Kabanata 39 Caliyah's Point Of View Marahan kong hinahaplos ang buhok ni Light. Tulog na tulog siya habang namamaga ang mga mata dahil sa kaiiyak. Hindi ko alam kung bakit nadamay ang anak ko sa paghihirap na dinadanas ko. Bakit kailangan nyang maging ganito? Nagiging rogue na ba siya? “Caliyah, aalis na ko.” napalingon ako kay Victoria. Hinalikan ko ang ulo ni Light saka ito kinumutan bago ako tumayo at nilapitan si Victoria. Lumabas kami ng silid. Bagsak ang mga balikat ko at mukhang napansin 'yon ni Victoria. Tinapik niya ang balikat ko. “Hindi siya magiging rogue, Caliyah.” Matamlay ko siyang tiningnan. “Pano ka nakakasiguro e nakapatay na siya ng...” tumingin ako sa paligid. Napakurap-kurap ako dahil napakahirap bigkasin ng sasabihin ko. “He's a half human, Caliyah. Katulad ko.

