng isang immortal na supling?” Tama-tama! Kulang nalang ay magtatango ako sa labis na pagsang-ayon sa itinanong ng ina ni Knight. Malalaspag ako ng todo. Huhuhu. Ayoko ko pang mabuntis. Paano nalang ang pangarap ko? Hindi pa ako nakakapagpatayo ng sarili kong bahay. “Kakayanin nya, aking mahal” sagot ng ama ni Knight Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Nagdesisyon na sila para sa buhay ko. Isinulat na nila ang kapalaran ko. Hindi ko maiwasang hindi mainis. Bakit ba ako napasok sa ganitong sitwasyon? Hindi ba pwedeng kalahi nalang nila ang pakasalan at buntisin ng anak nila? Bakit ako pa? Humugot ako ng malalim na hininga at inipon ang lakas ng loob ko. Tututol ako. Hindi pwedeng basta nalang nilang kontrolin ang buhay ko. Ayoko! Ang sinusunod ko lang ay ang parents ko, hindi ko nga kilala ang mga 'to e, isa pa ay hindi sila mga normal na tao. “Mawalang galang na po. Pero hindi naman po siguro tama na magdesisyon kayo para sa buhay ko. Ako po ang pinag-uusapan dito, buhay ko ang nakasalalay. Wala po kayong karapatan na pilitin ako na pakasalan ang anak nyo lalo pa't hindi kayo ordinaryong tao” mahabang litanya ko habang tinitingnan sila sa mga mata. Hindi ko na nilingon si Knight na nasa tabi ko. Alam ko namang nakikinig sya kanina pa. Gusto ko rin syang batukan dahil parang okay na okay lang sa kanya ang mangyayari. Duh! Hindi ba sya magrereklamo? Wala ba syang girlfriend na pinangakuan ng kasal? “Wew” si Dark na ngumisi at tumingin sakin. Nagtaas ako ng noo, feeling ko ang superior ko dahil nakatingin silang lahat sakin at nagawa kong ilabas ang gusto kong sabihin. Naging matapang ako para magsalita para sa sarili ko. “Caliyah, alam kong wala kaming karapatan. Pero dahil nasa pamamahay kita, wala kang magagawa kundi sundin ang gusto ko” Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa isinagot ng ama ni Knight. Kalmado lamang ang boses nya pero ramdam ko ang awtoridad dahilan para mangilabot ako ng sobra. Gayunpaman, tinatagan ko ang loob ko, kung hindi ako tatayo para sa sarili kong karapatan, hindi ako makakaalis sa lugar na ito at makukulong ako dito habang buhay. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako at wala akong ideya kung ano nang nangyayari sa mga magulang ko “Pakakasal ka sa anak ko, hija, sa ayaw at sa gusto mo” “Ayoko po” matigas na sagot ko. “Nakasulat na ang tadhana mo” “Pero ako po ang magdedesisyon para sa sarili ko!” Hindi ko na napigilan ang bahagyang pagtaas ng aking boses. Nakita ko sa mula sa gilid ng mata ko ang panlalaki ng mata ni Dark habang si Knight ay wala pa ring kibo habang nakatingin na sa lamesa. “You're unbelievably brave” manghang komento ni Dark na hindi ko pinansin. Bumalik ang atensyon ko sa ama ni Knight. Wala akong nababakas na emosyon sa mga mata nito ngunit nag-sisimula nang manginig ang tuhod ko sa takot. Kahit nakaupo lang ako ay pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa pinaggagawa ko. Gosh! Saan ako kumuha ng lakas ng loob, ayokong maging hapunan nila ang aking dugo at kung mamalas malasin, baka pati lamang loob ko lapain nila. Ahhh!!! Ngumiti ang ama ni Knight, “Ganoon ba?” Tumango ako sa kabila ng takot na nararamdaman, “Opo at hindi nyo ako basta basta pwedeng ipakasal sa anak nyo” sinulyapan ko ang bampira sa tabi ko. Nakatingin sya sakin habang umiinom ng dugo kaya napalunok ako. “Ramdam ko ang t***k ng iyong puso, hija. Mabilis rin ang daloy ng iyong dugo” nahigit ko ang aking hininga at agad na napatitig sa ina ni Knight. Nakangiti sya ngunit alam kong hindi maganda ang naglalaro sa kanyang isipan ngayon. Dahil din sa sinabi nya ay mas lumakas ang pagpintig ng puso ko. Anong pinaplano nya? Papatayin nya ako ngayon at sisimutin ang dugo ko? “Auntie, you're scaring her” Hindi pinansin ng ina ni Knight ang sinabi ni Dark dito. Nanatili itong nakangiti habang diretsong nakatingin sakin. Ngayon napatunayan ko na na hindi lahat ng mukhang mabait ay totoong mabait. Patunay ang ina ni Knight. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga dahil sa nangyayari. Lumunok ako. