Kabanata 38 Caliyah's Point of View Kanina pa ako nag-iikot sa buong bahay para hanapin si Light pero hindi ko siya makita. Wala si Dark dahil pumasok na sa trabaho kanina pang umaga. Tanghali na ngayon pero pagkatapos kong paliguan si Light ay bigla nalang siyang nawala. Nasaan na kaya ang batang 'yon? “Cali..” Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Jairus na bihis na bihis at may suot pang shades. Nginitian ko siya. “Hmm. Napadalaw ka?” Inalis niya ang shades niya saka tumingin sa paligid. Kunot ang noo niya. “Nasan si Light?” Sumimangot ako. “Hinahanap ko nga e. Baka nasa labas nanaman.” Tumitig siya sakin. “Delikado siya sa labas. Mainitin pa naman ang ulo non.” “Si Kati naman ang palaging kalaro ng batang 'yon kaya hindi 'yon mapapahamak.” Tumango-tango lang siya. K

