Kabanata 2

2033 Words
Kabanata 2 Caliyah's Point Of View “You're beautiful” Tumaas ang balahibo ko sa batok at mga braso nang ibulong 'yon sakin ni Knight. Nandito kami sa kwartong ginagamit ko, actually bigla nalang syang pumasok. Medyo pahapon na pero hindi ko alam kung anong eksaktong oras, wala manlang kasing orasan sa kwartong 'to. “Mabango ka rin” Lumunok ako. Gusto ko syang itulak palayo pero hawak nya ang magkabilang kamay ko sa harapan gamit ang kaliwa nyang kamay. “K-Knight..” “Are you moaning my name?” natatawang tanong nya. Nanlaki ang mga mata ko. Anong moaning? Hindi ah! Siraulo ba sya? “Bitawan mo ako, Knight” lakas loob na sabi ko. Binitawan nya nga ako pero ang akala kong pag-asa kong makatakas ay hindi nangyari dahil itinulak nya ako pahiga sa kama at pumwesto sya sa ibabaw ko. “Knight!” Ngumisi sya, “You're not crying anymore” Tsk. Iiyak? Paano pa ako iiyak e tinakot ako ng ama nya kagabi na bawat luhang ilalabas ng mga mata ko, isang basong dugo ko ang katumbas. Paano kung isang buong araw akong umiyak? Edi simot ang dugo ko! Psh! “Kapag ba umiyak ako palalayain mo na ako?” Sarkastiko syang tumawa at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Natigilan ako at nanigas sa kinahihigaan ko. Ano nanamang ginagawa nya? Napapikit ako nang maramdaman kong inamoy nya ang leeg ko. Ngumiwi ako nang mabilis na dinilaan pa nya 'yon. Damn! Manyak talaga! “Hindi kita binantayan ng mahabang panahon para lang palayain” Anong ibig nyang sabihin? Binantayan nya ako? Teka... Dahan-dahan syang bumangon at pumwesto sa paanan ko habang ako ay nanatiling nakahiga at nakatingin sa kanya. Seryoso ang mukha nya. Wala akong nababakas na kahit anong emosyon at sobrang lamig ng tingin nya sakin. Parang nilalamig ako sa paraan ng pag tingin nya. Sobrang lamig. Nakakaginaw. “Ito ang tandaan mo, Caliyah, pag-aari na kita. Akin ka na ngayon, bukas...habang buhay” mariing saad nya saka tumalikod at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Nanamlay ako bigla. Unti-unti akong bumaluktot ng pagkakahiga sa kama at hindi ko napigilan ang pagtulo ng isang butil ng luha mula sa gilid ng kaliwa kong mata. Humugot ako ng malalim na hininga saka mariing pumikit. Ayoko dito! Ayoko! Gusto ko nang umalis pero paano? Hindi ako makakatakas sa kanila. Walang pag-asa. Ni katiting na pag-asa, wala. *** Mabilis na lumipas ang mga araw. Sapo ko ang aking dibdib habang nakaharap sa isang full length mirror. Nakasuot ako ng isang long gown na kulay gold at sobrang kinang. Tama lang ito sa katawan ko, sadyang pinasukat kahapon para sakin. Tinitigan ko ang mga mata ko sa salamin, bakas na bakas ang lungkot at sakit. Ayoko talagang magpakasal sa kanya. Ayoko! Hindi ito ang pinangarap kong kasal. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Knight at nandito ako sa kwartong tinutuluyan ko simula nang dalhin ako dito. Kanina pa ako dito, tapos na nga akong ayusan, sa totoo lang ayoko talagang lumabas dahil natatakot ako. At isa pa, sa oras na lumabas ako ng silid na ito, ibig sabihin ay tinatanggap ko na na ito ang talaga ang kapalaran ko. Ayokong tanggapin. Paano ko tatanggapin ang katotohanang hindi makatotohanan? Ikakasal ako sa isang bampira? Hindi kaya nakatulog lang ako at panaginip lang ito? Hays! Ang hirap naman ng sitwasyon ko, hindi ko alam kung paano tumakas dahil sa lawak ng mansion na ito, siguradong hindi ko pa nararating ang main door ay nahuli na ako. Gustong-gusto ko nang umalis dito pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung papaano. Marahas na ibinagsak ko paupo ang katawan ko sa kama. Kagabi, hinihiling ko na nananaginip lang ako. Na magigising ako sa apartment ko at magmamadali dahil duty ako sa Hospital at late na ako. Pero sobra akong nalungkot nang magising ako na nandito pa rin ako sa poder ng mga bampira. Gabi gabi ay nagdadasal ako na makabalik na sa normal ang buhay ko pero hanggang pangarap nalang yata ang pagbalik ko sa normal. Walang nangyayari. Walang silbi ang pagdadasal ko. Bumuntong-hininga ako. Sa ilang araw na nandito ako, ngayon ko lang nakumbinsi ang sarili ko na habang buhay na talaga akong makukulong dito. Ito na talaga ang kapalaran ko, kapalarang hindi ko kailan man naimagine mangyayari. Gusto ko ay makapag-asawa ng normal pero totoo nga yatang kabaliktaran ng pinapangarap mo ang magiging takbo ng buhay mo. “Caliyah!” Nagulat ako at agad na napatayo nang pumasok si Dark sa kwarto ko. Humahangos sya at patingin-tingin sa kasasarado palang na pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang takbuhin nya ang espasyo sa pagitan namin at tumigil sa harapan ko. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko saka ako tinitigan sa mga mata. Anong ginagawa nya? Bakit sya nandito? At bakit nya ko hinahawakan? Close na ba kami? Hindi naman ah! “D-Dark” kinakabahang pag tawag ko sa pangalan nya. Ano bang ginagawa ng lalaking to dito? H'wag nyang sabihing gusto nya akong....oh my gosh! Napalunok ako saka mabilis na umatras palayo sa kanya. Manyak si Knight kaya hindi imposibleng ganoon din ang pinsan nya. Baka..baka kung anong gawin nito sakin. “T-Teka lang, Dark” “Listen, Caliyah. Busy ang lahat kaya ngayon ko na gagawin ang plano ko..” Panimula nya dahilan para mas umatras ako palayo habang niyayakap ang sarili ko. Exposed na exposed ang balikat at likod ko dahil sa suot kong damit at hindi ko alam kung makakatakbo ako ng mabilis dahil sa mahaba ang suot kong gown at fitted pa ito hanggang legs ko dahilan para kumurba ang hubog ng katawan ko. A-Ano bang ginagawa ni Dark dito? Anong plano nya sakin? “A-Anong plano?” nauutal na tanong ko. Bigla syang ngumisi kaya itinaas ko ang dalawang kamao ko at pumorma na susuntukin sya. Pinagtaasan naman nya ko ng kilay. Ang taray ng bampirang ‘to porket ang sexy ng dating nya e. Nagtaas ako ng noo. Hindi pwedeng abusuhin nya pati ang katawan ko. Hindi ako papayag! “Wag na wag kang magtatangka na lumapit kung ayaw mong basagin ko ang kinabukasan mong nakalawit dyan sa ibaba mo. Dyan ka lang!” pagbabanta ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata nya at agad na tinakpan ang nasa pagitan ng kanyang hita. Ngayon ko lang napansin na nakablack tuxedo sya. Ang gwapo pala ng bampirang to. W-What? Gosh! Erase erase, stop it Caliyah, balak ka nyang gahasain, uunahan pa nya si Knight. Jusko! E teka, hindi rin naman ako papayag na matikman ng manyak na bampirang 'yon ang katawan ko e. No! Over my dead body! “What? Goddamn it! Anong pinagsasasabi mo? Ang dumi ng utak mo, dinamay mo pa ang ano ko. Tsk. Pumunta ako dito dahil plano kong itakas ka. Dadalhin kita sa secret passage ng mansion patungo sa labas” napatuwid ako ng tayo at umawang ang labi ko dahil sa sinabi nya. Talaga? Gagawin nya yon? Seryoso sya? E tuwang-tuwa nga sya na ikakasal ako sa pinsan nya tapos itatakas nya ko? Ano to joke? Pero, itatakas nya talaga ako? Parang...parang nakakapagtaka naman. Anong dahilan nya? Imposibleng basta nalang nya ako itatakas ng walang dahilan o dahil trip nya lang. “OMG! Talaga?” Excited na tanong ko at halos sumigaw na ako. “Shhhh quiet!” “Seryoso ka talaga?” “Oo” “Pero bakit?” Tinitigan nya ako, titig na may awa sa mga mata. Umawang ang labi ko. Totoo ba ito? Naaawa sya sakin? Dati ayokong kinaaawaan ako kaya nga nagsikap akong magtapos at maging doktor pero ngayon ay gusto kong kaawaan nya ako ng husto para patakasin na nya ako dito. “Hindi ka karapat-dapat dito, hindi mo kakayanin” Hindi talaga at ayoko dito! “Totoo ba 'yan?” “Oo kaya wag ka nang makulit at maingay” Nakangiti kong itinikom ang bibig ko nang sawayin nya ako muli. Hinawakan nya ang kamay ko at dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Nasa likuran nya ako habang dahan-dahan kaming naglalakad, palinga linga din sya sa paligid. Salamat at busy ang lahat ng tagasilbi sa pag-aasikaso ng kasal kaya walang kahit isang bampira dito. Yes! Sa wakas makakalabas na ako. Makakaalis na ako sa poder ng mga bampirang ito! “Teka, bakit pala nagbago ang desisyon mo?” Takang tanong ko kay