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko. “I'll make you choose then. You decide. You or your parents?” Suminghap ako. Unti-unting nagtubig ang mata ko habang unti-unting napapalingon sa ama ni Knight. Pinapipili nya ako sa pagitan ng dalawang choices na wala akong kawala sa bandang huli. Kung pipiliin ko ang sarili kong kapakanan, sasaktan nila ang magulang ko. Alam kong hindi nagbibiro ang ama ni Knight. Anong gagawin ko? “Choose wisely, Caliyah” dugtong ng ama ni Knight. Napatingin ako kay Dark, nakatingin sya sakin na parang excited na excited sa magiging sagot ko. Na para bang pinapipili lang ako between candy or bread. Nalipat ang tingin ko kay Knight. Ganoon pa rin ang pwesto nya. Wala pa ring pakialam sa paligid at seryoso lamang ang mukha. Kinagat ko ang loob ng pang-ibaba kong labi. Dumoble ang kabang nararamdaman ko. Pati ang takot ko ay nadagdagan. Anong gagawin ko? Ano? “H-Hindi ba p'wedeng pakawalan nyo nalang ako?” “Ikinalulungkot ko pero hindi puwede, hija” sagot ng ina ni Knight. Yumuko ako. Hindi ko alam ang gagawin. Mapapahamak ang parents ko pag hindi ako pumayag sa gusto nila pero ayoko namang basta nalang ikasal sa nilalang na hindi ko lubos na kilala. “Bakit ho ako pa?” tiningnan ko sila isa-isa, nag-iinit ang gilid ng mga mata ko at kanti nalang ay tutulo na ang luhang pinipigilan ko. Ayoko dito! “Dahil ikaw ang itinuro ng propesiya” Suminghap ako, “Lintek na propesiya 'yan!” Napahugot ako ng malalim na paghinga nang sa isang iglap ay nahawi ang mga nakalagay sa lamesa at bigla akong bumagsak pahiga doon, nanigas ako at hindi nakapagsalita nang makita ko si Knight sa ibabaw ko, mapula ang mga mata nya at labas ang pangil. Tuluyan akong napaiyak. Papatayin na ba nya ako? “Kumalma ka, Knight!” rinig kong saway ng ina nya pero hindi sya natinag. Napapikit ako ng mariin nang ibaba nya ang kanyang mukha at biglang inamoy ang leeg ko. Napahikbi ako. Awang-awa ako sa sarili ko pero wala akong magawa. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko mula sa mga nilalang na umaabuso sa kahinaan ko. “Knight, bitawan mo sya” “You smell nice” bulong nya dahilan para tuluyan akong humagulhol. “T-Tama na! L-Layuan mo ako!” “Marry me. Marry me or i'll kill you tonight” muli nyang bulong. Humugot ako ng malalim na hininga. Wala na akong nagawa kundi tumango. Bigla naman syang umalis sa ibabaw ko kaya agad akong tumayo at pinunasan ang basa ng luha kong pisngi. “I—I'll do it. I'll marry him” labag sa kalooban na sagot ko habang hindi makatingin ng diretso kay Knight. Ramdam ko ang titig nya sakin pero pilit na binabalewala ko 'yon. “Ulitin mo, Caliyah” utos ng ama ni Knight. Lumunok ako, “Pumapayag na akong magpakasal sa anak nyo” ulit ko saka sinulyapan si Knight. Nakita ko ang unti-unting pagngisi nya matapos marinig ang isinagot ko. Pakiramdam ko ay maiiyak nanaman ako. Wala na talaga akong kawala. Ito ang kapalaran ko. Bakit? Nagligtas naman ako ng buhay ah, doktor kaya ako! Pero bakit pakiramdam ko parusa ito? Mom, dad, ayoko po dito! “You've picked the very wise decision, Caliyah. Let's now eat” sinulyapan ko ang ama ni Knight na nginitian pa ako na hindi ko alam kung pang-iinsulto o ano. Muling kumilos ang mga tagasilbi at nilagyan ng bagong malilinis na kitchen utensils sa lamesa. Naglagay din sila ng bagong mga pagkain. Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo. Tahimik lamang ako habang dinadama ang mabigat na pakiramdam na tila nakadagan sa dibdib ko. “Okay ka lang?” tanong ni Dark. Hindi ko sya pinansin. Napaigtad pa ako nang tapikin nya ang balikat ko. Agad akong umiwas dahilan para mahulog ang kamay nya. “Kumain ka na, h'wag kang maarte baka ikaw ang kainin ko” napasinghap ako at marahas na nilingon si Knight pero hindi sya nakatingin sakin. Nagtiim-bagang ako. Mabulunan ka sana at mamatay! “Hindi ako mamamatay sa ganoon, Caliyah. Sa sarap lang ako maaaring mamatay” muli akong napasinghap. Lumunok ako lalo na nang unti-unti syang lumingon sakin at ngumisi, “Sa sarap” muli nyang sabi dahilan para mabilis akong mapaiwas. Tumingin ako sa mga kasama namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang sila ay patuloy sa maganang pag kain. Paano ako makakakain kung alam kong hindi ako magiging masaya sa mga susunod ko pang araw dito? Sana lang makahanap ako ng paraan para makalabas dito. Hindi ako papayag na makulong ako dito sa mansyong ito kasama ng mga halimaw na uhaw sa dugo. Isa pa ay mukhang manyak ang mapapangasawa ko. Lecheng buhay 'to! If i'm just dreaming, please wake me up! It's no longer a dream, i'm in my worse nightmare! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD