Kabanata 3
Caliyah's Point Of View
“What are you doing?”
Tila tinakasan ako ng kaluluwa nang marinig ko ang panlalaki at malamig na boses na iyon mula sa likuran ko. Hindi ako maaring magkamali. Si Knight ang nasa likuran ko. Anong ginagawa nya sa kwarto ni Dark? Gosh! Anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng sabihin na tatakas ako.
Mariin akong pumikit. Bakit kasi sya nandito? Tatakas na ako e! Ano ba naman 'yan!
“Answer me, Caliyah!” napaigtad ako nang bahagyang tumaas ang boses nya. Pakshet!
Lumunok ako ng tatlong beses saka pilit na pinatatag ang kalooban at boses ko. Hindi pwedeng basta nalang akong sumuko. Kailangan kong makatakas dito!
Anong sasabihin ko? Alangang sabihin ko na tatakas ako at tinutulungan ako ni Dark? Wtf? No way!
Argh! Bakit ba kasi nandito ‘tong prinsepe ng kasungitan na ‘to?
“H-hinahanap ko si Dark!” kinakabahang sagot ko
Darn! Agad kong kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa kagagahan ko. Nice! Ang ganda ng palusot mo, Caliyah! Lusot na lusot ka dyan. Kinagat ko ang dila ko.
“Inside the bathroom?” Sarkastikong tanong nya kaya ngumiwi ako.
Ano naman sa kanya? Psh. E sa gusto kong hanapin si Dark sa bathroom e. Tsk!
“O-Oo. Ano naman sayo?” masungit na tanong ko saka taas noong humarap sa kanya.
Napalunok ako nang salubungin ako ng maputi at matipuno nyang katawan. Six pack abs mga beh! Pakiramdam ko ay dudugo ang ilong ko habang nakatitig sa katawan nya kaya iniwas ko doon ang tingin ko at napamura ako ng mahina nang gaguhin ako ng aking mata. Lumipat ang tingin ko sa ibaba at bumungad sa akin ang bewang nyang may tapis na puting tuwalya. Agad akong tumingin sa kanan ko at napalunok.
Darn! Hindi ako pwedeng maakit sa kanya! Manyak sya, bampira sya! Ayoko sa kanya, kinamumuhian ko sya.
“Don't fool me, woman. What are you doing here?” pag-uulit nya sa tanong nya.
Sa pagkakataong ito ay mas mariin at nakakatakot ang paraan nya ng pagsasalita kaya bumangon ang kaba sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako ss kaba. Pinagpapawisan na rin ang mga kamay ko at nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kabang nararamdaman.
Ang kulit naman nito. E ano bang ginagawa nya sa kwarto ni Dark?
“H-hinahanap ko nga si Dark eh!” nauutal kong sagot.
Paninindigan ko talaga na hinahanap ko si Dark dito sa banyo. Bakit ba? Gusto ko e saka alangang sabihin ko na tatakas ako mula sa kanya. Hindi pwede, mapapahamak din si Dark.
“This. Is. My. Room. Not. Dark's” napasinghap ako at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kanya.
Kwarto nya ito? Magkamukha ba sila ni Dark ng room? Baka nagkamali si Dark. Oh s**t!
“A-Anong room mo? Kay Dark to!” pagpipilit ko.
Nagulat ako at agad na napalunok nang pinasingkit nya ang kanyang mga mata at humakbang ng isang beses palapit sakin. Umatras naman ako. Anong gagawin nya? No! Hindi nya ako pwedeng makorner dito baka mamaya inumin nya ang dugo ko.
“Fool everyone but not me. I already invaded your mind the moment you first made an eye contact with me. I can read and hear your thoughts, Caliyah” halos pabulong nyang sabi sakin
Umawang ang labi ko habang nanlalaki pa rin ang mga mata. Nababasa nya ang isip ko? Damn edi alam nyang plano kong tumakas? Alam nya! Alam nya, anong gagawin ko?
Nagtaas ako ng noo at lakas loob na tumingala para salubungin ang tingin nya, “Kung ganoon, hayaan mo nalang akong gawin ang gusto ko”
Ngumisi sya, “Tatakasan mo ako?”
“Dahil kabaliwan ang gusto nyong gawin ko”
Nagsukatan kami ng tingin. Sunod-sunod akong napalunok at iniwasan ang kanyang tingin pero hinawakan nya ang baba ko at iniharap muli sa kanya ang mukha ko. Hindi na ako nakaiwas ng tingin.
“Do you really think that you can slip away from me? Woman, you are my property. Your mind, heart, body and soul are connected with mine. You can hide anywhere you want. But you cannot escape from me"
Dahan-dahan syang humahakbang palapit sa akin habang nagsasalita hanggang sa tumama ang likod ko sa wall. Nahigit ko ang aking hininga nang mas lumapit pa sya. Hindi sya tumigil sa paglapit sakin hanggang sa halos magdikit na ang katawan namin. Nataranta ako kaya binalak kong tuhudin ang pagitan ng mga hita nya pero nahawakan nya ang kanang hita ko.
Napasinghap ako nang pisilin nya ang hita kong hawak nya saka 'yon itinaas at marahas akong itinulak ng mariin pasandal sa wall saka nya idinikit ang pang-ibabang katawan nya sa sakin. Tinambol ng kaba ang dibdib ko lalo na nang makita ko ang kislap ng pagnanasa sa mga mata nya.
Gosh! Ano bang ginagawa nya? Sunod-sunod akong lumunok dahil sa sobrang nerbiyos.
“Pakawalan mo ko, Knight” tinangka ko syang itulak pero sensuwal na pumikit lang sya at tumingala. Tila nasasarapan sa bagay na hindi ko maintindihan.
“Ugh! Move again and i'll f**k you here” sensuwal na banta nya saka dahan-dahang ibinaba ang tingin sa akin.
Doon ko napagtanto ang ginawa ko. Naramdaman ko ang mabilis na pag-iinit ng pisngi ko at ang kahihiyan na biglang tumubo sa akin. Ahhh! Ang tanga ko!
“Bitawan mo ako, Knight” nagmamakaawang sabi ko pero nanatili lamang syang nakatitig sa akin.
“Ayoko” matigas na sagot nya saka binitawan ang hita ko. Mabilis kong inayos ang pagkakatayo ko.
Gosh! Ang manyak talaga ng bampirang 'to!
“L-Lalabas na ako!” tinangka kong dumaan sa gilid pero napabalik ako sa pwesto ko nang iharang nya doon ang kanyang braso. Ganoon din ang ginawa nya sa kabila. He trapped me between his body and the wall as i felt my body heated up even more. W-What...What is this feeling?
“No! A hardheaded woman should be punish” tuluyan akong napipi habang nilulunod ng mga titig nya.
He’s so handsome. He’s so hot. He’s so intimidating. Nalulunod ako sa titig nya at hindi ko alam kung bakit hindi ako makaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang malakas na pagtibok ng puso ko.
No! No! Hindi pwede!
“Sweet or a bitter punishment. What do you prefer? Perhaps both?” muling tanong nya habang ngumingisi sya.
Lumunok ako. Hindi ako pwedeng magpaapekto ng ganito sa kanya. Oo gwapo sya. Oo hot at macho sya. Pero hindi ako marupok! Huhu hindi ako marupok! Hindi ako dapat nadadala sa mga salita at titig nya. Bampira sya! Ayoko sa kanya
Come on, Caliyah! Pull yourself together and push him hard, hindi ka marupok! Argh!
“N-None! Aalis na ko. Hahanapin ko pa si Dark” bahagya ko syang itinulak sa dibdib gamit ang hintuturo ko pero tila napaso ang daliri ko kaya mabilis ko iyong binawi. Sya naman ay parang walang naramdaman. Nanatili lamang syang nakatitig sa mga mata ko
“Dark again. Tsk. Do you like him?” umawang ang labi ko sa itinanong nya.
What? No! Hindi ah! Kailangan ko lang syang hanapin dahil itatanong ko sa kanya kung bakit sa kwarto ni Knight nya ko pinapasok. Hindi nya ba alam na hindi marunong magbukas ng aircon ang pinsan nya—kung may aircon nga sa mansion na 'to— ang init kasi!
“M-Ma...may itatanong lang ako sa kanya” kinakabahan kong sagot.
Halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sakin. Gosh! Ang tangos tangos ng ilong nya. Ang pula ng labi at ang ganda ng mata. Uhmmm that lips, ano kayang lasa non? Err ano bang kagagahan 'yon?
“Ask me instead” sambit nya saka mas inilapit sa akin ang sarili nya.
Napaigtad ako nang dumikit ang ilong nya sa ilong ko at bahagya nya iyong pinagkiskis. The hell?!
“Baka hinahanap na tayo sa labas” muntik na kong mapatalon sa tuwa nang hindi ako mautal habang nagsasalita.
Should i praise myself or slap myself instead? Kailangan ko nang makalabas dito. Baka kung anong mangyari samin. Jusko, baka mapaagap ang honeymoon—err. Hindi ako makikipagsiping sa kanya!
“Don't you want to play with me first?”
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa mabango nyang hininga na tumama sa ilong at bibig ko. Sineseduce nya ba ko? Hindi ako papapayag.
“A-Aalis—”
"Are you seducing me?" napamulagat ako dahil sa sinabi nya.
Natigil ako sa pagkagat sa pang-ibaba kong labi at napapalunok na tinitigan sya. Ano daw? Ako pa talaga ang nang-aakit? Sino kayang lumalapit nang nakatapis lang ng towel sa aming dalawa. Psh
“H-hindi naman ah” sagot ko pero hindi nya ko pinansin.
Bumaba ang tingin nya papunta sa labi ko at dahan-dahang inilapit ang mukha nya na ikinagulat ko ng sobra.
Anong gagawin nya?
“A-anong gagawin—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at ang tangkang pagpoprotesta ko nang tuluyang dumikit ang labi nya sa labi ko. Tumingin sya sa mga nanlalaking mata ko gamit ang nakakatunaw nyang titig. Sinubukan kong itulak sya at ilayo ang mukha ko sa kanya pero hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at mas diniinan ang labi nya sa labi ko.
Moment later, i felt his lips started moving against mine. Tuluyan akong nawala sa sarili hanggang sa maramdaman ko nalang na unti-unting pumipikit ang mga mata ko habang sinasagot ang mainit na halik nya. Forgive me, Almighty God. Naging marupok po ako
Patuloy sa paggalaw ang magkahulagpong naming mga labi. Dinadama ang tamis ng halik na iginagawad namin sa isa't-isa. Nalulunod ako. Literal na nalulunod ako sa masarap na sensansyong hatid ng labi nya sa akin. Kakaiba ang pakiramdam, tila nakarating ako sa langit at idinuduyan sa mga ulap.
Ilang ang sandali pa, ang banayad at masuyong halikan namin ay naging mapusok, mapaghanap, nang-aakit, nagliliyab. Halos kainin nya ang labi ko. Sinipsip nya ito, bahagyang kinagat saka muling nilamukos ng halik. Dahan-dahang bumaba ang kamay nya sa bewang ko saka 'yon gumalaw ng pataas at pababa, pabalik-balik, sa mabagal na ritmo, kasalungat ng marahas, marubdob at malalim na halik nya sa akin.
Dahan-dahang bumaba ang halik nya sa leeg ko. Napaliyad ako at literal na tumirik ang aking mga mata nang sipsipin nya ang gilid ng leeg ko. Kinagat ko ang halos namamaga kong labi at umawang 'yon nang padaanan nya ng dila ang bahaging sinipsip nya sa leeg ko.
Ang kamay kong hindi ko namalayang nasa dibdib na nya ay ay napakuyom habang patuloy sya sa pag atake sa kabuohan ng leeg ko hanggang sa dumako ang makasalanan nyang labi sa collarbone ko saka bumalik sa aking leeg hanggang sa panga, pisngi at muling bumalik sa aking labi.
“K-Knight...” hindi ko namalayan at napigilan ang pag-ungol sa kanyang pangalan.
“Caliyah, you're driving me crazy” bulong nya sa ibabaw ng labi ko.
Muli akong napaliyad nang dumako sa likod ko ang malaki nyang kamay. Humaplos 'yon doon habang ang isang kamay nya ay dumako sa kaliwa kong pisngi at iniharap ang mukha ko sa kanya. Muli nyang siniil ng malalim, mainit at marubdob na halik ang mga labi ko.
“You're addicting and you're mine. Mine, Caliyah. You are mine”
His? I'm his? I guess i am. I am surrendering myself, submitting myself to a vampire prince.
TO BE CONTINUED...