Dark. Parang kailan lang kasi ay excited pa syang ikasal ako sa pinsan nya pero ngayon...hay! Sumilip sya sakin saka nagpatuloy sa paglalakad sa mahabang pasilyo habang hawak ang kamay ko. Tahimik ang paligid, tama nga si Dark, busy ang lahat sa paghahanda para sa kasal namin ng prinsepe nila. Pero, mwahahahaha magru-runaway bride ang peg ko ngayon. Hihi “Dahil maganda ka at maganda ka. Iyon lang” sagot nya na ikinangiwi ko. Iyon lang? Seryoso dahil lang nagandahan sya sakin ay kakalabanin na nya ang angkan nya? Wow! Kakaiba! Parang nagdududa tuloy ako. “Nagdududa ka?” Napatingin ako sa kanya. Lakas naman ng pakiramdam nito. “Oo” “Psh! Wag nalang kaya kitang patakasin” Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napakapit sa braso nya, “Oy hindi. Joke lang! Joke lang” “Pasalamat ka't mabait ako” “Hmp! Pero salamat nga” Sabi ko saka ngumiti sa kanya kahit hindi sya nakatingin sakin. Maya-maya ay tumigil kami sa tapat ng isang malaking pinto. Napatingin ako kay Dark at napansin kong mabilis ang paghinga nya na parang kinakabahan dahilan para kumabog ang dibdib ko. Baka patayin sya ng angkan nya “Pumasok ka dyan, Caliyah. Kwarto ko yan, dumiretso ka sa cr at pihitin mo ang kulay itim na bilog sa may tiles. Aatras ang isang wall doon at magbubukas ang pinto, doon ka dumaan palabas ng mansion” nakatitig sa mga mata ko na paliwanag ni Dark. Binitawan nya ang kamay ko at marahan akong tinulak papunta sa malaking pinto pero umiling ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya. Paano kung mapahamak sya? Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. “Pero ikaw” “Kaya ko ang sarili ko” “Hindi. Sumama ka sa pagtakas ko. Kapag nalaman nila na ikaw ang nagpatakas sakin baka patayin ka nila” kinakabahang sabi ko. Tipid na ngumiti lamang sya sakin saka marahang ginulo ang buhok ko. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa ginawa nya. Pakiramdam ko nagkaroon ako bigla ng kuya. “Hindi nila ako papatayin, Caliyah. Trust me. Now go” sagot nya saka umatras ng isang beses palayo sakin. Muli akong umiling. Paano ko sya iiwan dito kung ngayon palang ay naiimagine ko na kung paano sya papatayin ng angkan nya kapag nalaman ng mga ito na nagtraydor sya? “Paano ko malalaman kung hindi ka nila pinatay?” Tanong ko. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Sa totoo lang biglang gumaan ang loob ko kay Dark dahil sa gagawin nya. Tatraydorin nya ang sarili nyang angkan para lamang iligtas ako. That was stupid but heroic. Masasabi at napatunayan ko na ngayon na hindi lahat ng katulad nilang mga kakaibang nilalang ay masama. “Magkikita pa tayo, Caliyah. Farewell” ngumiti sya. Ngiting may kasiguraduhan bagama't may bahid ng lungkot. “Thank you! Thank you so much, Dark. Hindi ko ‘to makakalimutan. Hinding-hindi kita makakalimutan” naiiyak na pasasalamat ko sa kanya na ngumiti lang ng mas malaki. Napaluha ako ng tuluyan nang sya na mismo ang magbukas ng malaking pinto at itinulak ako papasok. Gusto ko pa sanang bumalik at hilahin sya kasama ko pero agad din akong napailing. Mas mapaghihinalaan sya kung isasama ko sya sa pagtakas ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko saka hinanap ang banyo na sinasabi ni Dark. Mabilis ko namang nakita ang isang pinto na pakiramdam ko ay papunta sa banyo. Inangat ko ng kaonti ang suot kong long gown saka tahimik na lumapit sa pintong kulay puti. Huminga muna ako ng malalim saka dahan-dahang pinihit ang doorknob at itinulak iyon pabukas Pumasok ako agad at napansin kong malawak ang banyo, lumapit ako sa gilid ng sink nang makita ko doon ang itim na bilog na sinasabi ni Dark. Nanginginig ang kamay na pinindot ko iyon at nagulat ako dahil walang nangyari dito. Inulit-ulit ko ang ginawa ko at halos sirain ko na ang bilog nang bigla akong matauhan. Wtf? Gumagana pa ba ito? Baka naman hindi ito 'yon? Muli akong umikot at naghanap ng parehong pindutan pero wala, nag-iisa 'yon. Hindi kaya... “What are you doing?” No! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD